read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Return Flight Nakaisang buwan na pala kaming nakabalik dito sa Cavite. Maalala ko pang kamuntikan na kaming hindi makasakay sa plane nung Jan 17 dahil bawal na daw ang bata sumakay 11years old below. Mabuti at pumayag ang airline kasi residente naman kami dito. Akala ko pa naman makauwi kami ng bahay ang layo pa naman ng binyahe namin nagrenta pa kaming sasakyan dahil may check in luggage kami tapos 3:30am nagbyahe na kami papuntang airport para maaga dahil 9am flight namin. Dumating kami ng 6am sa airport tapos sabi ng nagbabantay sa labas bawal na daw mga bata sumakay. Ok Lang naman sana magtagal sa province namin dahil online class naman at nag eenjoy pa mga kids sa bakasyon ang problema napakahirap ng signal tapos walang kuryente hanggang ngayon wala parin daw dahil sa bagyong Odette tambak na talaga kami sa mga activities dahil hindi makaonline. Mabuti nalang talaga at natuloy ang byahe pauwi. Enjoy na enjoy pa ang ate nung pagkasakay ng airplane nung lumipad na sumama na pakiramdam niya at nasuka busog rin kasi nung sumakay kami katatapos lang magbreakfast. First time niyang nasuka sa airplane pangatlong uwi na namin sa province kaya pang anim na niyang sakay. Matawa pa ako Kay bunso Kasi tinalikuran na ate niya kumakain Kasi siya ng snack tapos ate niya nagsusuka haha mabuti nalang lagi akong may dala na plastic. Gustong gusto ni bunso yang cookies na binibigay ng airline pati yung share ko kinain niya hehe. Nung malapit na maglanding ang plane biglang bumaba ang lipad ng dalawang ulit kaya si bunso sumama pakiramdam pati rin ako nahilo biglang baba ba naman ng dalawang ulit, first time kong naranasan ang ganun maulan kasi that time baka yun ang dahilan. Thank you Lord, nakauwi kaming ligtas dito sa bahay. #FlightExperience #owncontent @ruby0622

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.