Pagdisiplina sa anak

0 56
Avatar for rosienne
2 years ago

Paano nga ba ang tamang pagdidisiplina sa ating mga anak?

Bawat magulang ay may kaniya-kaniyang paraan ng pagdidisiplina sa kanilang mga anak upang maturuan ito ng tama at maging gabay sa kanilang paglaki.

Ako bilang isang ina inaamin ko na mahirap talaga ang magdisiplina sa anak. Minsan hindi ko din alam ang gagawin ko upang mapasunod lamang ang aking anak. Naiiyak na lamang ako kasi napapalo ko siya minsan nasisigawan dahil gusto ko bilang isang ina na sumunod siya sa akin. Dumarating sa point na gusto ko na lang siya hayaan, hindi pansinin dahil hindi ko na alam ang disiplinang gagawin ko, which is wrong dahil anak ko siya at ako bilang magulang ang dapat pangunahing hindi susuko sa aking anak.

Humingi ako ng tulong sa Dios upang ituro sa akin ang mga dapat kong gawin at mas maging mabuting ina sa aking mga anak.

Ang aking ginawa ay nanghingi ako ng mga payo sa mga friend kong may mga anak din lalo na doon sa mga friend kong mommy na ka edad ng aking anak. Sa gayong paraan ay makakuha ako ng impormasyon kung anu-ano ang bagay na ginagawa nila kapag may tantrums o ayaw sumunod ng kanilang mga anak. Isa pa ay nagbabasa din ako sa smart parenting upang makakuha din ng inpormasyon. Doon nalaman ko na kapag may tantrums ang anak natin mas maigi na wag mo sya sasabayan ng init ng ulo hayaan mu lang sya, after ng tantrums nya ay pwede mo na sya kausapin sa mali niyang nagawa. Mas effective kaysa sasabayan mo siya ng palo mas magwawala o iiyak siya at lalong hindi susunod.

Nakuha ko din sa aking kaibigan na huwag sila pansinin, minsan mas effective pa yun kaysa paluin sila dahil pwede nila marealize na galit ka dahil sa ginawa niyang kasalanan bandang huli magsosorry sila.

Ito'y karanasan ko sa aking anak minsan ay nauubusan din ako sa kanya ng pasensya dahil hindi nasunod sa akin. Hindi nag-aattend ng online class ng maayos. Kung ano-ano ang ginagawa, naglalaro hindi sumusunod sa sinasabi ni teacher, madalas kami nagpapaluan dahil hindi siya nasunod ngunit napansin ko sa kanya na parang wala nalang sa kanya ang paluin at sigawan dahil paulit-ulit nya lang ginagawa. Ginawa ko ang payo sa akin ng aking friend at ang nabasa ko tingin ko ay naging effective sya dahil hindi na siya nagwawala tulad ng dati madali natin pagsabihan may mga times lang talaga na hindi padin nasunod pero malaki ang pagbabago.

Tayong mga ina o magulang kung maaari ayaw natin napapalo ang ating mga anak,sino ba namang magulang na gusto nasasaktan ang kaniyang anak? Wala diba? Ngunit minsan kinakailangan natin itong gawin ang pagdisiplina upang lumaki sila ng maayos.

Ang sabi nga sa Biblia:

Huwag mong ipagkait ang saway sa bata:sapagkat kung itong hampasin siya ng pamalo, siya'y hindi mamamatay.

Ang pagpalo ay tanda ng pagsaway sa maling ginawa. Ito ay tanda din ng ating pagmamahal sa ating mga anak upang lumaki sila na may disiplina at takot na gumawa ng masama. Dadalhin nila ito sa kanilang paglaki at papakinabangan nila ito habambuhay. May kanya-kanya man tayong paniniwala at paraan ng pagdidisiplina sa ating mga anak ang mahalaga ay maitama natin ang kanilang maling ginagawa. Mahalaga na magabayan natin sila habang bata pa lamang upang matandaan nila ito at dalhin nila hanggang sa kanilang pagtanda.

Huwag lamang sosobra ang pagpalo na halos ikabali na ng buto ng mga bata o di kaya naman ay magkaroon ng mga pantal at sugat. Maging maingat at mapili din tayo sa mga salita na binibitawan natin dahil maari itong matandaan at gayahin ng mga anak natin o mga batang nakakarinig sa atin. Turuan natin silang maging magalang at palakihing may respeto sa kanilang kapwa, kakilala man o hindi. Mahirap magpalaki ng anak ngunit mas mahirap kapag hindi natin sila naturuan ng magandang asal bago pa sila magkasungay. Kaya habang bata pa sila agapan na natin, turuan natin sila ng mga tama at iwasan ang mga mali at masamang gawain. Higit sa lahat, ilapit natin sila sa Dios. Kapag may takot sa Dios ang isang bata/tao ay siguradong takot din syang gumawa ng masama o magkasala. Hindi man maging perpekto ang pagpapalaki natin sa kanila isang malaking gantimpala naman kapag sila ay nagabayan at naturuan ng tama.

1
$ 1.44
$ 1.44 from @TheRandomRewarder
Avatar for rosienne
2 years ago

Comments