read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Bunso Story Telling with Action ^_^ Maganda na ang panahon ngayon hindi na maulan kagaya kahapon. Siguro tuwang-tuwa din mga halaman at puno kahapon nakaligo rin sila :) ilang araw din kasing mainit ang panahon. Walang pasok mga bata ngayon pinapatapos mga activities dahil huling linggo na ng 3rd quarter. Kaya kami ni bunso ito gumagawa ng performance task niya meron pang hindi nagagawa pero kaunti nalang :) Ngayon umaga natapos na si bunso sa story telling with action task niya sa English. May pinapagawa kasing re-telling at re-enact iyong favorite story na nabasa niya. Ang napili niyang story ay yung The Lion and the Mouse medyo kabisado na niya kasi ang kuwento kasi yun din story telling nila last year grade one pa siya may contest sa school. Mabuti nalang meron mask ng lion at may banana rat. Para mas mapaganda ang story telling niya. Ito rin ginamit niya nakaraang taon sa contest. Nakakatakot yung mouse sobrang laki haha pero walang iba mas mabuti na rin yun kaysa wala :) Last year, naka 3rd place din si bunso sa story telling. Natapos rin ang story telling ni bunso, iyong pag-uulat naman niya ang sunod na performance task na gagawin. May mga tasks pa si bunso na gagawin si ate niya tapos na atleast focus na ako sa kanya tatagal kasi kami kapag mga performance na task na tapos medyo mahirap pa gawin kaya naaabutan ng deadline :) #PerformanceTask #StoryTelling @ruby0622

9 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.