Mga bagay na dapat mayroon sa isang relasyon

1 167
Avatar for rosienne
2 years ago

Bakit maraming relasyon ang nasisira? Ano nga ba ang puno't-dulo nito? Walang perpektong relasyon ngunit merong nagtatagal. Ano nga ba ang mga bagay na dapat mayroon ka upang ang relasyon ninyo ay maingatan at magtagal katulad ng sa iba. Maraming mga bagay ang nakaka-apekto sa isang relasyon upang masira ito at tuluyan itong mawala. Ngunit kung nais mong magtagal ito may mga bagay na dapat kang alalahanin at taglayin upang gumanda ang inyong pagsasama bilang magkasintahan o bilang mag-asawa. Narito ang ilan sa mga bagay na dapat iyong taglay upang magkaroon ka ng maganda at matagal na relasyon sa iyong kapareha.

1. Pagmamahal

Isa ito sa pangunahing bagay na dapat mayroon ka dahil ito ang unang magbubuklod sa inyong dalawa. Ito dapat ang inyong pundasyon kung bakit kayo nasa isang relasyon hindi dahil lang sa kailangan nyo ang isa't-isa. Masarap at magandang makipag-relasyon sa taong mahal ka.

Mayroong kasing mga taong pumapasok sa isang relasyon dahil kailangan lang nila o di kaya ay may gusto lang silang makuha.

2. Tiwala

Ito ang magpapatibay sa inyong pundasyon bilang magkasintahan o mag-asawa. Isa ito sa pinakamahalagang sangkap sa isang relasyon upang magtagal at maging panatag ang isa't-isa. Kapag wala kang tiwala sa iyong kapareha ay hindi kayo magtatagal. Mabubuo ang pagdududa na pagsisimulan ng away at magbubunga ng at sakitan. Kapag mahal mo ang isang tao dapat may tiwala ka.

3. Katapatan

Mahalaga sa isang relasyon ang katapatan upang tumagal, maging maayos at tahimik ang inyong pagsasama. Kapag tapat ka ikaw ay pagkakatiwalaan ng iyong karelasyon at maiiwasan ang mga pagdududa.

4. Pasensya at Pang-unawa

Sa isang relasyon kailangan ay marunong kang magpasensya at umunawa sa mga pangyayari at sitwasyon ninyong dalawa. Para maiwasan ang away ay matuto kang unawain ang iyong kapareha at igalang ang ilan sa mga desisyon nya lalo na kung para naman ito sa ikabubuti ninyong dalawa.

5. Respeto

Kahit saan ka magpunta dapat ay bitbit mo ang bagay na ito. Dito masusukat kung gaano mo kamahal ang isang tao. Kapag may respeto ka sa iyong kapareha at sa mga taong nakapaligid saiyo hindi ka mahihirapan makisama. Ang isang relasyong walang respeto sa isa't-isa ay hindi magtatagal at lagi lang mag-aaway dahil sa mga hindi mabuting asal na ipinapakita.

6. Oras

Dapat may sapat na oras ka sa kanya. Hindi pwedeng ipagpapaliban mo sya dahil may priority kang iba. Para magtagal ang inyong relasyon kailangan mong gumawa ng paraan para makasama mo sya at maiparamdam mo ang pagmamahal mo sa kanya. Kapag nawawalan ka ng oras sa iyong kapareha dahil sa maraming kadahilanan dyan magsisimula ang kanyang pagdududa at makapag-iisip sya ng hindi maganda. Maaring tanungin nya ang kanyang sarili kung mahal mo pa ba sya o busy ka lang talaga? Kapag pumasok ka sa isang relasyon dapat ay handa ka.

7. Effort

Isa ito sa mga bagay na maaari mong gawin sukatan ng pagmamahal. Hindi kasi pwedeng sasabihin mong mahal mo lang kailangan ay may kasamang effort o pagsisikap upang maipakita at maiparamdam mo sa isang tao na mahal mo sya. Sabi nga nila "Actions speak louder than voice".

  1. Dapat marunong kang magpahalaga sa mga bagay na ipinapakita at ibinibigay nya saiyo.

  2. Tanggap mo sya ng buo, kung ano at sino sya. Hindi mo dapat tingnan ang mga bagay na wala na kanya. Tingnan mo ang mga bagay maganda sa kanya at mga bagay na kaya nyang gawin at ibigay saiyo.

  3. Intimacy. Ang pagyakap at paghalik ay pagpapakita ng affection. Ito ay parte ng isang relasyon ngunit mayroon din naman itong limitasyon lalo na kung ayaw ng iyong kapareha.

  4. Give and take process. Hindi pwedeng ikaw o sya lang ang laging napag-bibigyan. Kailangan ay marunong kayo mag-balanse ng mga bagay sa inyong relasyon. Magbigayan kayo sa lahat ng pagkakataon upang maiwasan ang mga away at hindi pagkaka-intindihan.

Maraming relasyon at pamilya ang nawawasak dahil sa maling pamamaraan ng pag-handle ng isang relasyon. Kung mayroon lang sana ng lahat ng nabanggit ang bawat isa, magkakaroon ng matibay na pagsasama ang magkasintahan at mag-asawa. Kung taglay mo ang mga bagay na nabanggit sa itaas ay malaki ang posible na magtatagal kayo ng iyong kerelasyon.

Iwasan lamang ang mga bagay na ito:

  • Mga bisyo tulad ng alak, sugal at sigarilyo

  • Pakikipag-usap o chat sa ibang babae/lalaki

  • Online games

  • Pagpapakita ng interest sa iba

  • Pagsisinungaling at paglilihim

Ang isang relasyong may matibay na pundasyon ay hindi nagigiba kahit daanan pa ng maraming pagsubok yan. Tibayan ang inyong tiwala sa isa't-isa upang magtagal ang inyong pagsasama. Iwasan ang mga bagay na dapat iwasan upang hindi maging komplikado ang inyong relasyon. Maging tapat sa lahat ng oras at bagay. Gawin ang lahat ng may pagmamahal.

2
$ 1.16
$ 1.16 from @TheRandomRewarder
Avatar for rosienne
2 years ago

Comments

Agree ako sa lahat ng sinabi mo. Pag talaga nagkaroon ng pagkukulang jan, wasak talaga relasyon.

$ 0.00
2 years ago