Pagkabalisa at Depresyon

0 30
Avatar for rosienne
2 years ago

Sa panahon natin ngayon marami ang nakararanas ng kalungkutan at pagkalumbay dahil sa maraming kadahilanan. Kalungkutan dahil sa pagkawala ng mahal sa buhay, iniwan at niloko ng asawa o kasintahan, nawalan ng trabaho, walang mahanap na trabaho at ang pinakamabigat sa lahat ay ang mga negatibong epekto ng pandemya. Marami sa atin ang sobrang nalungkot at nababahala sa kasalukuyang nangyayari lalo na ng maranasan natin ang malawakang lockdown sa bansa at buong mundo. Ang pagkalat ng virus ay isa sa katakot-takot na pangyayari na nagsimula noong taong 2019 sa bansang China at kumalat sa iba't-ibang bansa. Dahil dito marami ang nawalan ng pag-asa at nalumbay at isa na ako doon.

Ako ay nakaranas ng anxiety at depression ng ako'y nanganak sa aking bunso ng nalaman kong siya ay may karamdaman, sobra-sobrang lungkot ang aking naramdaman, lumilipad ang aking isip at hindi malaman ang aking gagawin.Matamlay, walang ganang kumain at iyak ng iyak maghapon at magdamag. Lahat ng yan ay aking naranasan at kung minsan hanggang sa ngayon ay dinadalaw parin ako ng kalungkutan lalo na kapag nakikita ko syang nahihirapan.

Gusto kong maibahagi sainyo ang aking sariling karanasan kung paano ko nalampasan ang anxiety at depression dulot ng mga pangyayari sa aking kapaligiran.

Una sa lahat, PANALANGIN sa Dios na sa awa niya ay malagpasan ko ang bigat na nadarama ko at ang kabalisahang aking nararanasan. Pangalawa, yung Pagtitiwala sa magagawa ng Dios. Kung hindi ako magtitiwala sa kanyang magagawa hindi maiibsan ang bigat ng aking damdamin. Bukod sa aking asawa, siya ang una kong sandigan dahil alam kong di nya ako pababayaan kahit gaano pa kahirap ang aking problemang dinadala. Naniniwala ako na ibinigay nya sa akin ang problemang ito dahil alam nyang kaya ko itong malagpasan. Pangatlo, ginawa ko din ang makinig ng music na na nakapagpalakas ng aking loob,naglibang sa panonood ng TV upang mabaling ang aking atensyon. Nakipag-usap sa aking mga kakilala at kaibigan upang masabi ang aking nararamdaman. Malaking tulong kapag nailabas mo ang bigat ng iyong kalooban at naibahagi sa mga taong handang makinig saiyo at umalalay.

Ito ang ilan sa mga bagay na aking ginawa upang ang anxiety at depression na aking naranasan ay aking mapagtagumpayan. Isa sa aking natutuhan ay minsan ang kabalisahan sa buhay ay magsisilbing paraan upang tayo'y maging isang BETTER person, maging mas matatag sa hamon ng buhay. Huwag nating ilugmok ang ating mga sarili sa pagkabalisang ating nararamdaman dahil pwede rin tayong magkasakit dahil dito. Gawin nating inspirasyon ang ating mga anak upang maging malakas at matatag sa kabila ng ating mga problemang kinakaharap. Magtiwala tayo sa magagawa ng Dios dahil maliban sa mga gaong handang tumulong sa atin sya ang tanging makakapitan natin sa oras ng kagipitan.

2
$ 2.11
$ 2.11 from @TheRandomRewarder
Avatar for rosienne
2 years ago

Comments