Mga bagay na hindi ko maiwasan kahit alam kong masama sa kalusugan
May mga bagay talaga na mahirap iwasan kahit alam nating masama ang epekto nito sa ating katawan. Narito sa baba ang ilang listahan ng mga bagay na hindi ko maiwasan kahit alam kong masama ito sa aking kalusugan.
1. Pagpupuyat
Bilang isang ina marami akong ginagawa sa umaga. Simula pagkagising ay abala na ako sa pag-aaalaga sa aking mga anak. Pinapakain, pinapaliguan, tinuturuan ng mga aralin sa eskwelahan at nililibang ko sila. Halos paulit-ulit lang araw-araw ang aking ginagawa bilang isang housewife. Wala akong oras matulog sa hapon dahil kailangan kong bantayan ang aking maliliit pang anak. Minsan alas dyes or alas onse na ako nakakatulog sa gabi at pagising-gising pa ako sa madaling araw dahil breastfeeding mom ako. Kailangan kong i-check ang mga anak ko kung nakakatulog ba sila ng maayos at kung puno na ang diapers nila. Halos araw-araw ay kulang ako sa tulog, alam kong masama ang pagpupuyat ngunit wala naman akong magagawa kundi gumising dahil kailangan ako ng mga bata. Alam kong masama ang laging kulang sa tulog dahil humihina ang aking immune system. Nararamdaman ko din palagi ang sakit ng aking katawan at parang pagod na pagod ako minsan.Kapag kulang sa tulog naaapektuhan din nito ang mental health ng isang tao. Halos di ako makapag-isip ng maayos dahil na rin sa stress at puyat ngunit patuloy pa din lumalaban para sa pamilya.
2. Kape
Nais kong iwasan ang pagkakape lalo na at breastfeeding mom ako. Mas kailangan ko ang gatas at tubig ngunit hindi ako maka-iwas magkape. Alam kong masama sa katawan ang kape lalo na kapag sobra ang pag-inom nito bagamat nakakatulong ito upang maging active tayo pansamantala kailangan ay marunong tayong magpigil upang maiwasan ang negatibong epekto nito sa ating katawan. Ang kape ay acidic kaya kapag labis ang pagkonsumo mo nito ay maaari kang magkaroon ng ulcer.
3. Softdrinks
Hindi ko alam kung bakit nahuhumaling ako sa softdrinks nitong mga nakaraang araw, halos gawin ko na itong tubig sa dalas ko ng pag-inom nito. Nakaka-addict ang lasa ng softdrinks para din itong kape. Mabuti na lamang at hindi ako nagkaka-uti dahil sa labis na pagkonsumo ng inumin na ito. Malaking tulong ang pag-inom ng maraming tubig upang mailabas ang mga toxins sa katawan. Kaya ang ginagawa ko ay madalas din akong uminom ng tubig upang maiwasan ang uti at iba pang uri ng sakit na dulot ng pagkonsumo ng labis na kape at softdrinks.
4. Labis na paggamit ng cellphone
Pagkagising hanggang sa pagtulog hawak ko ang aking cellphone. Oo, labis na ang paggamit ko ng gadget at nakakasama na ito sa aking paningin ngunit hindi ko mapigilan ang aking sarili sa labis na paggamit nito. Lumalabo na ang aking paningin dahil sa kaka-cellphone ngunit wala pa rin akong tigil. Siguro karamihan naman sa atin ganyan. Lalo na simula noong nag-lockdown wala na tayong ibang magawa kundi ang maglibang gamit ang cellphone, computer at manood ng tv.
Habang may pagkakataon pa ay pinipilit ko itong baguhin at iwasan. Alam kong nasa huli ang pagsisisi kung kayat minsan nagtatalo ang aking isipan. May mga pagkakataon na gusto kong magkape o uminom ng softdrinks pero pinipigilan ko ang aking sarili dahil iisa lang ang aking katawan. Mahirap kalabanin ang sarili lalo na pagdating sa paggamit ng cellphone. Kahit na anong iwas ko ay nauuwi pa din sa paghawak at paggamit nito lalo na kapag ako ay nakahiga habang nagpapadede sa aking sanggol. Gustong-gusto ko itong iwasan dahil ayaw kong tuluyang lumabo ang aking paningin. 28 years old pa lang ako ngunit ramdam ko ang pagbabago sa aking mata at katawan dulot ng mga unhealthy habits. Kaya habang hindi pa huli ang lahat pipilitin ko itong baguhin. Sana kayo din baguhin nyo ang mga dapat baguhin habang may pagkakataon pa. Hindi lang ito para sa sarili natin kundi para na rin sa mga mahal natin sa buhay.
Ako yan lahat haha! Masarap magkape Kasi nakakatanggal stress. Masarap magpuyat at magselpon lalo kapag may earn.