Madali lang ba gumawa ng article?

0 19
Avatar for rosienne
2 years ago

Noong una nag-aalangan ako subukan ang site na ito dahil hindi ko alam kung paano at saan magsisimula. Lagi akong may doubt sa sarili ko noon pa man. Lagi kong iniisip ang magiging reactions ng ibang tao sa ginagawa ko. Kaya hindi ako sumusubok ng mga bagay na hindi ko pinag-iisipang mabuti. Natagalan bago ko naisipan na ayusin ang ginagawa kong artikulo dito sa read.cash. Noong una kasi hindi ako nagsubok na gumawa ng Tagalog article dahil ang alam ko English lang ang pwede hanggat sa may nakita akong post dito na Tagalog Language ang gamit nya. Nahikayat ako ng isang kaibigan na subukan kong gumawa lang ng gumawa hanggang sa mapansin ako ni Random Rewarder. At hindi rin nagtagal hindi ako nabigo dahil unti-unti na akong nabibiyayaan ng bitcoincash kahit hindi ako magaling magsulat at mali pa ang grammar ko kapag English ang sulat ko.

Hanggang ngayon aminado ako sa sarili ko na hindi ako confident sa mga gawa ko. Alam kong hindi ako magaling magsulat pero sinusubukan ko pa rin hanggang sa lumago na lang ang aking kaalaman sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsusulat ng madalas. Hindi rin ako magaling sa banyagang salita kung kayat mas pinipili ko na magsulat ng Tagalog. Ito ang lengguaheng kinasanayan ko at komportableng gamitin ko ito kahit anong oras. Mas naipapahiwatig ko ang aking saloobin sa pamamagitan ng lengguaheng Filipino. Bagamat mas mainam sana kung English para naiintindihan din ng mga dayuhang manunulat subalit hindi ko naman masyadong naipapaliwag ang mga bagay na gusto kong maiparating sa mambabasa. May mga pagkakataon na nakakagawa ako ng English na artikulo lalo na kapag ako ay motivated at inspired magsulat dahil sa isang pangyayari o bagay. Masaya magsulat lalo na kapag hindi ka napipilitan lang at mayroon kang pinaghuhugutan ng topic na napili mong gawin o isulat.

Maari kang mag-kwento ng isang pangyayari sa iyong buhay, magbigay ng reactions sa isang bagay at magbahagi ng iyong mga karanasan at natutunan. Bukod sa makakatanggap ng reward(bch) magkakaroon ka din ng mga kakilala at kaibigan na magsisilbing gabay at inspirasyon mo sa pagsusulat. Marami kang matutunan sa kanila na diskarte at pamamaraan upang maging maayos ang iyong artikulong ginagawa. Malaking tulong ang mga kakilala na nagbibigay sayo ng motivation para ituloy mo ang iyong nasimulan dito. Hindi madali ang pagsusulat lalo na kung hindi malawak ang iyong pag-iisip. Kailangan ay mahaba din ang iyong pasensya para makagawa ng isang makabuluhang artikulo.

May mga iba't-ibang dahilan tayo kung bakit natin ginagawa ang isang bagay maaaring kaya ka nagsusulat dahil gusto mong kumita, lumago ang iyong kaalaman at maging eksperto sa pagsusulat. Isa sa mga dahilan kung bakit ako nagsusulat ay para maka-ipon. Kaunti pa lang ang naiipon kong bitcoincash dahil sa tuwing nauubusan ng budget ang aking asawa ay ako muna ang bumibili ng mga pangangailangan namin sa bahay. Marami na din akong naipundar na gamit dahil sa site na ito at noise.cash. Nakabili ako ng cellphone na nagkakahalagang P9,500 at ito ang gamit ko ngayon. Nakabili din ako ng cabinet, storage boxes, blender, damit ko at damit ng mga bata. Bukod pa diyan nakakapagpadala din ako ng pagkain sa aking ina at mga kapatid sa Bicol(province) sa pamamagitan ng online transactions.

Sobrang pasasalamat ko sa Dios dahil natagpuan ko ang site na ito na nagbibigay ng pag-asa sa bawat katulad ko na nasa bahay lamang pero kumikita habang nag-aalaga ng mga anak. Isang malaking pasasalamat ko sa inyong lahat!

Thank you so much read.cash at noise.cash!

Maraming salamat din po sa mga sumusuporta sa akin dito at sa noise.cash, alam niyo na kung sino kayo.

1
$ 0.47
$ 0.47 from @TheRandomRewarder
Avatar for rosienne
2 years ago

Comments