Maulang umaga

0 14
Avatar for rosienne
2 years ago

Isang maulang umaga ng martes ang bumungad sa amin ngayon. Ilang linggo din ang lumipas bago umulan ulit. Kung para sa iba ay biyaya ang ulan sa akin naman ay hindi. Hindi maayos ang aming mga bubong at mga kisame kaya tuwing umuulan ay may tumutulo. Nangungupahan lang kami kaya nagtitiis kami sa ganitong sitwasyon. Hanggat hindi ito ipaayos ng may-ari ay titiisin namin ito hanggat andito kami. Ang sabi sa amin ng karpintero ay hindi na daw kayang tapalan ng vulca seal ang mga butas dahil malalaki na raw ito. Dapat daw dito ay palitan na pati mga kahoy. Wala naman kaming sapat na halaga upang maipagawa namin ito. Isa pa hindi namin ito pag-aari para kami ang magpagawa. Mabuti sana kung sa amin na ang bahay na ito.

Isa pa sa dahilan kung bakit hindi kami masaya kapag umuulan ay nahihirapan ang aking asawa na bumyahe. Isa syang delivery rider ng isang courier service. Mas delikado bumyahe kapag umuulan dahil madulas ang kalsada at takaw-disgrasya. At kahit nakasuot sya ng raincoat ay nababasa pa din sya. Minsan nagiging dahilan pa ito ng pagkakasakit nya at hindi sya nakakabyahe ng ilang araw dahil mas kailangan nyang magpahinga. Kapag napag-uusapan namin ang trabaho ay nababanggit ko sa kanya na maghanap na lang sya ng trabaho na mayroong mga benefits tulad ng Philhealth, SSS at Pag-ibig na magagamit namin sa paglaki ng aming mga anak. Ngunit mas gusto nya na hawak nya ang kanyang oras kaya mmas pinili nya na courier driver na lang. Mahirap kasi bumyahe lalo na sa gabi ang gusto nyang shift dahil umiiwas sya sa init ng araw. Katulad na lang ng nangyari sa kapatid nya noong nakaraang buwan nahold-up ito, natangay ang kanyang motor at cellphone. Mabuti na lang at mabilis na rumesponde ang mga pulis at agad na naibalik ang motor ngunit hindi na naibalik sa kanya ang cellphone. Isa ito sa mga kinakatakot ko kung kaya minsan ay hinihikayat ko ang aking asawa na maghanap ng regular na trabaho.

Martes ng umaga ngayon at mukhang maghapong uulan. Medyo nakakalungkot dahil kahit papaano mas masaya at maaliwalas ang mukha ng mga tao kapag maganda ang panahon. Ngunit kailangan din kasi natin ng ulan lalo na ng mga kapwa natin mga magbubukid at magsasaka na umaasa sa ulan upang madiligan ang kanilang mga pananim. Alas otso na pala, ang bilis ng oras. Kailangan ko ng maghanda ng agahan para sa mga bata at simulan ang ilang mga gawaing bahay.

Magandang umaga!

Tara at mag-almusal muna!

1
$ 1.74
$ 1.74 from @TheRandomRewarder
Avatar for rosienne
2 years ago

Comments