Paano mag-uumpisa muli?

0 42
Avatar for rosienne
1 year ago

Ang hirap kapag ang kalaban ay ang sarili mo. Maraming kang excuses, kasi ganito, kasi ganyan! Siguradong mahirap lahat ng gagawin mo lalo na kapag labag saiyong kalooban o ikaw lamang ay napipilitan. Mahalaga na ang lahat ng ginagawa ay mula sa puso upang pati ang iyong utak ay hindi mahirapan.

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako makapagsulat at makagawa ng makabuluhang artikulo ay dahil hindi ko isinasa-puso. Ginagawa ko lang dahil gusto kong kumita which is alam kung mali kaya hanggang ngayon ay hindi ako succesful dito sa site. Maraming kulang sa akin pagdating sa paglikha ng artikulo na kapupulutan ng aral. Malimit pa ay minadali ang aking gawa makapag-publish lamang. Ngayon ay hindi ko alam paano ba ako mag-uumpisa at saan ko sisimulan upang makalikha ako ng artikulong makabuluhan at magsisilbing gabay at kapupulutan ng aral ng mga mambabasa. Nais kong makagawa ng artikulo na may kalidad. Ngunit hindi ko ito magawa ng deretsong Ingles. Mas nasanay ako sa wikang Filipino o Tagalog. Hindi ako katulad ng iba na lumaking may angking kakayahan sa pagsalita ng wikang Ingles. Minsan ay mali ang grammar ko kung kayat mas pinipili ko na lamang na magsulat sa Tagalog. Wala naman sanang problema sa paggamit ng wikang ito ngunit ang artikulong nagagawa ko ay hindi dekalidad, hindi kakapulutan ng aral at hindi ko nahihikayat ang mga mambabasa dahil hindi ito kaaya-ayang basahin at hindi patok at hindi uso. Minsan ay halos magkapareho pa sa una kong mga nagawang artikulo noong ako bago pa lamang dito.

Kayo, paano ba kayo nag-umpisa dito? Ano ang mga estrateheyang inyong ginamit upang tangkilikin ng mga mambabasa ang inyong mga artikulo? Dapat bang simulan ko ng gamitin ang paggamit ng wikang Ingles upang maintindihan din ng mga banyaga? Okey lang ba kung magkakamali ako sa paggamit ng mga salita? Isa sa mga iniisip ko ay ang mga maisusulat kong mga wrong grammar. Isa yan sa mga pumipigil sa akin upang magsulat sa wikang Ingles. Minsan ko na din sinubukan ngunit hindi ko magawa na lahat ng article na aking gagawin ay Ingles dahil labis akong nahihirapan. Hindi ko masyadong ma-express ang mga nais kong iparating. Hindi ko maipaliwanag ng maayos ang mga nais kong sabihin. Sana pala nag-aral ako ng maayos noon para di ako hirap ngayon.

Hindi pa naman huli ang lahat mayroon pa akong pagkakataon upang maisaayos ko pa ang paggawa. Kailangan ko ng dedikasyon at pagmamahal sa aking ginagawa upang mapagtagumpayan ko ito at makamot ko ang hinahangad kong resulta nito. Sa tulong ng mga magagaling na writer natin dito ay kahit papaano ay nakakakuha ako ng ideya upang mapaganda ko ang aking pagsusulat at pagbuo ng mga salita. Sana ay hindi na magbagonang isip ko at hindi na ako magback-out. Sayang ang pagkakataona ibinibigay. Kung gusto ko ng magandang resulta ay kailangan kong paghirapan at pag-aralan ito ng mabuti.

Sa mga bago ay huwag lang kayong susuko. Laban lang! Sabi nga nila ang umaayaw ay hindi nagwawagi. Kaya dapat ay pagbutihin natin upang tayo ay magtagumpay dito.

1
$ 0.98
$ 0.98 from @TheRandomRewarder
Avatar for rosienne
1 year ago

Comments