Good and bad debt

0 39
Avatar for rosienne
2 years ago

Sa panahon ngayon, sino nga ba sa atin ang walang utang? Minsan nga kahit mayaman na ay nagkaka-utang pa rin. Bakit nga ba tayo nangungutang? Saan nga ba natin mas magandang mailaan ang ating uutangin at ano-ano nga ba ang mabuti at masamang maidudulot sa atin ng pangungutang?

May 2 uri ng utang o debt

1.)Bad debt- Ito yung uri ng pangungutang na hindi naman gagamitin sa makabuluhang bagay.

  • Mga selebrasyon tulad ng birthday, anniversary at iba pang uri ng handaan. Mayroon akong kakilala na talagang ipinangungutang nya makapaghanda lamang sya sa kaniyang kaarawan na sa tingin ko ay mali dahil nakakahiyang isipin na may ihanda kalang ay mangungutang ka kahit hindi naman kailangan. Kinabukasan ay mamroblema lang kung saan kukunin ang pambayad sa inutang. Hindi naman masama na paghandaan natin ang ating kaarawan ngunit dapat hindi natin ito kinukuha sa utang, isang taon ang lilipas para dumating ang kaarawan mas maganda na pag-ipunan ito kung gusto ng handaan.

  • May mga taong nangungutang para lamang ipuhunan sa pagsugal. Alam natin na walang maidudulot ang pagsusugal. Maari lang itong magdulot ng lalong pagkabaon sa utang.

  • Mangungutang para makabili ng mga bagay na uso katulad ng damit, bag, sapatos, pagkain at mga alahas. Sa kaguatuhan ng iba na makasabay sa uso ay humahantong sila sa pangungutang masunod lamang ang kanilang gusto.

Ito ang ilan sa mga bad debt, nangungutang tayo kahit hindi naman natin kinakailangan minsan dahil sa luho lang o gusto lang mabili ang isang bagay. Matutong magtiis at magtipid kapag kapos sa pera.

2.Good debt-Ito yung pagkakataon na nangungutang tayo para iinvest natin halimbawa sa negosyo. Naging karanasan din ng aking pinsan ang mangutang sa homecredit ng cash loan at cellphone ngunit ito ay ginamit niya sa pagnenegosyo bilang online seller. Nakita kong lumago ito dahil naipa-ayos nila unti-unti ang kanilang bahay, nakabili ng mga kagamitan at nagkaron din ng ipon. Nabayaran din nila ang kanilang inutang sa itinakdang panahon.

Hindi masama ang pangungutang lalo kung sa tama o sa mabuti naman ito gagamitin. Ang pangungutang ng tama ay pwede pang magdulot sayo ng ginhawa sa hinaharap. Samantalang ang bad debt ay dadalhin ka lang sa buhay na puno ng problema at pwede mo pang ikapahamak. Minsan nangungutang tayo dala ng mga hindi inaasahang pagkakataon katulad halimbawa kapag nagkakaroon ng sakit ang isa sa miyembro ng pamilya. Likas ito sa mga mahihirap lalo na kapag walang ipon at pinagkakakitaan. Mangungutang para may pambili ng gamot at pambayad sa ospital.

Ang pangungutang ng pera ay pagpapahiram din ng tiwala. Kapag pina-utang mo ang isang tao ay nagtitiwala ka sa kanya. May tiwala ka na magbabayad sya kaya pina-utang mo. Ngunit may mga hindi inaasahang pagkakataon na may ilan ang hindi nakakapagbayad sa napagkasunduang panahon. Dito nagkakaroon ng trust issue sa pagpapa-utang at nagiging ugat pa ng hidwaan. Kaya sa mga nangungutang sana ay marunong din kayong magbayad. Hindi biro ang kumita ng pera lalo na sa panahon natin ngayon. Matutong magpahalaga sa mga bagay na ipinagkatiwala ng mga tao sa ating paligid upang ang buhay ay magaan at tahimik.

1
$ 2.27
$ 2.27 from @TheRandomRewarder
Avatar for rosienne
2 years ago

Comments