Sakit sa Kidney:Mga dapat gawin at Iwasan
"Health Is Wealth"
Ito ang katagang lagi nating naririnig pagdating sa usaping pangkalusugan. Tunay nga namang mahalaga ang kalusugan at malakas na pangangatawan. Ang pera ay pwede mo pang makuha ulit ngunit ang katawan natin ay iisa lang at isang beses lang tayo magkakaroon nito kaya dapat matuto tayong pahalagahan at ingatan ito. Ngayon, pag-uusapan natin ang tungkol sa pangangalaga sa taong may sakit sa kidney at ano ang mga bawal sa may sakit na ito.
Ayon sa kwento ng aking pinsan, taong 2006 nang ma-diagnosed na may sakit sa kidney IgA Nephropathy ang kanyang asawa. ANg IgA Nephropathy ay tinatawag ding Berger's disease ay isang uri ng sakit sa kidney kung saan ang IgA(protein that protects our body from bacteria and viruses) ay namumuo at nagiging dahilan ng pamamaga sa kidney na nagiging dahilan upang mahirapan ang kidney na salain ang di sa ating katawan. Bago sya na-diagnosed na may ganitong sakit sya muna ay nilagnat sa loob ng 2 linggo ng paulit-ulit kung kaya naman ay napag-desisyunan ng kanyang magulang na ipatingin sya sa manggagamot. Sa biopsy napag-alaman na ang kanyang asawa ay may IGA Nepropathy. Halos 2 taon ding naratay ang kanyang asawa dahil sa sakit na ito. Tila isang bangungot ito para sa kanila dahil sa sobrang hirap ng kanilang kalagayan dahil sa pagkakasakit ng kanyang asawa na bukod tanging nagtatrabaho para sa kanilang pamilya.
Sa artikulong ito ibabahagi ko sa inyo ang ilang mga bagay na dapat gawin upang maiwasan ang pag atake ng sakit sa kidney at mga bagay na may kaugnayan sa sakit na ito.
Mga sintomas na may sakit sa kidney ang isang tao
1 Mataas na lagnat
2 Pagsusuka
3 Walang ganang kumain
4 Pamamanhid o paninigas ng katawan
5 Mabulang ihi at iba ang kulay
Ang ibang may sakit sa kidney ay nakakaranas din ng altapresyon at namamaga ang mukha at ibang bahagi ng katawan.
Narito naman ang mga Dapat at Di dapat gawin ng mga taong may sakit sa kidney.
Mga dapat gawin at iwasan ng taong may sakit sa kidney
1) Proper Diet, kung ikaw ay may sakit sa kidney dapat marunong kang mag-control sa sarili,dahil nahihirapan na ang kidney na sumala ng mga kinakain mo. Kaya mas mainam na kumain ng mga leafy vegetables at mga prutas. Ang bawang ay makatutulong din upang makadagdag sa lasa ng kinakain ng may sakit sa kidney pati na rin ang saging kamote na mayaman sa potassium, idagdag pa dito ang pag-inom ng alingatong tea at ginger tea na mataas sa body natural oxidants. Ito rin ay nakakapag-alis ng mga toxins sa kidney.
2) Iwasan ang mga maaalat na pagkain upang mabawasan ang trabaho ng kidney sa pagsala nito.
3) Uminom ng maraming tubig upang hindi mahirapan ang iyong kidney na alisin ang urea, creatinine at iba pang dumi sa iyong katawan.
4) Dapat din na lagi magpakonsulta sa iyong doctor upang mabantayan ang iyong kalagayan.
5) Makakatulong ang pagkain ng cabbage, fish, lemon, onion, kale, red grapes, cherries at blueberries upang mapalakas ang kidney.
6) Iwasan ang mapagod, less stress dapat sa mga taong may karamdaman sa kidney. Ayon sa aking pinsan ang kanyang asawa ay mas lalong nahirapan dahil sa stress na naging dahilan sa madalas na pagsusuka at bumaba ang potassium. Libangin ang sarili at mag-isip ng masasayang bagay at pangyayari.
7) Umiwas din sa mga pagkain tulad ng baka, baboy at manok lalo na ang balat nito dahil mataas ang protein nito na nakakasama sa may sakit sa kidney. Iwasan din ang pag-inom ng softdrinks at kape, pagkain ng mga junk foods at mga de lata.
8) Umiwas at kung maaari ay itigil ang bisyo tulad ng alak at sigarilyo na siyang nakakadagdag sa paglubha ng karamdaman.
Ito ang ilan sa mga bagay na nalalaman ko tungkol sa taong may sakit sa kidney. Sana ay nakatulong ito sainyo lalo na sa mga taong may sakit sa kidney. Kung sa kasalukuyan ay wala ka pang sakit katulad nito mas mainam na ngayon pa lang ay umiwas na sa mga pagkain na nagpapahirap sa kidney natin upang salain ang mga dumi sa ating katawan.
Paalala:
"Prevention is better than cure"
Alagaan natin ang ating mga sarili lalo na ngayong may pandemya at higit sa lahat tayo ay humingi ng pag-iingat ng Dios at gabayan tayo araw-araw.