Kaunting kaalaman sa larangan ng larong basketball

0 5883
Avatar for rosienne
3 years ago

Siguro naman lahat tayo ay pamilyar na sa larong ito. Maaring isa ka sa mga taga-hanga ng larong ito at ng mga sikat na manlalaro ng basketball sa loob at labas ng iyong bansa.

Ang basketball ay isang larong palakasan kung saan binubuo ito ng dalawang koponan na may tag-limang miyembro. Ang layunin ng larong ito ay maipasa at maihulog ang bola sa basket o net. Ang isang koponan ay makakapuntos ng dalawa o tatlong puntos kapag naihulog ang bola sa basket habang naglalaro.

Pinagmulan ng basketball

Ang basketball ay naimbento ni James Naismith, isang Physical Education instructor sa Springfield Massachusetts sa bansang Estados Unidos noong taong 1891. Sinimulan ang mga paliga sa mga kolehiyo sa bansa at kalaunan ay naging tanyag na larong pandaigdigan.

Mga posisyon ng mga manlalaro ng basketball

  • Point Guard- karaniwang isa sa pinakamagaling mag-dribol at magpasa ng bola. Siya rin ang umaaktong lider ng grupo.

  • Shooting guard- isa sa goal ng shooting guard ay makakuha ng puntos o maka-shoot ng bola sa basket. Mas kilala ang shooting guard dahil sa abilidad nito na makakuha ng 3 points o maka-shoot ng bola kahit malayo sa basket.

  • Small Forward- karaniwang inilalagay sa posisyong ito ay maliit kumpara sa center at guard position ngunit mas malakas at mas mabilis kumilos. Mahalaga na magaling magdribol ang nasa posiyong ito at nakakatulong sa pagkakamit ng puntos.

  • Power Forward- kadalasan na inilalagay sa posisyon na ito ay maraming alam o versatile sa larangan ng laro at mabilis kumilos. Ang power forward ay tumutulong sa pagkamit ng puntos upang maipanalo ang laban.

  • Center- kadalasan na inilalagay sa posisyong ito ay ang pinakamatangkad at may malakas na pangangatawan. Ang center player ay kilala bilang taga-salo ng rebound at taga-harang bola ng kalaban na pumasok sa ring.

Ang basketball ay mayroong iba't-ibang uri ng violation at patakaran. Narito ang ilang mga termino na dapat mong alamin sa paglalaro ng basketball.

  • >FOUL- ito ay tawag kapag nakasakit ka ng iyong katunggali.

May iba't-ibang klase ng foul:

1) Technical foul

2) Flagrant foul

3) Charging

4) Intentional foul

5) Offensive foul

6) Blocking foul

  • > TRAVELLING

  • >PALMING

  • >HELD

  • >DOUBLE DRIBBLE

  • >BACK COURT or "OVER AND BACK"

  • >FREE THROW VIOLATIONS

  • >KICKING

Ang koponan na magkakaroon ng mataas na puntos pagkatapos ng takdang oras ay siyang magwawagi ngunit may mga pagkakataon na nagkakaroon ng patas ang score ng bawat koponan at nagkakaroon ng tinatawag na overtime. Magbibigay ng ilang minuto upang makapaglaro ulit ang magkatunggaling koponan upang malaman kung sino ang makakakuha pa ng mataas na score.

Marami pang ibang kataga at patakaran ang dapat alamin ng isang manlalaro ng basketball. Hindi nailahad lahat dahil kulang din ang aking kaalaman tungkol dito. Ang mga nabanggit ko sa itaas ay iilan lamang na mga importanteng bagay na dapat alamin sa larangan ng larong basketball. Kailangan na alam ng manlalaro ang mga patakaran sa larong ito upang magtagumpay at maiwasan ang mga parusa at pagkakamali. Nangangailangan din ito ng sapat na pag-eensayo upang mas maging mabisa at maayos ang paglalaro.

Benepisyo ng paglalaro ng basketball

  • Ang benepisyo na makukuha sa paglalaro ng basketball ay makakatulong ito upang mapanatili ang pangangatawan dahil katulad din ito ng pag-eehersisyo na makakatulong sa pagpapalakas ng katawan.

  • Ang larong ito ay hindi lang palakasan kundi patalasan ng isip kung paano maipanalo ang laban. Sa pamamagitan nito nalilinang ang kakayahan ng mga manlalaro na mag-isip ng paraan kung paano malusutan ang kalaban.

  • Ang basketball ay makakatulong sa mga kabataan upang hindi malulong sa mga masasamang bisyo katulad ng paglalasing at pagdodroga.

  • Natutulungan nito ang mga manlalaro magkaroon disiplina sa sarili at matutong makisama o ang tinatawag na teamwork.

  • Ang pagiging mahusay na koponan o player sa larong ito ay nakakatulong upang tumaas ang kumpiyansa at tingin sa sarili.

Narito ang mga sikat na manlalaro at koponan sa larangan ng larong basketball.

Mga listahan ng sikat na koponan ng basketball sa NBA:

Atlanta Hawks

Boston Celtics

Brooklyn Nets

Charlotte Hornets

Chicago Bulls

Cleveland Cavaliers

Dallas Mavericks

Denver Nuggets

Detroit Pistons

Golden State Warriors

Houston Rockets

Indiana Pacers

Los Angeles Clippers

Los Angeles Lakers

Memphis Grizzlies

Miami Heat

Milwaukee Bucks

Minnesota Timberwolves

New Orleans Pelicans

New York Knicks

Oklahoma City Thunder

Orlando Magic

Philadelphia 76ers

Phoenix Suns

Portland Trail Blazers

Sacramento Kings

San Antonio Spurs

Toronto Raptors

Utah Jazz

Washington Wizards

Narito naman ang listahan ng ilang sikat na manlalaro ng basketball:

  • 1 LeBron James- Small forward, Los Angeles Lakers

  • 2 Kevin Durant- Small forward, Golden State Warriors

  • 3 Anthony Davis- Power forward, New Orleans Pelicans

  • 4 James Harden- Shooting guard, Houston Rockets.

  • 5 Stephen Curry- Point guard, Golden State Warriors

  • 6 Giannis Antetokounmpo- Small forward, Milwaukee Bucks

  • 7 Joel Embiid- Center, Philadelphia 76ers

  • 8 Russell Westbrook- Point guard, Oklahoma City Thunder

  • 9 Paul George- Small forward, Oklahoma City Thunder

  • 10 Kawhi Leonard- Small forward, Toronto Raptors

Hindi rin malilimutan sa larangan ng basketball ang biglaang pagkawala ng isang professional na manlalarong si Kobe Bryant. Nagulat ang nakararami ng pumutok ang balita tungkol sa biglaang pagpanaw ng sikat na basketball player. Si Kobe, kabilang ang kanyang anak at ilang personalidad ay namatay sa aksidente sa himpapawid habang lumilipad ito patungong Camarillo Airport para sa basketball game sa Mamba Sports Academy sa Thousand Oak. Labis na panghihinayang at pangungulila ang naramdaman ng mga mamamayan sa bawat sulok ng bansa dahil sa pagkawala ng kanilang iniidolo. Isa ito sa hindi makakalimutang pangyayari sa larangan ng larong basketball.

1
$ 5.07
$ 5.07 from @TheRandomRewarder
Avatar for rosienne
3 years ago

Comments