May pera sa basura

1 4063
Avatar for rosienne
3 years ago

Hindi naman lingid sa kaalaman ng bawat isa ang katagang "may pera sa basura" madalas lang ay hindi ito pinapansin ng ilan dahil komplikado, mahirap at mabaho ito kumpara sa pangkaraniwang trabaho. Kadalasan ay mababa rin ang tingin ng mga tao sa mga nangangalakal ngunit hindi nila alam na malaki ang kitaan sa dito. Ang mga may-ari ng junkshop kadalasan ay yumayaman dahil mura lang ang puhunan ngunit malaki ang bentahan sa merkado lalo na kapag nalinis na ang mga kalakal at produkto. Minsan ang akala nating mga patapong gamit ay wala ng silbi ngunit sa mga basurero at mga nangangalakal ay may malaking halaga pa ito.

Hindi lang mga non-biodegradable ang maaaring pagkakitaan. Ang mga non-biodegradable waste katulad ng bote, lata, plastik, diyaryo o mga papel, mga sirang yero, bakal at marami pang iba ang mga maaari pang ibenta na akala natin ay basura na. Ang mga plastik na bote ay nirerecycle at tinutunaw upang gawing iba't-ibang uri ng kasangkapan sa loob at labas ng bahay man. Ang mga lata, malalaking bote at plastik ay maaaring lagyan ng disenyo upang gawing plorera at mga organizer ng gamit sa bahay at maaari din itong ibenta upang dagdag kita. Sa panahon ng kapaskuhan may ilan din na gumagawa ng parol gamit lamang ang mga plastik na bote ng mga softdrinks at mga disposable na baso, kutsara at tinidor. Nilalagyan na lamang nila ito ng mga disenyo at pailaw upang gumanda at maging kaakit-akit sa paningin ng mga bibili. May ilang beauty pangeant na rin ang mga gumagamit ng mga recycled at disposable materials para sa patimpalak na labis na kamangha-mangha dahil hindi mo aakalain na galing ito sa basura. Maging sa mga eskwelan ay nalilinang ang pagiging malikhain ng mga mag-aaral kung paano nila mapapakinabangan ang mga mga basura. Kinakailangan lamang ng pagiging malikhain at matalas ng pag-iisip upang makagawa ng mga posibleng kapakinabangan gamit ang basura at mga bagay na akala natin ay wala ng pakinabang.

Alam niyo ba na pati biodegradable ay maaari din pagkakitaan? Ang simpleng composting galing sa mga biodegradable waste ay maaaring gawing organic fertilizer at ibenta. Ito ay matrabaho at nangangailangan ng sapat na oras at pagtatiyaga. Ang mga organic fertilizer ay maaaring ibenta sa mga nangangailangan ng pataba sa mga halaman at mga gulay sa bukid. Ito ay mabisa din gamitin katulad ng mga inorganic fertilizer. Ang kaibahan lamang ay ang inorganic fertilizer ay mayroon itong halong mga synthetic chemicals na nagpapabilis mamunga sa mga pananim. Ngunit kung ako ang papipiliin ay mas mabuti na gumamit tayo ng organic fertilizer upang makatulong din sa mga kababayan na ito lamang ang hanap-buhay at para mabawasan ang basura sa ating kapaligiran at maitapon ng maayos sa dapat paglagyan.

Ang akala nating mga basurang pakalat-kalat ay wala ng halaga ngunit para sa mga nangangalakal ito ay pera. Maraming mangangalakal dito sa Pilipinas ang naitataguyod nila ang kanilang pamilya at napagtatapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak. Dahil sa basura ay nabubuhay nila ang kanilang pamilya sa marangal na paraan. Sana mamulat ang mga puso at isipan ng mga tao na huwag husgahan at pandirihan ang mga basurero at mga nangangalakal dahil kung tutuusin malaki ang ginagampanan nilang tungkulin at malaki ang naitutulong nila sa bansa upang mapanatiling malinis ang kapaligiran.

8
$ 2.18
$ 2.18 from @TheRandomRewarder
Avatar for rosienne
3 years ago

Comments

Very nice

$ 0.00
3 years ago