Online Selling
Bata pa lamang ako ay namulat na ako sa iba't-ibang uri ng hanap-buhay. Nagtinda ng mga meryenda at kakanin, mga frozen foods, prutas, hanger at mga damit na ukay-ukay(thrift/used clothes) Minsan ay inilalako namin sa mga bahay-bahay at napupunta pa kami hanggang munisipyo. Hindi madali ang pagtitinda dahil minsan naabutan pa kami ng ulan at madalas maghapon kaming naaarawan dahil sa pag-iikot ng paninda namin. Minsan may mga bumibili ngunit panay pa ang hingi ng discount sa aming paninda. Hindi madali ang pagtitinda lalo na kung hindi mahaba ang iyong pasensya at wala kang strategy kung paano mo mapapa-ubos ang mga paninda.
Sa artikulong ito nais kong ibahagi sainyo kung paano ako natuto sa pag o-online selling.
Noong ako'y napunta sa kaibigan ko nakita ko siyang nakaharap sa cp at pinapakita ang mga panindang damit, naging interesado ako at pagkatapos niya tinanong ko kung ano ginagawa niya, Live Selling daw ang ginagawa nya. First time kong marinig yun kaya naman nagpaturo ako sa kanya. Maaari kang mag-live sa pamamagitan ng Facebook live gamit ang iyong cellphone o di naman kaya ay computer. Mas mainam na marami ang iyong kaibigan sa facebook para mas malaki ang iyong tyansa na makapagbenta at makahanap ng mga prospect buyers. Mas maganda rin na madalas kang mag-live upang dumami ang iyong viewers at kailangan at mayroon ka ding strategy at mga pang-akit sa mga prospect buyers mo upang sila ay bumili ng iyong produkto.
Kailangan mong pag-aralan ang mga proseso sa pagla-live selling upang maging epektibo ang iyong pagtitinda at upang maiwasan ang abala. Narito ang ilang mga paraan at proseso ng mabisang pagla-live selling.
Unang-una siguraduhin mo munang stable ang inyong internet connection upang maiwasan ang abala sa iyong gaganaping live selling at dapat fully charged ang iyong gagamiting gadget sa pag-live. Dapat nakahanda na ang iyong mga ibebenta at mga gamit tulad ng ballpen at masking tape na ididikit mo sa produkto na nabili ng isa sa viewers mo.
Gumawa ng pin post(rules and policy mo bilang seller) upang mabasa ng mga viewers mo at maiwasan ang misunderstanding.
Kapag magpapakita ng items dapat may code kang ibibigay para yung nanunuod sayo yun ang i-comment nila. Kung sino ang unang makapag-comment sa code na binigay mo sa kanya ang items,syempre dapat lagyan ng name ang items kung kanino ba ito napunta para may palatandaan ka.
After live mo i-send mo sa kanila ang pictures ng mga mine items nila or para walang hussle sayo ipa-screenshot mo at i-invoice kung magkano ang kanilang na-mine na items, at huwag mo din pala kakalimutang i-remind sila sa live mo na magsend ng private message upang mas mapadali ang pag-invoice. Siguraduhin na nagkasundo kayo ng buyer upang maiwasan ang delay.
Payment 1st policy dapat bayad muna bago i-ship ang items,mahalaga ding bibigyan mo sila ng cut-off sa pagbabayad example: 1 day reservation only hindi kung kaylan lang nila gusto magbayad ay doon lang sila magbabayad. Pwede sila magbayad sa mga mode of payment na ibibigay mo.
Shoulder ng buyer ang shipping fee kapag sila ay bayad na doon mo lamang ipapadala ang kanilang items, dapat may courier ka din para mapadala mo ang items sobrang dami naman ng courier natin ngayon kaya may choices.
Sa pag-oonline selling ay hindi din mawawala ang mga manloloko, nangti-trip lang kung tawagin ng mga seller ay JOY miner or BOGUS buyer at JOY reserver ito yung mga buyer na nagcocoment ng mine sa items pero hindi naman sila mag message sayo or kahit i-massage mo ay hindi sila magre-reply. Mga walang magawa sa buhay,joy reserver naman ito yung nag-message naman sayo pero puro pangako na bukas kukunin ang items pero inabot na ng isang buwan ay hindi pa din kinuha ang items.
Hindi din mawawala yung mga nagrereklamo sayo bakit matagal dumating ang parcel nila. May magrereklamo dahil hindi maganda ang items na nakuha nila. Dapat bilang seller obligation mo din na maging responsive at responsible seller sa buyers mo, need mo din sila i-update kung naipadala mo na ang items, mas mainam din kung isesend mo sa kanila ang resibo, kung natagalan naman ang dating ng parcel dapat kontakin mo din ang courier para mai-update mo din sa kanila. Kung halimbawa naman napangitan may damage ang items kasi 2nd hand na mga damit tinda mo or ukay-ukay dapat matuto kang makipag-usap ng maayos hindi ikaw pa yung galit kasi lahat naman ng bagay mapag-uusapan ng maayos.Maganda din na magiliw ka para hindi boring ang live selling mo at maraming maengganyong manood sayo.
Ito ang mga bagay na natutuhan ko sa aking kaibigan n ginagawa ko na din ngayon. Kaya noong ako'y makauwi galing sa bahay ng kaibigan ko sinubukan ko agad magtinda online. Mahirap pala sa simula pero kapag tumagal kana sa live selling madali na lang para saiyo ang lahat kahit minsan ay hindi talaga miiwasan ang mga pasaway na buyer.
Sobrang malaki ang naitulong ng Online Selling sa aking buhay dahil mas napadali nito ang aking pagtitinda, ang dating nagtitinda sa arawan ngayon hindi na kailangan pang lumabas ng bahay dahil cellphone at data or internet lang makakabenta kana. Lalo na ngayong panahon ng pandemya maraming nag-oonline selling dahil malaki din ang kita dito lalo na kapag maganda ang serbisyo at produkto mo.
Sa online may pera๐๐