read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Bunso Unforgettable Moment Itong lugar na'to ang hindi makalimutan ni bunso sa bakasyon namin nakaraang December. May alaala siyang dala dito hehe nasugat kasi siya sa talaba sa lugar na'to hindi naman malalim ang sugat pero madaming guhit na pahaba sa binti niya sana mawala Lang ang peklat ang pangit Kasi tingnan. Grabe talaga ang iyak ni bunso that time kinabahan pa ako akala ko malalim Kasi panay ang dugo medyo malayo kasi ako sa kanila nung masugatan siya. Kaya sabi tuloy ni bunso "I hate this beach" haha ayaw na daw talaga niyang bumalik dito. Mabuti pauwi na kami bago siya masugatan nakapag enjoy muna siya :) First time din niyang nagpunta dito sa pagkaalala niya hehe maliit pa kasi siya nung last time niyang punta dito kaya hindi na niya matandaan. Ang dami kasing shells ng time na'to kasi kagagaling lang ng baha ni bagyong Odette Kaya daming shells nakalabas na sila kaya dinadampot nalang namin. Sobrang tuwa ni bunso at ate niya nangdadampot ng shells first time maexperience nila kaya tuwang-tuwa padamihan sila ng nakukuhang shells haha. Ang hassle lang talaga pumunta sa lugar na'to lalo na kapag marami Kang dalang baon, ang dami mo rin bitbit. Ang layo pa kasi ng iikutan ng bangka kung dadalhin pa dito Kaya nilalakad nalang namin. Pero sulit naman pagdating Kasi nakakapagswimming kana may dala pang ulam pag uwi ng bahay yun talaga habol namin dito may bitbit na maiulam pag uwi. Ang saya rin kasi hindi kana nahirapan maghanap ng shells nakalabas na yung Kalahating katawan nila kaya dampot Ka nalang hehe. #BunsoUnforgettablePlace #owncontent #NoiseCash @ruby0622

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.