read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Natapos na online class nila kaya umpisahan na ang daily routine tuwing may pasok magsasagot ng mga activities. Ngayong linggo na'to umpisa ng 4th quarter kaunti nalang matatapos na ang school year. Sana sa susunod na pasukan na mag face to face, nag umpisa na ng limited face to face kahapon sa school ng dalawang anak ko. Pero priority lang daw yung kailangan talaga gabayan ng mga guro ang pinapasok muna, nasa modular class. Sila online class naman kaya sa susunod na daw kasi natuturuan din naman sila ng mga guro. Itong daddy nila work from home sa araw na'to bukas pasok uli sa work place nila. Kaya gusto nito kapag dito sa bahay nakakahiga siya kapag break time. Gusto ko rin sana na dito lang siya sa bahay magwork tipid sa baon at pamasahe, at may nauutusan din ako kapag breaktime siya haha. Pero kailangan din nila pumunta sa opisina tatlong araw sa isang linggo. Mas mabuti na rin kaysa buong linggo talaga nasa work place ang gastos mahal ng pamasahe :) Magtatanghali na naman. Nag-iisip na naman ng uulamin sa pananghalian ang hirap magdesisyon kung sapat lang ang budget nandito pa naman maarteng asawa ko haha. Blessed Tuesday Noise fam! Stay safe.

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.