Mga paraan para bumata

3 51
Avatar for rosienne
3 years ago

Isa sa mga natural na bagay dito sa mundo ang pagtanda. Hindi natin ito maiiwasan ngunit may mga paraan para mapabagal natin ito.

Sundan ang mga sumusunod:

1) Kumain ng balanse at tama. Kumain ng almusal araw-araw. Ang gulay, sardinas, kanin, gatas, itlog at prutas ay masustansyang almusal. Kumain ng maberdeng gulay at mga prutas, tulad ng mansanas, saging at pakwan. Huwag magpalipas ng gutom. Mahalagang nakakain sa tamang oras upang maiwasan ang pagkakasakit sa tiyan at paghina ng katawan at isipan. Huwag sosobrahan ang kahit anong pagkain. Huwag magpakabusog ng labis at umiwas sa mga matataba at mamantikang pagkain.

2) Mag-asawa o magkaroon ng kasama sa buhay. Ayon sa pag-aaral ay mas masaya ang magkaroon ng kasama sa buhay at bumabata tingnan ang mga taong inlove kumpara sa mag-isa lamang.

3) Matulog ng 7-8 oras kada araw. Mahalagang nakakapagpahinga ng maayos ang iyong isipan at katawan sa kabila ng maraming gawain sa araw-araw. Kapag kulang sa tulog ang isang tao ay tumatanda itong tingnan.

4) Umiwas sa mga bisyo katulad ng alak at sigarilyo. Ang alak ay nakakataba at nakakalaki ng tiyan. Ang sigarilyo ay maraming posibleng sakit na maidulot sa iyong kalusugan. Nakakatuyo at kulubot din ito ng balat.

5) Uminom ng 8-10 basong tubig kada araw o mas higit pa lalo na kapag mainit ang panahon. Ang pag-inom ng tubig ay nakakatulong upang magbigay ng glow at napapanatili nitong malambot at hydrated ang ating balat. Marami ding benepisyo ang pag-inom ng tubig sa ating pangkalahatang kalusugan na nakakatulong upang bumata tayo tingnan.

6) Ngumiti at tumawa bawat araw. Huwag kalimutan ang kasabihang: "Laughter is the best medicine." Mas maaliwalas tingnan ang mukha ng isang tao kapag nakangiti at tumatawa kaysa laging nakasimangot at malungkot. Tumawa kahit may problema.

7) Mag-ehersisyo. Malaki ang maitutulong ng pag-eehersisyo upang mapanatili ang magandang katawan ng isang tao. Nakakatulong ito upang lumapat ang mga kulubot at nakalawlaw na balat.

8) Umiwas sa araw, usok, alikabok at iba pang polusyon sa lansangan. Kapag mainit ang panahon proteksyunan ang iyong balat. Gumamit ng payong at magpahid ng sunblock lotion. Ugaliing maghilamos ng mukha pagkagising at bago matulog. Kung nakakaluwag-luwag sa buhay gumamit ng moisturizer at lotion.

9.) Mamuhay lamang ayon sa iyong kakayahan. Huwag ipagpilitan ang mga bagay na hindi mo kayang gawin at panindigan na maaaring magdulot saiyo ng mabigat na problema at kalaunan ay maging sanhi ng iyong depresyon at agarang pagtanda ng iyong itsura. Iwasan ang pagkakaroon ng inggit sa kapwa at maging masaya para sa kanilang tagumpay. Iwasang makipagsabayan sa uso at mangutang upang huwag mabalisa.

10) Magkaroon ng kaibigan na masayahin at mayroong positibong pananaw na magbibigay inspirasyon sa iyo sa pagtupad ng iyong mga mithiin sa buhay. Ang pagkakaroon ng maaasahang kaibigan ay may hatid na kakaibang galak sa puso at isipan.

11)Magpahinga at bigyan ng pagkakataon ang sarili na magsaya at kalimutan ang problema. Maglakbay kung mayroon kang pera, makakatulong ito saiyong isipan upang makapag-isip muli ng maayos kung may problema at manumbalik ang dating lakas at talas ng pag-iisip. Iwasan ding mapagod ng husto upang huwag magkasakit. Ang pagkakasakit ay nagdudulot ng pangangayayat, paghina ng katawan at pagtanda ng ating itsura at mukha.

Hindi man natin maiiwasan ang ating pagtanda may mga paraan naman upang mapabagal ito. Kailangan din nating alagaan ang ating mga sariling katawan para na rin sa ating mga mahal sa buhay. Lao na sa panahon natin ngayon, maraming kalamangan ang mga taong batang tingnan kumpara sa matanda na. Kadalasan kapag bata ka pang tingnan ay mas marami ang iyong oportunidad na matatanggap katulad sa trabaho at hanap-buhay.

Minsan isa rin sa nagiging dahilan ng hiwalayan ng mag-asawa ay ang pagpapabaya ng babae sa kanyang sarili. Kaya mahalaga na maalagaan natin ang ating pisikal na kaanyuan lalo na kung nakakaapekto na ito sa ating relasyon at pagsasama. Hindi man ito malaking bagay para sa karamihan ngunit may ilang kaso na ito ang pinagmulan ng pagkahumaling ng asawang lalaki sa ibang babae. Hindi naman masama kung maghahangad tayo ng maayos na mukha, pangangatawan at lalo na kalusugan. Hindi lang naman ito para sa ating mga sarili kundi para na rin sa ating mga mahal sa buhay.

4
$ 3.61
$ 3.61 from @TheRandomRewarder
Avatar for rosienne
3 years ago

Comments

How to earn i don't understand

$ 0.00
3 years ago

I really like your article,practical and easy to understand so nice.good job.

$ 0.00
3 years ago

Thank you so much po.

$ 0.00
3 years ago