Paano mo nilalabanan ang depresyon?

0 140
Avatar for rosienne
4 years ago

Sa gitna ng pandemya na tila hindi matapos-tapos pa, ano ang iyong ginagawang hakbang upang maibsan ang lungkot at pagpipighati na iyong nararamdaman? Paano mo nagagawang lumaban at magpatuloy sa kabila ng kaliwa't kanang problema at sakuna sa ating bayan?

Sa mga nagdaang buwan ng taong 2020 maraming pangyayari ang hindi natin inaasahan. Ito ay nagdulot ng labis na kahirapan sa maliliit na mamamayan. Hindi ko lubos akalain na mararanasan natin ito. Ang laki ng pinsalang dulot nito lalo na sa mga may problema kalusugan. Malaking dagok sa mga mahihirap na nagbibigay ng labis na lungkot at pagkabalisa. Mapalad ang mga nakakaangat nating mga kababayan dahil maliit lang ang kanilang potensyal na dumanas ng depresyon dahil kahit na nawalan sila ng trabaho o negosyo may savings at iba pa silang pinagkakakitaan.

Narito ang ilang mga hakbang upang mapagtagumpayan nating labanan ang dinaranas nating depresyon

  • Libangin ang ating sarili upang maiwasang mag-isip ng mga bagay at pangyayari na nagbibigay sa atin ng kaguluhan ng pag-iisip, pangungulila at kabiguan.

*Makinig ng musika upang mapababa ang tensyon at bigat na nararamdaman. Makakatulong ito upang tayo ay kumalma.

*Manood ng mga makabuluhang palabas sa telebisyon na may layunin na magbigay inspirasyon sa mga nanonood.

*Makipaglaro sa anak. Ang ngiti at saya na dulot ng iyong mga anak ang magbibigay ng lakas sa iyo upang magpatuloy lumaban.

*Kung mahilig ka magsulat at gumuhit linangin mo ito at pansamantalang tutukan ang iyong talento.

*Subukin na maglaro ng mga word puzzle o online games na maaring magbigay ng positibong pananaw dahil nalilinang nito ang kakayahang mag-isip upang maipanalo ang laban(laro).

  • Manatiling maniwala sa sariling kakayahan na malalagpasan mo ang iyong mga suliranin sa buhay. Ang tiwala sa iyong sarili ang tutulong sa iyo upang bumangon mula sa pagkakalugmok. Sarili mo mismo ang mag-aangat sa iyo. Walang halaga ang tulong ng ibang tao kung ikaw mismo ang magpapabaya at kung ikaw mismo ang lulubog sa iyong sarili sa lusak.

  • Humingi ng payo sa may mga karanasan at eksperto sa paglutas ng sitwasyon na mayroon ka. Mahalagang may gumagabay sa iyo upang maiwasan ang mga maling desisyon at paggawa. Kailangang malaman kung saan nagmula ang nararanasang mong depresyon upang matulungan ka na malagpasan ito.

  • Humingi ng tulong at suporta sa pamilya at kaibigan upang mapabilis ang iyong pag-angat laban sa depresyon na iyong nararanasan. Mahalagang may karamay ka upang mabawasan ang bigat na iyong dinadala.

  • Panatilihing may positibong pananaw sa buhay. Iwasang mag-isip pa ng mga negatibo at problema na lalong magbibigay saiyo ng kahinaan. Alalahanin mo ang mga taong umaasa sa iyo. Gawin mo silang inspirasyon.

  • Mag-ehersisyo. Ang pag-eehersisyo ay makakatulong upang mapabago ang "mood" ng isang tao. Ang mood ng isang tao ay nakakaapekto sa gawain nya araw-araw at kung paano sya tumugon sa mga pangyayari.

  • Manalig sa Diyos. Kapag ikaw ay may pananampalataya sa Diyos magkakaroon ka ng panlaban sa mga masasamang agam-agam. Hindi ka basta-basta mawawalan ng pag-asa sa buhay. Alalahanin nating lahat na ang Diyos ang lubos na may kapangyarihan sa lahat. Sa panahong wala na tayong matakbuhan siya ang ating huling hantungan.

Ang mga taong nakakaranas ng depresyon ay mahirap minsan pakisamahan dahil sila ay sensitibo at madaling magalit. Ngunit sa kabila nito kailangan nila ng tulong at pang-unawa. Kailangan maipakita sa kanila ang kanilang tunay na halaga. Hikayatin natin sila na umalis sa hindi nila dapat kalagyan. Magbigay at magpakita tayo ang inspirasyon at halimbawa upang mapagtanto nila kung gaano kahalaga ang bawat oras na lumilipas lamang.

4
$ 0.84
$ 0.84 from @TheRandomRewarder
Avatar for rosienne
4 years ago

Comments