Malamig na naman ang simoy ng hangin at marami ka nang makikitang christmas decor sa labas at loob ng iyong tahanan. Nakakaengganyong pakinggan ang mga pamaskong tugtugin. Ito ang isa sa mga pangyayaring pinakahihintay ng mga tao taon-taon. Ang pasko ay ipinagdiriwang tuwing ika 25 ng desyembre taon-taon na pinapaniwalaang kapanganakan ni Jesus. Ito ay isang malaking pagdiriwang sa kapanganakan ni Kristo. At pinaniniwalaang sentro ng okasyon na ito ay para sa mga bata.
Mga paraan at paghahanda tuwing kapaskuhan
Pagkabit ng Christmas light at christmas tree at iba't-ibang uri ng pailaw. Isa sa mga nagpapaganda at nagpaaliwanag ng kapaligiran tuewing sasapit ang bermonths.
Pangangaroling. Marami ang nagbabahay-bahay upang mag-alay ng awiting pamasko at para tumanggap ng regalo.
Paghahanda ng regalo para sa mga mahal sa buhay. Isa sa nagbibigay ng kasiyahan lalo na sa mga bata ang pagbibigya ng regalo na sumisimbolo ng kapaskuhan.
Christmas party at exchange gift sa trabaho, paaralan at sa bahay man. Isang espesyal na pagtitipon-tipon ng bawat miyembro ng komunidad, pamilya o sa trabaho man upang maidaos ang pasko ng sama-sama at may galak sa bawat isa.
Simbang gabi at misa de gallo. Isa sa pinakamahagang parte ng lapaskuhan ang pagdaraos ng misa simula Dec. 16 hanggang Dec 25.
Puto bumbong ang pagkain na sumisimbolo na nalalapit na ang kapaskuhan.
Pag-abang kay Santa Claus bagamat alam nating lahat na ang pasko ay kapanganakan ni Jesus hindi mawawala sa isipan lalo na sa mga bata ang pagdating ng kanilang Santa Claus.
Noche buena. Pagsasalo-salo sa pagkaing inihanda sa pagsalubong sa kapaskuhan.
Maraming bansa ang nagdiriwang ng pasko taon-taon ngunit may ilan din naman na hindi nakikilahok base sa kanilang kultura, tradisyon at relihiyon. Isa ito sa mga dahilan ng pagkakatipon ng magpapamilya na labis pinaghahandaan. Hindi maikakaila sa ngiti ng bawat tao ang saya na kanilang nararandaman tuwing sasapit ang kapaskuhan. Ngunit paano na kaya ang mga taong nawalan at nasiraan ng mga bahay na dulot ng malalakas na bagyo at matinding pagbaha dito sa Pilipinas? Nakakalungkot isipin na kasabay ng pandemya ay mayroon pang ganitong pangyayari sa sanlibutan. Bago man sana dumating ang kapaskuhan ay mayroon ng masilungan ang mga nawalan ng bahay at maging maayos na ang kanilang tahanan. Sa kabila man ng lahat ng pagdurusa natin ngayon alalahanin natin ang tunay na diwa ng pasko ang "pagkakaisa" at "katahimikan". Pansamantalang kalimutan ang problema at magdiwang ng bukal sa kalooban.
This Christmas would be different from the previous years for sure. Advance Merry Christmas to all!