Mga karapatan ng mga bata

2 2926
Avatar for rosienne
4 years ago

Ano nga ba ang karapatan ng mga bata at ng ating mga anak? Alam mo ba ang lahat ng ito? Paano mo nasisiguro na naibibigay mo sa kanila ang mga bagay na ito? Talakayin natin ngayon kung anu-ano ang mga karapatang pambata at para na rin sa inyong kaalaman kung naibibigay ninyo ito sa inyong mga anak ng maayos at tama.

Karapatang maisilang at mabigyan ng angkop na pangalan

Marami ang nabibiktima ng rape at may kaso ng maagang pagbubuntis na nagbibigay ng mabigat na dahilan at desisyon upang magkaroon ng agam-agam ang isang ina at magulang upang maisilang ang kanyang anak. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito may karapatan ang bata na maisilang at mabigyan ng pangalan. Walang alam ang bata at inosente ito sa mga nangyari sa iyong buhay. Maaaring siya ang naging bunga ng iyong hindi pag-iingat ngunit dapat mong tandaan na karapatan nyang mabuhay dito sa mundong ibabaw. Huwag mong ipagkait sa kanya na masilayan ang mundo katulad ng ginawa ng iyong ina na pagsilang saiyo.

Karapatan na magkaroon ng kinikilalang magulang at buong pamilya

Karapatan ng bata na lumaki na mayroong kinikilalang ama at ina at maging bahagi ng isang buong pamilya. Ngunit taliwas na ito sa nangyayari sa ating panahon. Marami na ang tinatawag na Single Mom at Single Dad pati na rin ang broken family na maaaring makaapekto sa mentalidad at paglaki ng isang bata.

Karapatan na magkaroon ng maayos at desenteng pamumuhay

Sa kabila ng kahirapan na natatamasa natin ngayon karapatan ng bata na mamulat sa desenteng uri ng pamumuhay. Huwag pabayaan na mamulat ang bata sa mga maling pamamaraan at gawain. Gabayan sila ng maayos hanggang sa kanilang paglaki upang hindi maligaw ng landas na tinatahak.

Karapatan sa maayos na pagkain at maging malusog na bata

Hindi lang ito pangangailangan kundi karapatan ito ng mga bata na makakain ng sapat sa tamang oras. Karapatan nilang lumaking malusog upang hindi maging sakitin at malayo sa anumang uri ng karamdaman.

Karapatang makapaglaro at makapaglibang

Bilang bata pa at kulang pa ang kamuwangan karapatan nila na maglaro at maglibang upang maging daan ito para maging masaya ang kanilang kabataan. Hayaan sila na makapaglaro at makapaglinang ng mg bagay-bagay sa kapaligiran na kanilang mapapakinabangan at madadala nila sa kanilang paglaki. Ngunit sanhi ng kahirapan maraming mga bata ang nagtatrabaho na sa murang edad pa lamang. Nakakalungkot na hindi man lang nila maranasang maglibang dahil iniisip na nila agad kung paano kumita upang mabuhay.

Karapatan sa edukasyon at makapagtapos ng pag-aaral

May karapatan ang bawat bata na makapasok sa paaralan at makapagtapos ng pag-aaral upang magkaroon ng magandang kinabukasan.

Karapatan sa proteksyon laban sa anumang uri ng karahasan

May karapatan ang bata na sya ay maproteksyunan laban sa anumang uri ng karahasan na maaari nyang maranasan habang hindi nya pa kayang ipagtanggol ang kanyang sarili laban sa iba.

Karapatang magpahayag ng saloobin

May karapatan ang bata na maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Huwag siyang pipilitin sa mga bagay na hindi dapat at hindi angkop sa kanyang edad. Huwag mong pipigilan ang isang batang umiyak dahil ito ay isang paraan upang mailabas nya ang kanyang nararamdaman.

Hindi madali ang pagpapalaki sa anak at mga bata dahil ito ay ma kaakibat na malaking obligasyon at resposibilidad na panghabambuhay. Ang karapatan na nabanggit sa itaas ay isa sa mga pamantayan upang maibigay mo ang pangangailangan ng isang bata o ng iyong anak. Malaking parte ng isang magulang upang mahubog ang kakayahan ng isang bata. Nararapat na mapunan ang kanyang pangangailangang materyal, pisikal at maging emosyonal man. Ang gabay ng isang magulang ang daan upang lumaking matuwid ang isang bata. Mahalagang maiparamdam sa bata ang kanyang kahalagahan sa pamilya at komunidad.

4
$ 2.60
$ 2.60 from @TheRandomRewarder
Avatar for rosienne
4 years ago

Comments

All of us passes this childhood stage. Lucky are those in middle class family and up, they have most in the list.

$ 0.00
4 years ago

Yeah, you're right. I am one of the victims of poverty, I was unable to enter college due to a lack of financial support and at a very young age, I decided to work. But I didn't blame my parents because I know how much they sacrifice just to raise me and I know they did their best.

$ 0.00
4 years ago