Panalangin

0 47
Avatar for rosienne
2 years ago

Bawat isa sa atin ay mayroon kanya-kanyang paniniwala, tradisyon at kultura depende sa iyong kinalakihan na lugar at bansa. Maraming mga relihiyon ang nagsulputan sa iba't-ibang bahagi ng mundo ngunit dito sa Pilipinas ay halos katoliko ang relihiyong kinabibilangan ng mga tao. Ang panalangin ay bahagi ng pagsamba at pagkilala sa Dios na syang may likha ng sanlibutan. Ngunit may ilan na hindi na naniniwala sa Dios at tinatawag silang mga "atheist." Bilang isang kristiyano ay ipinapanalangin ko sila na mamulat sa katotohanan na may Dios na gumagabay sa atin sa araw-araw. Sana dumating ang panahon na marami pang mga tao ang manumbalik ang loob sa Panginoon.

Kahalagahan ng panalangin sa araw-araw.

Napakahalaga ng panalangin bawat araw kaya huwag nating kalilimutang manalangin kahit anong oras. Ang panalangin ang magsisilbi nating gabay at panlaban sa mga nagbabadyang panganib at sa mga bagay na masasama. Sa pamamagitan ng panalangin ay magkakaroon tayo ng katahimikan sa ating puso at isipan. Mapapanatag tayo na mayroon tayong panlaban sa mga bagay na hindi natin nakikita katulad ng virus. Huwag mong maliitin ang panalangin dahil ito ay makapangyarihan. Ang Dios ang magiging sandalan natin sa mga panahon na wala na tayong ibang malalapitan. Ang panalangin ang magiging daan upang tayo ay mapalapit sa Dios. Sa pamamagitan ng panalangin ay nakakausap natin sya kahit hindi natin naririnig ang kanyang sagot. Bagamat makikita natin ito sa mga pangyayari araw-araw.

Bakit may mga panalangin na hindi natutupad?

Minsan naitanong mo na ba sa iyong sarili kung bakit hindi ka pinagbigyan sa iyong kahilingan? Hindi dahil walang Dios o dahil hindi ka niya mahal kundi dahil maaaring hindi para saiyo ang mga bagay na iyong dinarasal. Hindi nangyari ang gusto mo dahil baka ikapahamak mo ito. Hindi nya pinakinggan ang panalangin mo dahil baka may nakahanda syang mas maganda para sayo. O maaaring hindi ka nya pinagbigyan para matuto kang tumingin sa mga ginagawa mo.

Lahat ng nangyayari sa atin sa araw-araw ay mayroon layunin. Hayaan natin na kasangkapanin tayo ng Dios sa kanyang paggawa lalo na ng kabutihan sa ating mga kapwa. Minsan mahirap tanggapin ang ilang pangyayari sa ating buhay pero matuto tayong tumanggap ng pagkakamali at unawain ang mga kaganapan. Lihis man sa ating kagustuhan ang ilang ipinagkaloob sa atin mg panginoon ay tanggapin natin ito ng bukal sa ating kalooban at matuto tayongagpasalamat araw-araw.

Madalas nakakalimutan nating manalangin kapag tayo ay masaya at naaalala lang nating manalangin kapag may kailangan sa kanya at kapag may hindi magandang nangyari sa atin. Huwag sana na laging ganito ang maging ugali natin. Sana kahit anoan ang katayuan natin sa buhay at wala man tayong karamdaman ay matuto tayong manalangin araw-araw. Huwag nating kalilimutang magpasalamat sa lahat ng biyayang natatanggap natin sa kanya. Ang ating buhay at lakas, talento, kakayahan, at talino ay lahat galing sa kanya. Hindi natin makakayang mag-isa, kailangan natin ng tulong at gabay ng ama lalo na ng kanyang awa sa kabila ng di mabilang na pagkakamali natin at pagkakasala.

Upang maging mabisa ang ating panalangin at tayo ay kanyang pagbigyan siguraduhin natin na tayo ay may malinis na puso at gumagawa ng kabutihan sa kapwa ng bukal sa kalooban. Sundin natin ang mga utos at bilin nya katulad ng paggalang natin sa ating mga magulang, huwag magnakaw, maging tapat sa asawa at mapagmahal.

1
$ 0.00
Avatar for rosienne
2 years ago

Comments