Labis na nakakabahala ang pagtaas ng bilang ng premarital sex at teens pregnancy cases sa kasalukuyan. Sapat na ba itong dahilan upang gawing asignatura ang sex ducation sa mataas na paaralan?
Hati pa rin ang desisyon ng mga tao kung nais o hindi nais sa pagpapatupad ng sex education na ito. Ano nga ba ang benepisyo ng sex education at ano ang disadvantage nito? Ating talakayin ang kahalagahan at ang kapahamakan maaaring idulot nito sa mga mag-aaral. Narito ang ilan.
Benepisyo ng kaalaman sa sex education
Magkakaroon ng sapat na kaalaman ang mga kabataan na dapat nilang alalahanin bago magsagawa ng desisyon patungkol sa sekswal na gawain.
Magkakaroon sila ng panlaban sa mga maling agam-agam at magsisilbing gabay sa kanila sa paggawa ng desisyon lalo na kung sila ay may karelasyon.
Ang mga sensitibong parte ng katawan na kung saan ay ikinahihiyang pag-usapan ng iba ay mabibigyan ng linaw at maituturo sa normal na paraan.
Maiiwasan ang pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy, at pagkakaroon ng HIV at STD.
Mapapanatili ang kanilang maayos na kalusugan.
Makakaiwas sa tukso ng barkada na sumubok sa sekswal na gawain.
Mahihikayat sila na pahalagahan ang kanilang dignidad at pagkatao.
Magiging bukas sa kanilang isipan ang mga bagay na hindi dapat at dapat nilang gawin.
Mapapababa rin ang kaso ng kahirapan at ng mga batang napapabayaan na sanhi ng teenage pregnancy. Dahil sa kawalan ng kamuwangan ng mga batang magulang hindi nila lubusang maiintindihan ang anyo ng pamumuhay na pinasok nila.
Makakatulong ito upang makapagtapos sila ng pag-aaral ng walang balakid at alalahanin.
Mapapataas ang tiwala nila sa sarili dahil sa gabay ng usaping pangkalusugan at sekswalidad.
Malalaman nila ang kahalagahan ng kanilang pagkababae at pagkalalaki. Malalaman nila na ang pakikipagrelasyon ay isang sensitibong uri ng pamumuhay na hindi dapat muna nila tinatangkilik. Malalaman nila na may tamang oras para dito.
Malalaman nila na ito ay gawain ng mag-asawa lamang at ng hindi ng king kung sinu-sino lang.
Malaki rin ang maitutulong nito sa LGBTQ community.
Bagamat hindi pa rin pabor ang lahat sa pagsagawa nito bilang asignatura marami pa rin problema ang maaring harapin ng mga kabataan kapag nagkaroon na sila ng malinaw ng pag-iisip ukol dito.
Narito naman ang disadvantage ng kaalaman sa sexual education.
Ang pagkakaroon ng kaalaman sa pagkontrol kung paano maiiwasan ang maagang pagbubuntis ay maaring magbigay sa kanila ng kaisipan na pwede silang makipagtalik dahil meron silang kaalaman sa paggamit ng birth control tulad ng condom at pills.
Mas magiging bukas at normal na lamang sa mga kabataan ang usapin tungkol sa sekswalidad at tila mawawala na ang mga iilang babaeng katulad ni Maria Clara.
Ang kabataan na aktibo ng nakikipag ugnayan at nakikipagrelasyon ay mawawalan ng takot dahil sa paggamit ng birth control.
Maraming kabataan ngayon parte na sa mga kalalakihan ang lantad na sa kanila ang ponograpiya na kung saan nakakaimpluwensya sa kanilang mental at emosyonal na kalusugan. Ang kanilang kasabikan sa pagtuklas ng mga bagay-bagay ay maaari nilang ikapahamak. Hindi lang ang paaralan ang dapat na magturo sa kanila sa bagay na ito. Napakahalaga pa rin ng gabay at patnubay ng magulang pagdating sa usapin na ito. Ang magulang ang mas labis na nakakalilala sa kanilang mga anak. Kaya nararapat lamang na magtulungan ang mga magulang at paaralan sa pagpapahayag at pagtuturo tungkol sa sexual education. Kapag naipatupad ang layunin na ito mas magkakaroon ng maliwanag na kaisipan ang mga kabataan ng mga masamang epekto ng kakulangan sa sexual education.
Ang simbahang katolika ay isa sa hindi pabor na maisakatuparan ito. Natatakot sila na maging bukas ang isip ng mga kabataan sa larangan ng sekswalidad na gawain. Nababahala rin sila na baka makaapekto ito sa pananampalataya ng ilang mga kabataan.
Bilang isang magulang nababahala rin ako sa posibilidad na maging epekto nito sa kaisipan ng aking mga anak. Ngunit kung tutuusin maganda rin naman ang hangarin ng mga nais magpanukala nito. Maaring hindi pa rin sapat ang kaalaman sa sex education upang mahikayat ang mga kabataan na umiwas sa maagang pakikipagrelasyon ngunit sa aking palagay ay mas marami pa rin ang positibong maidudulot nito sa buhay ng mga mag-aaral.
Kailangan pa rin nila ng gabay mula sa ating mga matatanda upang mapabuti ang kanilang kinabukasan. Hindi man natin lubusang masisigurado ang kanilang kaligtasan sa anumang anyo ng kasamaan gawin pa rin natina ng mas nararapat at ang ating makakaya upang sila ay maproteksyunan laban sa mga nag-uudyok sa kanila sa mga maling gawain. Ipanalangin natin sila sa araw-araw upang ilayo sila sa tukso at sa lahat ng anyo ng masama dito sa mundong ibabaw.
For me Mas okay Kung isusulong Nila na magkaroon ng sex education, though sa unag tingin nakakatawa kasi alam mo naman mga kabataan yung iba mga pilyo at pilya pero isa kasi to sa mga paraan para mamulat ang mga Bata kasi yung Ibang kabataan magagawa ang Pre marital sex dahil sa curiosity. Mas maganda Kung hanggang maaga malalaman na Nila ano kahihinatnan ng mga kapusukan Nila.