Teenage Pregnancy

0 96
Avatar for rosienne
2 years ago

Sa panahon ngayon pababa na ng pababa ang edad ng mga kababaihang nabubuntis. Ito ay isa sa masaklap na katotohanan, napakamurang edad pa lamang ngunit marami na sa kanila ay mayroon ng sariling anak. Ano nga ba ang kadalasang nagiging dahilan kung bakit ang isang batang babae ay nabubuntis ng maaga? Paano nga ba ito pwedeng maiwasan?Napakaraming dahilan kung bakit ito nangyayari. Narito sa baba ang mga pangunahing dahilan kung bakit laganap ang teenage pregnancy.

  • Kakulangan sa kaalaman patungkol sa pakikipagtalik. Isa ito sa dahilan ng maagang pagbubuntis. Marami sa mga kabataang babae ay hindi alam na kapag sila ay nakaranas na ng menstruation ay maari na silang mabuntis kapag sila ay makipagtalik. Minsan kasi nag-eexplore ang kabataan, sinusubukan ang mga bagay bagay na hindi pa nila lubusang naiintindihan kaya kadalasan humahantong sa mas malalang problema.

  • Walang pagpipigil sa sariling emosyon na humahantong sa kapusukan. May mga kabataan na alam nila kung ano ang magiging consequences ng kanilang ginagawa ngunit hindi sila natatakot sa magiging resulta nito.

  • Kakulangan ng kaalaman sa birth control. Bagamat hindi sang-ayon ang karamihan sa sex education, mas magiging maayos sana ang kapakanan ng mga bata kung may sapat na kaalaman sila tungkol dito. Mapoprotektahan nila ang kanilang mga sarili sa maagang pagbubuntis lalo na kapag sila ay mayroong agresibong kapareha o boyfriend.

  • Ang mga kabataan ngayon ay sobrang dunong na sa paggamit ng cellphone at computer kung saan malaya silang nakakapunta sa iba't- ibang website na maaaring makakita ng mga bagay na hindi pa nila dapat makita katulad ng malalaswang larawan o mga videos kung saan nakaka-encourage sa kanila na gawin ang bagay na yun kahit hindi pa dapat dahil mga menor de edad pa lamang sila.

  • Kakulangan ng atensyon ng magulang. Dahil sa lumalaganap na crisis ngayon na dulot ng pandemya ang mga magulang ay abala sa paghahanap-buhay. Hindi lang sa panahon ngayon ngunit noon pa. Hindi na nabibigyan ng atensyon ang mga kabataan dahil karamihan ay abala sa pagtatrabaho at ibang bagay. Napapabayaan ang mga anak at halos hindi na alam kung saan galing, ano ang ginagawa at ano ang nangyayari sa kanilang mga anak. Magugulat na lang sila buntis na pala ang kanilang anak.

  • Ang isa pa sa maaaring dahilan ay ang pag-gimik o pakikipag-barkada. Kadalasan ay magkakaibigan o magkaka-partner ang nagkakayayaan na lumabas upang mag-inuman dahilan para maging mas mapusok ito at gumawa ng mga di dapat gawin.

  • Personal na problema. Kagaya na lamang ng aking pinsan siya ay nakapag-asawa sa murang edad pa lamang. 17yrs old pa lang sya noon, dahil sa problema sa pamilya ay naghanap siya ng libangan upang makalimutan ang problema. Natuto siyang mag-cutting classes, uminom at mag-boyfried. Humantong ito sa pagbubuntis na mas lalong nag-dulot ng mabigag na problema sa kanya at kanilang pamilya.

  • Pang-aabuso at karahasan. Marami ang napapabalita ngayon na inaabuso o ginagahasa na mga kabataan. Ang isa sa mga nakakalungkot na balita ay sa kanila pa mismong tahanan. Ang tahanan ang lugar na dapat maramdaman mo na ikaw ay ligtas ngunit sa ilan ito ay kalbaryo dahil mismong kapamilya nila at kasama sa bahay ang nang-aabuso sa kanilang pagkababae.

Dahil sa maagang pagbubuntis ito ay nagdudulot ng negatibong epekto sa buhay mismo ng nabuntis, nakabuntis, at sa pamilya ng dalawang sangkot sa problema. Inaasahan na ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan ngunit paano kapag ganito ang mga kabataan natin ngayon? Kaya para maiwasan ang bagay na ito mahalaga na magabayan ng mga magulang na magabayan ang kanilang mga anak. Mahalaga ding kilalanin kung sinu-sino ang nagiging kaibigan nila, pilitin din nating maging mapalapit sa kanila ng sa gayon ay maging open sila sa lahat ng kanilang nararamdaman at problema. Mahalaga ding maituro natin na sa kabila ng murang edad pa lang ay mai-educate sila na ang pakikipagtalik ay hindi isang laro o biro lamang na kapag ikaw ay nagbuntis ay pwede ka ng umayaw. Isang pang-habambuhay na responsibilidad ang maging isang magulang. Ang mabigat pa nito kapag teenager ang nabubuntis ay naipapasa pa nila ang kanilang responsibilidad sa kanilang magulang dahil sa kakulangan nila ng kaalaman tungkol sa pagpapamilya at pag-aalaga sa sanggol habang nasa sinapupunan at hanggang sa pagsilang.

Payo ko sa mga kabataan natin ngayon na makinig sa magulang. Maaring mali man ang opinyon nila sa iyong paningin ngunit may malalim silang dahilan kung bakit mahigpit sila saiyo. Isa sa hangarin naming mga magulang ay mapabuti kayo, makapag-tapos kayo ng pag-aaral at hindi nyo maranasan ang mga mapapait na karanasan na pinagdaanan namin. Kaya marami kaming ipinagbabawal dahil tanda iyon ng aming pagmamahal at pag-aalala sainyo. Hindi iyon paghihigpit. Magtapos kayo ng pag-aaral at mag-business pagdating ng araw upang maging matiwasay ang inyong pamumuhay. Ang pag-aasawa at pag-aanak ay nakakapag-hintay ngunit ang oras na lumilipas na nasasayang dahil sa mapait na nakaraan ay magdudulot ng pang-habambuhay na pinsala. Maging maingat at pag-isipang mabuti ang pahat ng gagawin.

1
$ 1.75
$ 1.75 from @TheRandomRewarder
Avatar for rosienne
2 years ago

Comments