Souvenir Shirt Kumusta ang unang araw ng Abril nyo noisemates? Paiba-iba ang weather ngayong araw na'to maaraw kaninang umaga tapos biglang umambon at umaraw naman uli. Ito pala yung souvenir shirt na bigay ng kapatid ko kahapon bago sila umuwing Antipolo. Bumili sila ng mga shirt pasalubong daw pag uwi ng probinsya sa susunod na linggo. At nasali ako sa binigyan at mga anak ko hindi kasali asawa ko ang hirap niya kasing bilhan ng damit dahil medyo malusog hehe. Namasyal kasi silang Tagaytay doon nila binili ang mga shirt nakakatampo lang ng slight hindi man lang sila dumaan dito sa bahay para isama kaming mamasyal. Siguro sa isip nila lagi naman kaming pumupunta sa Tagaytay dahil nandun ang mga biyenan ko kaya siguro hindi na Kami niyaya. Pero hindi na rin talaga kami nakakapamasyal sa Tagaytay hanggang sa shop lang ng mga biyenan ko dahil ang higpit pa noon ngayon lang medyo lumuwag. Kaunti lang naman ang tampo ni inday masaya parin dahil pinasyal nila si mama bago umuwing probinsya namin nasusulit ang bakasyon ni mama dahil marami siyang napasyalan :) Blessed day and stay safe Noisefam. God Bless us all!
8 comments
Tiyak masisiyahan ang mga pasasalubungan niyan. Good morning, ka-noise!
Opo sis tiyak iyan isa na ako doon :)
Nakalimutan mo na ka-noise, hindi ako sis hehe
wow ako noon bet ko yan. pero now mga ref magnets na hehe
Maganda naman ref magnet sis nakikita mo palagi :)
kya nga eh. proof na rin na nkapasyal k sa mga lugar n un. aside from sa mga bigay. ako hiwalay ung bigay sa bili. hehhee
Dito rin friend halos ganyan kaya gusto ko amg panahon...pero hindi kame nalabas kanina mainit baka sakit tyan ..sweet ng kapatid mo friend
Dito rin friend hindi na kami lumalabas para maiwasan magkasakit lalo na mga bata. Hindi kasi kami sinamang mamasyal ng kapatid ko kaya pasalubong nalang para hindi magtampo masyado haha.