Mga payo sa mga naiinis at nalulungkot sa kanilang buhay

4 3488
Avatar for rosienne
3 years ago

Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang problemang dinadala. Huwag tayong magpatalo sa problema. Gawin nating mas makabuluhan ang buhay natin dito sa mundong ibabaw. Madami mang pangyayaring hindi inaasahan sa nagdaang taon at sa kasalukuyan ipagpatuloy natin ang mga hakbang ating nasimulan. Natural na sa ating mga tao ang malungkot at mainis dahil sa mga bagay at pangyayari sa araw-araw na pamumuhay. Ito ay reaksyon natin sa mga hindi magandang pangyayari na hindi natin inaasahan. Ang mga dahilan ng ating pagkalungkot at pagkainis ay matatapos at mawawala din balang araw. Huwag tayong panghinaan ng loob bagkus ay panatilihin natin ang pagkakaroon ng masiglang puso at isipan.

Narito ang ilang payo para sa mga nalulungkot at naiinis sa buhay.

  • Lagi mong tandaan na hindi ka nag-iisa. May mga taong nakahandang tumulong saiyo kapag ikaw ay nangailangan. Humingi ka ng tulong sa kanila. Huwag kang mahiya o mag-atubili upang masolusyunan mo agad ang iyong problema. Nariyan ang iyong pamilya, kaibigan at mga kakilala. Sigurado ako na isa, dalawa o higit pa sa kanila ay nakahandang tulungan ka sa oras ng iyong pangangailangan. Ipaalam mo sa kanila ang iyong problema upang matulungan ka dahil hindi naman sila manghuhula o di kaya ay may kakayahan na alamin ang iyong problema ng hindi ikaw mismo ang magsasabi sa kanila.

  • Hindi lang ikaw ang nakakaranas ng kalungkutan at pagkabugnot sa buhay. Lahat tayo ay nararanasan ang bagay na yan. Kailangan lang natin tibayan ang ating kalooban at huwag agad sumuko sa mga hamon sa buhay. Magpatuloy kahit mahirap.

  • Huwag masyadong seryoso sa lahat ng bagay. May mag bagay at pangyayari na kailangan natin ang sense of humor. Matuto tayong makisama sa mga taong palangiti at nakakatawa. Malaking tulong sila upang maging positibo ang iyong pananaw sa buhay. Mas magaan silang kasama at siguradong mapapatawa at mapapangiti ka kahit na marami kang problema. Maari ka ding manood ng mga nakakatawang pelikula upang malibang ang iyong isipan. Makinig ng musika na nakakarelax ng puso at isip.

  • Huwag mag-isip ng sobra at mga negatibong bagay. Magbibigay ito ng pressure sa iyo at hindi ka makakapag-isip ng matino. Lalo lang gugulo ang sitwasyon kung ang iisipin mo ay mga negatibo.

  • Huwag mong ikumpara ang iyong sarili sa ibang tao. Hindi lahat ng ngiti at tagumpay na nakikita mo sa kanila ay totoo. Lahat tayo ay may mga pinagdadaanan.

  • Pag-isipang mabuti ang mga desisyon sa buhay. Ang resulta ng mga desiyon mo ang magdudulot ng iyong nararamdaman. Maaaring malungkot o masaya ang kahihinatnan ng iyong mga desisyon. Mag-ingat sa pagpili ng sagot sa mga katanungan at problema.

  • Kilalanin mong mabuti ang iyong sarili. Kung hindi mo kilala ang iyong sarili at hindi mo alam ang iyong gusto ay mahihirapan ka na malutas ang iyong problema. Dapat alam mo ang mga bagay na makakapagpasaya saiyo ngunit alalahanin mo na pa rin na ang tunay na kasiyahan ay nagmumula sa katotohanan at tamang paraan. Iwasan mong makasakit ng damdamin ng ibang tao upang lumuwag ang iyong pakiramdam.

  • Ang mga nagbibigay ng inis at lungkot sa iyo ay pansamantala lamang. Ang mga problema ay mayroon ding hangganan kahit gaano pa yan kahirap. Lahat ng yan ay mayroong katapusan.

  • Huwag husgahan ang iyong sarili. May mga pagkakataon na hindi tayo nagiging masaya dahil hinuhusgahan na agad natin ang ating sariling kakayahan. Minsan naiisip natin na hindi natin kayang abutin at gawin ang isang bagay dahil mayroon tayong duda sa ating sariling kakayahan. Sa bandang huli nagsisisi tayo dahil hindi natin sinubukan.

  • Magtiwala sa magagawa ng Dios sa iyong buhay. Magdasal palagi upang gabayan ka ng Dios sa lahat ng iyong mga hakbang na gagawin araw-araw.

Huwag kalilimutan na sa kabila ng lahat na mapait at hindi magandang mga pangyayari ay mayroong bagong pag-asang naghihintay. Ang mga problema natin ay lilipas lamang. Magkakaroon din tayo ng katahimikan sa ating mga puso at isipan. Gawin nating inspirasyon ang ating mga mahal sa buhay ang ating asawa, mga anak, mga kapatid, magulang, at mga kaibigan. Pahalagahan natin ang ating mga sarili at huwag nating sayangin ang mga oras sa mga bagay na walang kapaki-pakinabang. Magpasalamat tayo sa lahat ng biyayang ating natatanggap. Ang paggising natin tuwing umaga ay napakalaking dahilan para maging masaya tayo. Binibigyan tayo ng pagkakataon araw-araw na makagawa ng mabuti at makasama ang ating mga mahal sa buhay.

4
$ 0.18
$ 0.17 from @TheRandomRewarder
$ 0.01 from @cryptoph
Avatar for rosienne
3 years ago

Comments

kasi di maintihan ni randomtipper ito.tey mo english beh

$ 0.00
3 years ago

Madami na po ako gonawang article na tagalog na may mga upvote

$ 0.00
3 years ago

kumikita kana po ba dito maam?

$ 0.00
3 years ago

Kung chineck mo profile ko 5 days na ako walang kita..yung mga lumang article ko may mga upvote pero yung apat na bago wala..di ko nga alam kung bakit.

$ 0.01
3 years ago