Habang may buhay may pag-asa

5 3170
Avatar for rosienne
3 years ago

Sa dami ng pangyayari ngayong taon, madaming mamamayan ang naapektuhan ang pananampalataya at tiwala sa sarili. Ang takot na dulot ng pandemya ay hindi pa din lubusang nawawala. Ang hagupit ng bagyo na nag-iiwan ng labis na pinsala sa buhay, imprastraktura, kabuhayan at pag-aari ng mga tao na nagbibigay daan para makaramdam ng kawalan ng pag-asa. Ang kabilaang krimen na tila wala ng katapusan ay nagdudulot ng malaking takot sa mga biktima nito.

Sa kabila ng mga salot at sakuna na nararanasan natin ngayon sa likod nito ay may nakalaang pag-asa upang tayo ay makabangong muli. Habang tayo ay nabubuhay ay may pag-asa. Mayroon pa tayong magagawa upang makapagpatuloy muli at makasabay sa agos ng buhay. May kakayanan pa tayong maitayo natin ang sarili nating mga paa at ang kamay natin ay makakagawa ng mabuti para sa pamilya at sa kapwa. May pagkakataon pa tayo na makasama ang ating mga mahal sa buhay at mapaglingkuran sila. Mayroon pa tayong talentong maipapakita para magbigay ng inspirasyon sa iba. Tulong-tulong tayong magsimulang muli at umahon sa kahirapan na dulot ng pandemya at ng iba't-ibang sakuna na nagaganap at magaganap pa. Huwag tayong mawawalan ng pag-asa sapagkat may Diyos tayong makakasama sa ating bawat paggawa.

Narito ang ilang mga bagay na makakatulong upang magkaroon ng positibong pananaw sa buhay pagkatapos dumaan sa mga pagsubok.

Pagkakaroon ng tiwala sa sarili

Mahalagang maiahon natin ang ating mga sarili pagkatapos ng isang dagok sa buhay. Kailangan ang tiwala sa sarili upang malagpasan ang mga problema at para maiahon din natin ang ating pamilya. Sa ganitong paraan mas mapapabilis natin ang pag-ahon sa kabila ng mga pinagdadaanan natin sa buhay. Malaking aspeto ng pamumuhay ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili dahil dito nagsisimula ang hakbang patungo sa pag-asang makaahon muli at maiayos ang mga nasirang pangarap.

*Kung ikaw ay isa sa mga nawalan ng trabaho sa panahon ng pagpapatupad ng lockdown maaring malaking hadlang saiyo ang kahirapan ngayon ngunit huwag kang mawawalan ng tiwala sa iyong sarili na malalagpasan mo itong pagsubok na iyong kinakaharap. Tiwala sa sarili ang iyong pairalin na magkakaroon ka ng isang bago at mas magandang oportunidad.

*Ang bagyong nanalasa nitong nakaraang linggo lamang dito sa Pilipinas ay malaki rin ang epekto sa buhay at kabuhayan. Makakaapekto ito ng labis sa mental at emosyal na kalusugan ng tao. Kailangan pa din ang tiwala sa sarili na malalagpasan mo ito at makakabangon ka ng paunti-unti hanggang sa bumalik sa normal ang lahat. Ang mga ari-arian na winasak ng bagyo ay pansamantala lamang doon tayo tumingin sa mga bagay na tumatagal ng panghamambuhay.

Pagkakaroon ng positibong kaisipan tungo sa hinaharap

Nakakapanghina ang mga pangyayari ngunit kailangan nating pagtuunan ng pansin kung paano tayo ngayon, bukas at sa hinaharap. Ang pagkakaroon ng positibong pananaw ay makakatulong upang mapabilis ang ating paglutas sa mga suliranin ating kinakaharap.

Habaan ang pasensya

Marami sa atin ang dagliang nagagalit at umiinit ang ulo dahil sa kawalan ng pasensya ngunit hindi ito makakatulong sa paglutas ng anumang problema. Kapag mahaba ang iyong pasensya mauunawaan mong mabuti ang mga bagay-bagay. Hindi mo maiisip ang kawalan ng pag-asa at matututo kang maghintay sa tamang oras at panahon upang maghilom ang sugat at hirap na iyong tinamasa.

Iwasan ang pagkakaroon ng inggit sa kapwa

Maaring may mga taong mabilis umasenso at makabangonng muli sa kabila ng mga pangyayari ngunit tandaan natin na may kanya-kanya tayong uri ng pamumuhay at estado sa buhay. Ang pagkakaiba iba natin ay hindi dapat maging hadlang upang hindi tayo magkaisa. Huwag tayong maiinggit sa kung anong meron ang iba dahil baka pagsimulan pa ito ng gawaing masama kapag hindi natin ito napigilan at baka ito ay lumala. Ang inggit ay hindi makakatulong upang umangat tayo sa buhay. Baka lalo ka lamang mawalan ng pag-asa kapag mas binigyan mo ng pansin ang mga bagay na wala ka.

Paglinang sa sariling kakayahan

Makakatulong itong mapabilis ang iyong pag-unlad. Hanapin mo kung saan mo pwedeng ibilang ang iyong sarili ng sa gayon ay makikita mo ang iyong halaga. Ang iyong kakayahan ang tutulong saiyo upang magpatuloy ka sa buhay.

Gawing inspirasyon ang iyong pamilya

Maaring lahat kayo ay nahihirapan ngunit ang mga batang walang kamuwang-muwang ay mabilis makaahon dahil ang isip nya ay mababaw pa lamang. Kung ikaw ay isang magulang, ikaw ang tutulong sa kanila upang hindi sila mawalan ng pag-asa. Isipin mo ang mga bata at taong aasa saiyo. Maging inspirasyon mo sila upang magpatuloy sa buhay.

Lahat tayo ay dumadaan sa pagsubok ngunit huwag nating kalimutan na ito ay parte lamang ng ating buhay at lahat ng ito ay pansamantala lamang. Huwag tayong mawawalan ng pag-asa kung isa sa ating pamilya o mahal sa buhay ay namaalam sapagkat lahat naman tayo ay mamamatay. Ito ay mga bagay na normal na mararanasan mo bilang isang tao. Huwag din nating kalimutang may Diyos tayong kasama sa araw-araw. Siya ang nagbigay ng buhay natin kaya dapat natin itong pahalagahan at huwag na huwag nating sayangin o maisipang gawan ng masama katulad ng pagpapatiwakal. Tandaan na lahat ito ay pagsubok lamang. Tayo ay magtiwala sa Diyos na lahat ng ito ay ating malalagpasan.

8
$ 4.07
$ 4.06 from @TheRandomRewarder
$ 0.01 from @damelindz
Avatar for rosienne
3 years ago

Comments

Laban lang kahit mhirap ang buhay. Yung asawa ko mula nung nag lock down nawalan ng trabaho pero hanggang ngayon sa awa ng Diyos nakakaraos kami. Ilang buwan na yon. God will always provide. Mag tiwala lang tayo na He is a great provider at hiding Hindi nya tayo pababayaan

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

Tama sis..mahirap man pero go lang...dami naman ways para makasurvive araw-araw.

$ 0.00
3 years ago

Oo, kahit papano nakakaraos.

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

Sikapin natin na manatiling positibo sa kabila ng mga unos na dumadating sa ating buhay.

$ 0.00
3 years ago

Tama ka sis...positive lang.

$ 0.00
3 years ago