Ikaw ba ay magagalitin?

1 2079
Avatar for rosienne
3 years ago

Isa ka ba sa libo-libong tao sa mundo na maiksi ang pasensya, mabilis magalit at laging nakabulyaw sa mga kasama? Pag-usapan natin ang mga maaring pinagmulan nito at mga paraan upang makontrol ang iyong sarili sa pagiging magagalitin. Alam nating lahat na wala itong maidudulot na maganda sa ating sarili at sa ibang tao kaya dapat natin itong iwasan at pigilan.

Mga posibleng dahilan ng pagiging magagalitin

  • Unang dahilan na nakikita ko kung bakit magagalitin ang isang tao ay dahil sa problema katulad ng kawalan ng pera. Kapag walang pera ay madalas na mainit ang ulo ng isang tao lalo na kung may mga bayarin na dapat ng bayaran. Minsan may mga bagay na gusto nating bilhin ngunit dahil sa kawalan ng pera ay hindi natin ito nakukuha. Nagiging sanhi ito ng pagkagalit.

  • Ang mga taong madalas makaranas ng mood swings ay nagiging mainitin din ang ulo. Ito ay maaring dahilan ng stress, depression, anxiety at iba pang emotional at behavioral disorder.

  • Ito ay maari ding dahil sa hormone. Maaaring signs din ito ng menstruation at menopause sa babae. Kapag ang babae ay nireregla o di kaya naman ay menopause ay nakakaranas ito ng mood swings at kabilang na dito ang pagiging magagalitin.

  • Ang pagiging magagalitin ay signs din na maiksi lang ang iyong pasensya. Mabilis kang mairita at magalit kahit simpleng bagay lang o problema.

  • Ito ay maaaring dahil din sa labis na pagkonsumo ng caffeine at alcohol. Napatunayan sa pag-aaral na nagdudulot ito negatibong fluctuations sa mood ng isang tao.

  • Iba't-ibang uri ng problema. Kadalasan sa mga taong mainitin ang ulo ay dahil na rin sa mga problema na hindi agad kayang solusyunan. Ang pressure na nararamdaman dulot ng maraming bagay at problema ay nakakadagdag sa pagiging magagalitin. Minsan ang problema sa trabaho, eskwelahan, relasyon at pamilya ay nagiging dahilan din ng pagiging mainitin ng ulo ng isang

  • Perfectionist. Dahil sa pagiging perfectionist mo ay mabilis kang magalit. Kapag hindi nangyari o nasunod ang iyong gusto ikaw ay agad na nagagalit.

Ano ang maaaring mangyari sa mga taong mainitin ang ulo?

Maraming salik ang nakakaapekto sa pagiging magagalitin ng isang tao. Ngunit kahit ano pa man ang pinagmumulan nito dapat nating tandaan na walang maidudulot na maganda ang pagiging magagalitin. Dahil sa pagiging magagalitin natin ay nakakabitaw tayo ng masasamang salita laban sa ating kapwa at nakakagawa tayo ang mga bagay na hindi dapat gawin na nagiging dahilan upang layuan tayo ng mga tao sa ating paligid. Maari din itong magdulot at makapagpalala sa ating karamdaman. Ang mga taong may sakit sa puso ay bawal magalit ng sobra dahil baka sila ay atakihin.

Mga mabisang paraan para mabawasan ang pagiging magagalitin

  • Tanggapin sa iyong sarili na ikaw ay magagalitin. Kapag hindi mo ito natanggap ay hindi mo masisimulan ang pagbabago.

  • Pag-aralang habaan ang pasensya at matutong huminahon sa lahat ng uri ng sitwasyon.

  • Pag-aralan ang magkaroon ng pagpipigil sa sarili upang hindi makapagbitaw ng mga masasakit na salita sa kapwa. Ang paghinga ng malalim ay makakatulong upang makontrol ang iyong sarili sa pagkagalit.

  • Bawasan ang pagkonsumo ng caffeine products upang marelax at manatiling positibo ang takbo ng ating utak.

  • Mag-ehersisyo. Makakatulong ito upang mabawasan ang stress, depression at anxiety na iyong nararanasan na nagiging dahilan ng iyong pagiging magagalitin.

  • Kung may problema, mag-isip ng mga paraan kung paano malutas ang mga ito. Ang pagbulyaw at pagkagalit ay hindi makakatulong na matapos ang iyong mga problema sa buhay.

  • Bigyan ng oras ang sarili na makapag-isip at makapagpahinga. Sa ganitong paraan maaari mong mapagtanto ang iyong maling pag-uugali at mapagdesisyunang baguhin ito. Magrelax. Makinig ng mga music at manood ng mga movies na nakakapagpagaan sa loob.

  • Iwasan na makisama o makipag-kaibigan sa mga taong magagalitin dahil nakakahawa ito. Piliin ang mga taong may sense of humor para hindi laging mainit ang ulo mo.

  • Matutong magpatawad at palayain ang sarili sa mga bagay na nakakagalit sa iyo.

  • Magpakumbaba. Ang pagpapakumbaba ay makakatulong upang mapigilan mo ang iyong sarili sa pagkagalit. Hindi sa lahat ng pagkakataon ikaw ay tama. Makinig sa mga taong nasa iyong paligid.

  • Humingi ng tulong sa pamilya, kaibigan at professional kung kinakailangan. Minsan mahirap ng baguhin ang ating nakaugalian ngunit sa tulong ng ibang tao ay maaari nating baguhin ang negatibong takbo ng ating isipan at bugso ng ating damdamin.

  • At higit sa lahat matutong manalangin. Lumapit sa Dios at humingi ng tawad sa mga nagawang kasalanan. Humingi ng tulong upang baguhin ang iyong sarili lalong-lalo na ang pagiging magagalitin.

Alam nating lahat na mahirap magbago ngunit sa tulong ng Dios ay makakaya nating malagpasan ang lahat ng bagay. Magtiwala sa sarili na makakayanan mong magbago para sa ikabubuti ng lahat at para sa ikakahaba ng iyong buhay. Iwasan ang pagiging magagalitin upang gumanda ang pakikisama saiyo ng iyong mga nakakasalamuha.

2
$ 0.09
$ 0.09 from @TheRandomRewarder
Avatar for rosienne
3 years ago

Comments

hsshjsdjsj

$ 0.00
3 years ago