My day(March 16,2022)

0 11
Avatar for rosienne
2 years ago

Isa na namang araw na puno ng pagsubok at walang katapusang gawaing bahay. Ganito talaga ang buhay ng isang nanay halos walang tigil kaka-ikot sa bahay. Linis dito, linis doon. Umaga pa lang abala na sa paghahanda ng pagkain para sa mga anak at buong sambahayan. Maghuhugas at magliligpit ng pinagkainan, maglalaba at magbabantay sa mga anak. Halos wala ng oras para sa sarili ngunit sa kabila ng hirap at pagod ay may ngiti at liwanag na naghihintay. Makita lang namin na masaya ang aming mga anak at walang karamdaman ay isang malaking gantimpala na ito sa aming paghihirap.

Miyerkules na naman, dalawang araw na lang at retrieval na ng module at pasahan ng answer sheets. Isa ito sa malaking nagbibigay ng pressure sa akin dahil halos hindi kami makasabay ng aking mga anak. Lagi kaming nahuhuli magpasa at kung anu-anong dahilan na lang ang sinasabi ko sa guro nila. Dulot ng pandemya, modular class ang uri ng pag-aaral ngayon ng mga estudyante. Dalawa sa aking anak ay nag-aaral na. Isang grade 3 at grade 1. Mahirap kapag sabay na nagmomodule kasi may isa kang hindi matututukan. Kaalinsabay pa nito mayroon pa akong tatlong anak na maliliit na inaalagaan. Isang apat na taong gulang na lalaki, isang 1 year old baby girl at 3 months old baby boy.

Time management is the key!

Habang tulog ang aking sanggol ay hinahayaan ko munang manood si Donna(1 year old) upang makapagluto ako ng tanghalian at hapunan namin. Habang nagluluto ako nagsasalang naman ako ng damit sa washing machine at naghuhugas ng pinggan. Hindi ko hinahayaan na matambakan ng hugasin upang di ako mahirapan. Malaking bagay din na automatic na ang washing machine na gamit namin, hindi na kailangan bantayan at talagang total time saver. Medyo nakaka-paranoid lang minsan kasi lagi kong iniisip paano kung habang nasa kusina ako biglang maapakan si baby ng mga kuya nya habang naglalaro o naghaharutan. Nasira kasi yung crib kaya wala akong mapaglagyan sa kanya.

Nagkamali ako ng desisyon na payagan na magtrabaho ang aking kapatid sa malayo. Ngunit kung mananatili lang naman kasi sya dito sa bahay ay wala akong maiaabot sa kanya dahil kapos din kami sa pera. Kaunti lang ang naiaabot ko sa kanyang halaga at ang halagang iyon ay galing dito sa read cash at noise cash earnings ko. Malaking tulong itong dalawang site na ito sa akin dahil kahit abala ako sa pag-aalaga sa aking mga anak at gawaing bahay ay kumikita ako ng bitcoincash. Sa pamamagitan ng dalawang site na ito ay marami akong naipundar na gamit at nabiling mga bagay at pagkain na gusto ko para sa aking sarili at mga anak. Hindi lang ako abala sa gawaing bahay abala din ako kung paano kumita. Nag-oonline selling din ako ng mga paninda kong ukay-ukay. Ukay-ukay ang tawag dito sa amin sa Pilipinas ng mga thrift shop o mga panindang secondhand at used clothes. Sa ngayon ay matumal pa ang aking benta at isa pa hindi ako gaanong nakakapag-post sa ibang online selling group page. Pero ganun pa man sisikapin ko na makapag-benta ng maayos para na din makapag-ipon at makakuha pa ng iba pang paninda at iba pang pagkakakitaan.

Nakakapagod ang buong araw pero nakakatuwa dahil fulfilling kapag naisagawa mo lahat ng walang aberya at problema. Kahit mahirap ay nakakaya. Thanks be to God! Dahil di nya ako pinapabayaan.

1
$ 1.59
$ 1.59 from @TheRandomRewarder
Avatar for rosienne
2 years ago

Comments