read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Swimming sa Probinsya Ang mga batang walang kapaguran talaga magswimming kahit naulan walang makapipigil sa kanila haha. Ganito ang nangyari nung bakasyon namin walang kasawaan sa kakaligo ng dagat. Dito na beach gusto maligo ni bunso hindi daw doon sa maraming mangrove nasugatan kasi siya kaya ayaw ng maligo dun ulit. Itong beach na'to dito madalas kami nagsiswimming. Medyo malapit lang sa bahay sampung pesos pamasahe minsan nagpapahatid kami ng single motor. Madalas swimming namin dito umaga yung pagsikat pa lang ng araw nandito na kami sa beach. Kaya maaga din akong gigising para may baon kaming dala na breakfast namin. Sinusulit ang bakasyon sa kakaswimming kasi malayo dagat pagbalik dito sa Cavite. Ito ay nung new year maulan ulan, lagi naman din ganun ang panahon nung bakasyon namin pero gusto parin nilang maligo silang magpipinsan magkakasundo pagdating sa swimming. Kahit kulay brown na yung dagat walang pakialam lagi kasing umuulan kaya ganyan ang dagat. Pero sobrang enjoy talaga mga kiddos naligo lalo na kapag may alon na malalaki tuwang tuwa sila haha. Matutuwa ka nalang din panoorin sila na sobrang saya kahit maulan hindi nilalamig kami nalang nagbabantay sa kanila ang nilalamig haha. #Swimming #owncontent @ruby0622

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.