Nakakahilo at nakakalito

0 16
Avatar for rosienne
2 years ago

Ito ang naramdaman ko noong sinimulan kong pasukin ang mundo ng crypto airdrop. Ang airdrop ay parang token giveaway ngunit kailangan mong sundin ang mga direksyon upang makamit mo ang iyong gantimpala. Para sa akin bilang baguhan sa airdrop ay sobrang nakakalito dahil marami pa akong hindi alam sa network at mga wallet address. Hindi ko alam ang tamang term na dapat kong gamitin kapag nagtatanong ako sa mga nagpopost ng airdrop sa group namin. Marami kang gagawin katulad ng pagpa-follow ng kanilang mga social media accounts, magda-download ng kanilang mga apps at syempre sign-up/register. Huwag mo din dapat kalimutan ang ibibigay sayong mga recovery phrase o security code. Dapat i-secure mo, huwag screen shot, dapat isulat mo at tandaan mo ang mga airdrop na sinasalihan mo para lagi kang updated lalo na kapag nagka-value na ang token na pinamigay. Sa airdrop maari kang kumita pero minsan naman ay wala kang mapapala pero sabi nga nila "try and try lang until you succeed". Wala namang mawawala kasi libre lang naman. Dapat mong tandaan na kapag airdrop ay libre wala kang dapat bayaran, kapag nanghihingi ng deposit ay umatras ka na pero nasa iyo pa rin ang desisyon kung gusto mong sumugal. Kadalasan kasi ay scam ang mga nanghihingi ng deposit.

Marami na akong kakilala na kumita ng malaki sa pamamagitan ng pagsali lamang sa mga airdrop. Kailangan ang sipag at tiyaga dito. Syempre kailangan mo din mag "Do Your Own Research" para hindi ka tanong ng tanong. Marami namang video tutorial sa youtube pero kung may kakilala ka na beterano na sa mundo ng crypto airdrop ay pwede ka naman sa kanila magpatulong. Pero sa totoo lang nakakahilo at nakakalito talaga minsan parang gusto ko ng sumuko agad kasi nahihirapan yung utak ko. Marami din kasi akong ibang iniisip kasi may mga anak pa akong inaasikaso, mga gawaing bahay na kailangan tapusin at ang modular class ng mga anak ko na ako ang nagsisilbing guro nila. Mahirap pagsabay-sabayin pero umaasa ako na balang araw ay magbubunga din itong aking ginagawa dahil gusto ko lang naman makatulong at magkaroon ng kahit kaunting halaga sa aking bulsa para sa aking mga anak. Kaya paminsan-minsan ay gumagawa din ako ng article kahit Tagalog lang. Aminado ako na hirap ako mag-English ng deretso kaya mas pinili ko ang aking sariling wika kahit alam kong wala halos magbabasa nito. Wala din akong sponsor dahil nga hindi naman nila maiintindihan ang mga sinusulat ko. Isa pa, hindi pulido ang ginagawa ko ngunit alam kong darating ang araw na maisasaayos ko din ito. Pipilitin ko na mas magkaroon ng dekalidad na impormasyon ang mga sinusulat ko.

Maaari kang magbahagi ng iyong karanasan kung ikaw ay may alam tungkol sa airdrop. Bukas ang comment section ko para sa lahat.

Happy earnings po!

1
$ 1.68
$ 1.68 from @TheRandomRewarder
Avatar for rosienne
2 years ago

Comments