Mga sintomas ng Polycystic Ovarian Syndrome

0 98
Avatar for rosienne
3 years ago

Isa sa mga pinoproblema ng ilang kababaihan ay ang pagkakaroon ng PCOS o Polycystic Ovary Syndrome. Ang polycycstic ovary syndrome o PCOS ay ang pagkakaroon ng hormonal disorder sa katawan ng babae na kung saan mas mataas ang kanilang androgen (male hormone). Ayon sa pag-aaral isa sa sampung babae ay nagkakaroon nito ng hindi nila namamalayan. Kung mayroon ka ng mga sintomas katulad ng nasa baba ay agad magpakonsulta sa doktor upang maagapan ito agad at hindi na lumala pa.

Mga sintomas ng PCOS

  • Hindi regular ang regla (minsan nahihinto ang pagregla o kaya naman ay walang regla kada buwan)

  • Hindi nabubuntis dahil hindi regular ang ovulation.

    Pagbigat o pagtaba

  • Maaaring makaranas ng pagkapal ng buhok sa ibang bahagi ng katawan at paglagas ng buhok sa ulo katulad ng mga lalaki.

  • Pagkakaroon ng taghiyawat

  • Pananakit ng Pelvic area dahil ang PCOS ay maaaring magdulot ng ovarian cyst na nagiging sanhi ng pananakit ng puson at balakang.

  • Pakiramdam na parang laging pagod.

Mga panganib na dulot ng PCOS

Ang pagkakaroon ng pcos ay kadalasang nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng isang babae lalo na kapag hindi ito agad naagapan.

  • Pagkakaroon ng type 2 diabetes o pagtaas ng sugar level sa katawan.

  • Obstructive Sleep Apnea o OSA. Ang babaeng mayroong PCOS ay kadalasan na nakakaranas ng patigil-tigil na paghinga habang natutulog.

  • Pagkakaroon ng depresyon at pabago-bagong emosyon na nakakaapekto sa tiwala sa sarili ng babaeng nakakaranas ng sakit na ito.

  • High blood pressure at high cholesterol na maaaring maging sanhi ng sakit sa puso at stroke.

  • Pagkapal ng lining ng matres na maaaring maging resulta ng endometrial cancer.

Ang sintomas na maaaring konektado sa pagbigat ng timbang sa mga babaeng may PCOS ay ang mataas na insulin levels sa katawan. Ang insulin ay kailangan ng katawan upang gawing enerhiya ang glucose o asukal mula sa ating kinakain. Bagamat hindi pa tiyak kung ang PCOS ay direktang nagdudulot ng pagtaas ng timbang, mahalaga pa rin na panatilihin na normal ang iyong timbang upang maiwasan ang sakit na maaaring maidulot nito. Mahalaga rin na panatilihin ang pag-eehersisyo at balanced-diet upang makatulong sa pagpapatibay ng katawan at paglayo sa iba pang karamdaman.

Ang mga babaeng nakakaranas ng mga sintomas nito ay nangangailangan ng suporta at pang-unawa ng mga tao sa paligid nya dahil hindi ito madaling pagdaanan. Maaaring magbigay daan ito upang mawalan siya ng gana sa buhay dala na rin ng panghuhusga ng ilan dahil sa mga hindi kagandahang epekto nito sa katawan ng isang babae katulad ng paglaki ng tiyan at pagkakaroon ng taghiyawat sa mukha. Malaki ang epekto nito sa confidence ng isang babae sa kanyang sarili. May mga bagay na hindi mauunawan ng ibang tao na hindi nagdaranas ng ganitong uri ng sakit na lalong nagpapahirap sa mga babaeng nakakaranas nito. Kaya kung may kakilala ka na mayroon nito huwag kang mag-atubili na suportahan siya at unawain ang pinagdadaanan niya.

Ang PCOS ay wala pang tiyak na gamot ngunit ang mga doktor ay may inereresetang gamot upang maging normal at regular ang regla at mabuntis. Kailangan din ng pagkontrol sa pagkain na labis pang makakaapekto sa pagtaas ng timbang katulad ng mga mamantika, matataba at matatamis na pagkain. Panatilihin ang pagkakaroon ng malusog at malakas na pangangatawan upang malabanan ang panganib na dulot ng sakit na ito.

1
$ 0.80
$ 0.80 from @TheRandomRewarder
Avatar for rosienne
3 years ago

Comments