Pagkakaiba-iba
Bakit kahit alam natin na magkakaiba tayo ay hindi natin maiwasan na ikumpara ang sarili natin sa ibang tao? Dapat nga maging normal na lang sa paningin natin ang pagkakaiba-iba ng bawat isa dahil ipinanganak tayo na sadyang hindi magkakapare-pareho.
Mula sa ulo hanggang paa ay magkakaiba ang hugis, kulay at tindig natin. May mataba at payat, maganda at pangit, maitim at maputi. Magkakaiba din tayo ng estilo ng pamumuhay. Mayroon tayong kanya-kanyang paniniwala maging sa relihiyon at mga kaugalian na namana pa natin sa mga matatanda. Ang ugali natin ay magkaka-iba rin at maging ang mga pananawa natin sa buhay. May kanya-kanya tayong pangarap para sa ating pamilya.
Bilang isang Pilipino tayo ay mayroong sariling wika at mga diyalekto. Bagamat gumagamit tayo ng wikang Ingles ay mas komportable pa din na gamitin ang ating sariling wika. May sarili tayong mga batas, gobyerno, kultura, tradisyon at mga kaugalian na naiiba din sa ibang bansa.
Bilang isang magulang mayroon tayong kanya-kanyang pamamaraan sa pagdidisiplina sa ating mga anak. Magkakaiba tayo ng pamamaraan na ginagamit at pinapakita upang maturuan natin sila na magkaroon ng pagmamahal at respeto sa bansa, sa sarili at sa kanilang kapwa.
Bilang isang indibidwal ay mayroon tayong magkakaibang pangarap, pananaw, paniniwala at paninindigan. Magkakaiba ang ating mga ayaw at gusto sa isang bagay, tao, lugar at mga pangyayari. May sarili tayong pamamaraan kung paano natin maipapakilala, maipagtatanggol at maipagmamalaki at ating mga sarili.
Madalas man akong makaranas ng pagkukumpara ng ibang tao ay tila nagiging normal na lamang ito dahil nasasanay na ako. Ngunit may mga pagkakataon na di ko matanggap dahil alam kong may kanya-kanya tayong pamamaraan lalo na bilang nanay. May sarili akong pamamaraan kung paano ko aalagaan at didisiplinahin ang mga anak ko. Minsan ayoko talagang naikukumpara ang ginagawa ko sa ibang nanay. Lalo na at alam naman nating lahat na hindi tayo perpekto.
Sana matuto tayong umunawa sa mga bagay at pangyayaring nagaganap sa ating kapaligiran. Huwag tayong manghamak ng ating kapwa dahil lang sa naiiba sila. Marami man ang pagkakaiba natin ay binubuklod tayo ng pagmamahal . Mahalin mo ang iyong kapwa upang hindi mo makita ang mga mali sa.