Random thoughts
Isang araw na naman ang lumipas na wala akong nagawang maayos na trabaho. Hindi ko natapos ang aking labahin at mga damit na kailangan itago. Yung iba kong nabiling damit isasama ko na din sa ibebenta ko kasi biglang di ko na gusto. Ewan ko ba nagandahan ako kaya ko binili pero ngayong nandito na sa akin bigla naman nagbago ang gusto ko sa damit. Ang hirap kasi kapag breastfeeding mom, di ako masyadong komportable sa mga damit ko ngayon. Gusto ko ng mga estilo at desenyo yun nga lang mahirap magpadede lalo na kapag fit yung damit at walang button. Yung akala kong maganda kapag suot ng iba ngunit kapag sinukat ko na hindi naman sakin bagay. Isa ito sa insecurities ko ngayon, dahil ako ay nagkaroon na ng maraming anak medyo nag-iba na din ang hugis ng aking katawan at medyo lumapad na. Maraming bagay na ang hindi ko nagagawa dahil abala ako sa pagiging nanay o ilaw ng tahanan. Minsan gusto ko rin mamasyal ngunit hindi naman ako pwedeng umalis mag-isa. Kailangan kasama ko ang mga bata lalo na ang bunso ko dahil breasfeeding baby sya. Pinag-iisipan ko na din na bigyan sya ng formula milk dahil mukhang kulang na ang nakukuha nyang gatas sa akin.
Lumilipas ang bawat araw na nandito lang ako sa bahay abala sa mga gawaing bahay, sa mga bata at paglilibang sa cellphone. Halos ngayong maghapon ay nakonsumo ko ang tatlong oras sa pagsali sa mga airdrop at mga kung ano-anong survey site sa pag-asang ako ay may masusungkit kahit na maliit na halaga lamang. Sabi nga nila sali lng ng sali dahil libre lang naman. Huwag daw mag-invest sa airdrop dahil ang airdrop ay libre. Once na pinag-deposit ka ay magtaka ka na. Wala akong masyadong alam sa airdrop pero pinipilit ko na kahit papano ay matuto dahil parte na ng buhay natin ngayon ang crypto. Gusto ko din kumita katulad ng mga kakilala ko na nagkakaroon ng 5-6 digits sa mga crypto wallet nila sa pamamagitan ng pagsali sa mga airdrop. Ngayon ko lang nalaman na hindi pala madali ang pinagdaanan nila dahil bago ka man makakuha ng rewards ay paghihirapan mo muna ito. Marami kang dapat gawin at minsan kailangan pa ng referral para mas marami ang makuha mong token rewards sa airdrop pero malaki ang posible mong makuha lalo na kung ikaw ay masipag mag-invite.
Isa pa naman sa pinaka-ayaw ko ay ang manghikayat na sasali sa mga ganyan dahil halos lahat ng kakilala ko ay walang interes sa crypto dahil abala sila sa kanilang mga trabaho. Lagi nilang sinasabi na baka daw hindi legit at scam lang. Karamihan pa sa kanila ay bitcoin lang ang alam. Isa pa sa dahilan kung bakit hindi ako mahilig mag-invite ay sa kadahilanan na wala akong masyadong alam sa mga uri ng wallet at token. Noong unang subok ko pa lamang ay nalilito ako at di ko alam paano mag-copy ng address at mag-send ng token at mag-trade. Hirap akong intindihin ang mga salita na related sa crypto subalit willing naman akong matuto. Kailangan lang talaga ng sipag at tiyaga. Naniniwala ako na magbubunga din ang aking ginagawa ngayon at sasabayan ko pa ng pagtitinda ng mga ukay-ukay. Mahirap din makabenta lalo na ng mga damit. Ang dami kong ka-kompetensya na napakamura pa ng mga paninda nila halos kulang na lang ipamigay para lang maubos ang kanilang mga items.
Sabi sa akin ng aking asawa subukan ko daw magbenta ng coffee jelly at mango graham kasi summer naman ngayon ngunit ang problema a weeky wala akong kompyansa sa aking sarili. Minsan kasi nawawala talaga ako sa focus at puro "what if" ang nasa utaka ko which is mali. Nagiging hadlang tuloy ito upang hindi ako sumubok sa ibang bagay. Minsan nililibang ko na lang ang aking sarili para makapag-pahinga ang utak ko at ma-relax kahit papano. Malaking tulong din ang pagkain at inumin upang panandalian kong makalimutan ang aming mga problema at mga bayarin.
Malaking pasasalamat ko na napadpad ako dito at sa noise.cash dahil malaking tulong ang bitcoincash sa aming mag-asawa. Malaki rin ang halagang naiipon ko sa isang buwan na hindi ko kayang kitain sa ibang platform. Tanging ang bch ang naging sandalan ko lalo na mula noong nagkaroon ng pandemya. Sana bumalik na sa normal ang lahat. Marami din ang nagbago dahil sa covid-19. Malaking problema ang iniwan ng virus na ito kahit saan mang sulok ng bansa. Sana huwag ng ibalik ang lockdown pagkatapos ng eleksyon. Dito sa amin sa Pinas ay tila nawala ang issue sa covid-19 dahil naagaw ang atensyon ng mga tao sa darating na halalan. Kaliwa't kanan ang mga pulitikong nililigawan ang kanilang mamamayan upang sila ay iboto sa susunod na buwan. Sana ang susunod na mauupong presidente ng Pilipinas ay marami ang magawang kabutihan at magandang impluwensya sa mga tao.
Hanggang dito na lamang muna ang maibabahagi ko sainyo. Hanggang sa muli! Ako ang inyong lingkod na tagasulat sa lenggwaheng Tagalog.
@rosienne