Wala na nga ba?
Halos isang linggo kong hindi nabisita ang noise.cash account ko sa kadahilanang medyo nawawalan na ako ng pag-asa na magbabalik sa dati ang sistema nito. Isa ako sa nawalan ng free tip kung saan malaya ko itong nagagamit at naipamimigay sa kapwa sa noise.cash community. Labis akong nanghihinayang dahil mahigit isang taon na din ako sa site na iyon. Marami na din akong nakilala at naging kaibigan kahit di ko pa nakikita ng personal. Masasabi kong matatag ang pundasyon nito ngunit katulad ng isang pamilya kahit gaano pa katatag ang haligi at ilaw ng tahanan pero kung dumadami ang bilang ng miyembro ng pamilya at walang dagdag na kita ay hindi ito magbubunga ng magandang resulta. Madami ang nabibigyan ng pagkakataon na magamit ang Bch ngunit tila mabagal pa rin ang usad nito at napag-iiwanan na ng mga bagong altcoin.
Malaki ang naitulong sa akin ng noise cash lalo na noong mga panahon na walang trabaho ang asawa ko dahil sa pandemya. Kaya isa ako sa mga nalulungkot ngayon dahil nabawasan ang earning site na labis na malaki ang naitutulong sa akin araw-araw. Hindi ako masyadong nakakagawa ng article dahil nahihirapan ako mag-isip ng topic at isa pa hindi rin ako magaling mag-English. Ngunit gayunpaman, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa sa site na ito hanggat nakikita ko ang notification ni Random Rewarder sa account ko. Hindi ko maiwasang manghinayang dahil malaki at malawak na rin sana ang naabot ng noise.cash. Mas malawak pa sana ang maabot nito kung patuloy pa rin ang suporta nito sa mga bago at mga beterano sa site. Mas lalong mahirap na ngayon mag-invite sa site dahil wala na akong pang-engganyo sa kanila. Wala na akong maipapakitang balanse sa aking wallet.
Marami din akong nababasa na nalulungkot dahil nawalan din sila ng freetip na tanging nagbibigay sa kanila ng determinansyon para pagbutihin nila ang paglalahad ng kanilang mga sariling pananaw at mga bagay na may kalidad at silbi sa mga mambabasa. Bagamat malaki ang kanilang panghihinayang ay di pa rin sila tumitigil na magbigay at magbahagi ng mga mahalagang impormasyong kanilang nakakalap dahil umaasa pa rin sila na magbabalik sa dating sistema ang pagbibigay ng freetip sa site. Kung tutuusin maliit na halaga lamang minsan ang nakukuha ng karamihan sa site ngunit masaya sila na makatanggap ng bch kaya kahit barya ay nagtatyaga ang karamihan para maka-ipon ng bitcoincash at makabili ng kanilang mga gusto at pangangailangan.
Naninibago lang din ako kasi para akong nawalan ng trabaho ngayon. Naging parte na rin kasi ng aking pang-araw-araw na gawain si noise.cash kaya mahirap para sa akin ang nangyari ngunit sa kabila nito malaki ang aking pasasalamat at iginagalang ko ang pasya nila. Sana magkaroon pa ng panibagong oportunidad na magbubukas sa ating lahat at lalo na bch community. Marami ang nagsasabi na baka daw dahil sa mababa ang value ng mga token/crypto ngayon kaya ganun ang nangyari. May iba rin na nangangamba na baka tuluyan na ngang magsara ang site.
Wala na saakin, kahit dito...