Habaan mo ang iyong pasensya

0 199
Avatar for rosienne
2 years ago

Sino ba naman sa atin ang hindi naiinis o nagagalit? Tao lang naman tayo, natural na maramdaman natin ang mga bagay na iyon ngunit kailangan ay mayroon din tayong panlaban dito. Dapat ay marunong din tayong magkontrol ng ating nararamdaman. Hindi maganda sa kalusugan ang palagiang makaramdam ng poot dahil maaarinitong magdulot ng sakit sa puso. Ayon sa isang pag-aaral sa Harvard Medical School ay natagpuang nasa 24% ang namamatay sa sakit sa puso dahil sa sobrang pagkagalit kumpara sa mga karaniwang tao na kayang mag-kontrol sa kanilang emosyon. Kaya iwasan natin na magalit upang maka-iwas tayo sa pagkakasakit sa puso at pag-aralan natin kung paano natin pakakalmahin ang ating mga sarili sa mga hindi inaasahang pagkakatao na mag-uudyok sa atin upang magalit at magtanim ng sama ng loob.

Isa sa susi upang maging masaya sa buhay ay ang pagkakaroon ng mahabang pasensya. Napatunayan ko ito mismo sa sarili ko dahil kapag maiksi lang ang pasensya mo, mabilis kang mainis o magalit kahit na simple at maliit na problema lang. Nagiging sanhi ito ng away at hindi pagkaka-unawaan lalo na kapag marami kang kasama sa bahay. Ngunit kung mahaba ang iyong pasensya makaka-iwas ka sa mga sigawan dahil mas pipiliin mo na lamang manahimik at unawain ang sitwasyon. Mas maganda ang pagsasama sa isang tahanan kapag kayo ay marunong umunawa sa isa't-isa. Isang dahilan kung bakit lumalala ang isang problema ay dahil na rin sa walang gustong magpatalo, walang gustong umunawa dahil pareho kayong walang pasensya at hindi marunong mag-kontrol ng emosyon.

Maraming positibong epekto ang maidudulot sa buhay ng isang tao kapag mahaba ang pasensya. Isa na rito ang pagkakaroon ng peace of mind. Kapag mahaba ang iyong pasensya ay madali kang magpatawad at umunawa sa mga bagay. Naayos ang isang problema sa magandang paraan at naiiwasan ang alitan. Kapag wala kang kaaway may peace of mind ka. Hindi ka mag-aalala na baka may gawin sayong masama ang iyong kaaway. Kaya habaan ang iyong pasensya upang makaiwas sa mga alitan. Kapag mahaba ang iyong pasensya ibig sabihin lang nito ay may mabuti kang kalooban. Alam mo kung paano mo kokontrolin ang iyong nararamdaman upang hindi na lumala ang isang sitwasyon.

Sa isang pagsasama at relasyon kailangan din na marunong umunawa o magpasensya sa bawat isa upang magtagal at tumibay ang inyong relasyon. Isa sa mga dahilan ng paghihiwalay ng magkasintahan at mag-asawa ay ang kawalan ng pasensya at pang-unawa sa isa't-isa. Walang gustong magpatalo at magpakumbaba. Ang tendency kapag walang pasensya ang isang tao ay laging masasangkot ito sa away kahit saan magpunta at kahit sino ang makasama. Kaya habaan ang iyong pasensya kahit saan ka magpunta upang makasundo mo ang mga tao sa iyong paligid. Mas magandang mamuhay ng may katahimikan at maraming nagmamahal sa iyo kaysa sa maraming galit sa iyo dahil sa ugali mo.

2
$ 2.27
$ 2.27 from @TheRandomRewarder
Avatar for rosienne
2 years ago

Comments