Having a child with comorbidities

0 19
Avatar for rosienne
2 years ago

Mahirap sa isang magulang na makita ang kaniyang anak na may sakit o may dinaramdam. Nkakataranta, hindi ka mapalagay, hindi makatulog ng maayos at hindi halos makakain. Minsan nasasabi pa natin na sana tayo nalang ang may sakit huwag na sila. Ganyan tayong mga magulang. Pero paano kung ang anak mo ay ipinanganak na may sakit na talaga(inborn)multi-congenital disorder?

Sa article na ito ibabahagi ng aking pinsan ang kanyang karanasan sa pagkakaroon ng anak na may multi-congenital disorder.

" Nang mai-panganak ko ang aking bunso hindi ko pa agad nalaman na siya ay may sakit sa dahilang tulog ako (ceasarian)nalaman ko na lang ng sabihin sa akin ng asawa ko na siya ay naka-incubator, may tubo, naka-ventilator oxygen at naka-dextrose. Hindi ko alam ang lungkot na nararamdaman ko ng marinig ang kalagayan ng aking anak sobrang hirap sa kalooban na malaman na ganon ang kaniyang kalagayan. Hndi padin matukoy ng mga doctor ang kaniyang tunay na sakit dahil ang kaylangan nya ay isang dalubhasa o Geneticist upang malaman ang kaniyang tunay na lagay. 15 days ang lumipas bago tuluyang naging stable sa paghinga at mailabas sa incubator ang aking anak at tuluyang ma-discharge.

Nalaman namin sa geneticist na siya pala ay may moebius at poland syndrome isang sakit na kung saan paralyze ang iyong mukha walang facial reaction, maliit din ang kaniyang kanang kamay at maliliit ang ang buto ng ribs sa kanan. Napakasakit sa kalooban ko bilang isang nanay na alam mong iningatan mo siya sa loob ng 9 na buwan, ininom ang mga vitamins na inireseta, mga prutas o pagkain upang maging healthy siya sa sinapupunan ngunit hindi pa din pala sapat. Maraming beses din akong nagtanong sa aking sarili kung ano ba ang mga maling nagawa ko alam ko hindi ako perpektong tao pero bakit sa anak ko pa? Nagtanong din ako sa Dios kung bakit naging ganito ang aking anak pero sobrang mali. Mali ang magtanong sa Dios, inisip nalang namin na may purpose siya kung bakit nya sa amin binigay si Chabel. Siguro nakikita niyang kaya namin at maa-alagaan namin siya ng mabuti.

Ngunit aaminin kong hindi madaling magkaroon ng anak na may special needs, pangunahin na dito ay ang pinansyal niyang pangangailangan dahil 2 beses sa isang linggo siya kinakailangan i-therapy, dagdag pa dito ang iba't-ibang test na dapat gawin sa kanya at ang palagiang pag punta sa ospital sa kaniyang mga check-ups. Minsan ay sumasagi padin sa aking isipan na paano kapag lumaki at nagtanong siya kung bakit iba siya. Kaka-awaan niya ang kaniyang sarili, baka kantiyawan lang siya, kapag nag-aral paano kung ma-bully siya dahil iba siya sa mga normal na bata? Maraming katanungan ang gumugulo sa isip ko ngunit kailangan naming mag-asawa na magpakatatag upang maproyektahan at maalagaan namin sya.

Napawi lang ang aking pag-aalala ng mapayuhan ako na dapat ay ilagak natin ang ating mga kabalisahan sa Dios dahil siya ang magtuturo sa amin kung paano namin mapapalaki ang aming anak na maayos. At nasa amin din na mga magulang niya kung paano siya lalaki, na dapat hindi namin maparamdam sa kanya na nakakaawa siya kundi dapat maboost namin ang kaniyang confidence at hindi maawa sa kaniyang sarili. Mahirap sating mga magulang na makita silang may karamdaman pero isipin nating mas mahirap para sa kanila.Gawin natin ang lahat upang mapalaki sila sa kabila ng kanilang kapansanan o kaibahan."

Hindi madali sa kanilang mag-asawa ang naging sitwasyon ng kanilang anak ngunit itinuturing nila itong malaking blessing. Naniniwala sila na makakayanan nilang malagpasan ang pagsubok na ibinigay sa kanila ng Dios at naniniwala sila na kaya ibinigay sa kanila ang ganitong sitwasyon ay may tiwala ang Dios sa kanilang kakayahan bilang mga magulang. Walang perpektong magulang ngunti kaya nating gawin ang lahat para sa ating mga anak upang maprotektahan lamang sila at masiguro ang kanilang kaligtasan. Ang mga bata o taong ipinanganak na mayroong special na kondisyon ay mas nangangailangan ng atensyon, pagmamahal at pag-aaruga upang hindi nila maramdaman na kakaiba sila.

1
$ 1.40
$ 1.40 from @TheRandomRewarder
Avatar for rosienne
2 years ago

Comments