One of the happiest day in my life❤

0 14
Avatar for rosienne
2 years ago

Bawat tao may kani-kaniyang pinakamasayang araw sa buhay na hinding-hindi makakalimutan, yung tipong yung saya na iyong nararamdaman ay hindi mo maipaliwanag at kung san ito nanggagaling at di mo din alam kung paano mo pa ma e-express ang saya mo. Maraming beses ko din naramdaman ang kasiyahan na yun at ang isa sa pinaka masayang araw ng aking buhay ay ng magpakasal kami ng aking asawa. Kakaibang saya at excitement ang naramdaman ko noon na parang may kumikiliti sa aking tiyan na hindi ko maintindihan, sobrang saya dahil sa wakas ay ikakasal na din kami ng panahong iyon. Isang napakahalagang parte sa buhay ng isang babae ang makasal at maramdaman ang totoo ninyong nararamdaman sa isa't--isa na maghahatid sa inyong mag-asawa sa panibagong yugto ng buhay. Nakaka-excote na nakakakaba.

Sobrang saya din ang naidulot samin ng ma-isilang ko ang aking unang anak. Mahirap man ang mga pinagdaanan ko noong ipinagbubuntis ko pa lamang siya ay sobrang saya ko naman noong makita ko na siya at nahawakan. Hindi ko maipaliwanag na kasiyahan na naramdamanan ko noon. Mahirap man ang mag-alaga ng anak ay sulit na sulit naman dahil masulyapan mo lang ang kanilang ngiti at maamong mukha ay mapapawi na ang iyong lungkot at pagod. Kahit anong bigat ng problema mo basta makita mo lang ang anak mo na masaya ay gagaan na din ang pakiramdam mo.

Maraming mga bagay ang nagdudulot ng kasiyahan sa isang tao,minsan maliit na bagay lang ay nakakapagpasaya na ito lalo na kung ang tao ay marunong mag-appreciate ng mga maliliit at simpleng bagay at pangyayari sa kanilang buhay. Hindi man tayo mayaman basta marunong lang tayong makuntento sa mayroon tayo ay siguradong magiging masaya ang buhay natin lalo na kung marunong tayong magpasalamat sa mga bagay at pangyayari na dumadating sa atin. Huwag na nating hangarin ang mga kung anu-anong materyal na bagay sa mundo ang mahalaga ay mga bagay na eternal na nagpapasaya sa tao katulad ng pag-aaruga at pagmamahal na hindi kayang pantayan ng kahit anong halaga.

1
$ 0.27
$ 0.27 from @TheRandomRewarder
Avatar for rosienne
2 years ago

Comments