Sa panahanon ngayon mahirap magtiwala sa mga taong nakakasalamuha natin araw-araw. Maging ang mga taong kilala mo na dati pa ay mahirap din pagtiwalaan. Napakapalad mo kung ikaw ay nakatagpong kaibigan na totoo saiyo kapag ikaw ay nakaharap at nakatalikod man.
Narito ang ilang mga bagay na dapat pagbatayan upang makahanap ng totoong kaibigan.
1.) Magpakatotoo
Kailangan mong magpakatotoo sa iyong sarili at sa mga tao. Kapag totoo ang iyong pakikisama ay mabilis kang makakakuha ng simpatya ng mga tao at magiging maluwag at bukas ang pakikisama nila saiyo. Iwasang magpanggap ng mga ilang bagay na walang kaugnayan sa iyong pagkatao at personalidad. Hindi ito makakatulong sa pakikitungo sa iyo ng mga nakakasalamuha mo at magiging daan pa ito upang hindi saiyo magtiwala ang mga tao. Madalas ka pa nilang mapag-isipan ng masama kapag hindi ka nagsabi ng katotohanan sa likod ng iyong pagkatao. Bagamag may mga bagay na hindi mo naman dapat pang sabihin katulad ng iypng mga sikreto ngunit maging totoo ka lang sa sarili mo at sa mga tao magiging magandang panimula ito upang makatagpo ka ng taong sasamahan ka sa hirap, lungkot at saya.
2.) Magtiwala
Bago mo unahin ang pagdududa magtiwala ka muna sa mga tao sa paligid mo dahil ikaw mismo ang makakaalam kung sino ba ang dapat at hindi mo dapat maging kaibigan at pagtiwalaan. Ang pagtitiwala ay napakahalagang uri ng pakikisama dahil ito ang pundasyon ng lahag ng uri ng relasyon.
3.) Huwag maging mayabang
Wala itong maibubungang maganda saiyo at sa mga tao sa paligid mo. Kung may kakayahan ka man sa buhay mas maganda pa ring ugaliin ang pagiging humble lamang.
4.) Huwag maging mapanghusga
Kung ikaw ay naghahanap ng totoong kaibigan huwag mong huhusgahan ang isang tao base sa kanyang itsura, pananamit at katayuan sa buhay. Dapat ay tanggap mo kung ano at sino sila.
5.) Maging tapat
Maliban sa pagpapakatotoo sa iyong pagkatao ang pagiging tapat ay magbibigay daan upang makapili ka ng kaibigan na tapat at totoo din saiyo. Hiwag kang magtatago ng sikreto kahit alam mong ikakasakit ng kanyang kalooban ito. Kung mayroon kang sama ng loob sa isang tao ay dapat sa kanya mo unang sabihin ito upang alam nya dahil hindi maganda kung sa ibang tao nya pa malalaman ito. Isipin mo ang mas makakabuti sa inyong pagkakaibigan at huwag kang maging makasarili.
Ang mga ilang bagay na nabanggit ko sa itaas ay iilan lamang sa mga paraan upang makahanap ka ng totoong kaibigan. Maraming paraan upang makahanap ng totoong kaibigan. Mas maganda na ang pipiliin mong kaibigan ay taong maraming karanasan at mayroon positibong pananaw sa buhay. Kaibigan na sasamahan ka sa hirap at saya. Hindi lang sa aliwan kundi maging na rin sa kalungkutan ay dadamayan ka. Kaibigan na nagpapakita ng magandang intensyon sa lahat ng pagkakataon.
Maganda rin kung ang iyong mapipiling kaibigan ay mayroong takot sa Diyos upang mas tumibay ang inyong pananampalataya at samahan. Mahalaga rin na kayo ay nagkakaintindihan at nagpapatawaran pagkatapos ng away o ng hindi pagkakaintindihan. Huwag kang maghahanap ng kaibigan na magdadala lamang sa iyo sa kapahamakan at magdudulot saiyo ng masamang impluwensya.
Hindi madali makahanap ng totoong kaibigan lalo na panahon ngayon na talamak na ang pekeng kaibigan na gagamitin ka lamang para sa kanilang kapakinabangan. Marami ng mapanglamang at manloloko sa panahon ngayon kaya dapat mag-ingat sa pagpili ng pakikisamahan.