Gabay ng magulang

3 137
Avatar for rosienne
4 years ago

Maraming mga bagay at pangyayari ang di natin kayang pigilan dahil hindi sapat at limitado lamang ang ating kakayahan. Ngunit bilang isang magulang mahalaga ang paggabay natin sa ating mga anak upang lumaki silang mabuting tao. Marami man ang hadlang upang matupad natin ang mga bagay na dapat nating gawin huwag tayong sumuko ng isang subok pa lamang. Maraming bagay tayong kakaharapin na dapat ay manatili tayong matatag para sa mga sarili natin at lalong lalo na para sa kanila.

Napakahalaga sa isang anak ang lumaking ginagabayan ng magulang sa tamang pamamaran. May kanya kanya tayong aspeto ng pamamaraan ng pagdisiplina sa ating mga anak ngunit dapat alam din natin ang ating limitasyon. Mahalagang matukoy ang mga dapat at hindi dapat nilang gawin habang sila ay bata pa lamang.

Narito ang ilang batayan na nagagabayan natin sila ng maayos.

  • MAY TAKOT SA DIYOS

Ito ang unang dapat hindi natin kalimutan. Habang bata pa lamang sila dapat turuan na natin silang kumilala sa Diyos. Turuan natin silang magdasal sapagkat ito ay isa sa makapangyarihang panangga ng bawat isa laban sa masama. Kapag lumaking may takot sa Diyos ang mga anak natin hindi tayo mahihirapan magdisiplina sa kanila.

Kawikaan 22:6

"Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan"

  • MAY RESPETO AT PAGGALANG SA MGA NAKAKATANDA

Marunong sumagot ng may po at opo. Ito ay likas na sa ating mga Pinoy. Ngunit marami ng mga kabataan ang lumalaking may matabil na bibig at di na marunong kumilala sa mga nakakatanda. Bilang isang magulang obligasyon natin na ituro sa kanila ang paggalang sa mga taong nakakasalamuha natin pati ang pagkakaroon ng respeto sa sarili. Mahalagang madala nila ito hanggang sa kanilang pagtanda upang hindi sila mahirapan makisama sa ibang tao.

  • MAY PAGPIPIGIL SA SARILING EMOSYON

Mahalagang matutunan nila ito ng maaga upang hindi sila lumaking bugnutin o mainitin ang ulo. At upang maiwasan nila ang pagiging agrisibo at mapanakit sa sarili at sa kapwa. Ang pagtuturo sa kanila sa pagpigil sa kanilang emosyon ay makakatulong upang maiwasan ang paggawa ng biglaang desisyon na maaari nilang ikapahamak.

  • MARUNONG TUMANGGAP NG PAGKAKAMALI

Ang mga batang natuturuan ng pagtanggap ng kanilang pagkakamali habang bata pa ay makakatulong upang lumaki silang tapat at mapagpakumbaba. Kapag lumaki syang marunong tumanggap ng kaniyang pagkakamali matututo syang gumawa ng tama at may pag-iingat sa lahat ng bagay na kanyang susunod na gagawin.

  • MARUNONG TUMANAW NG UTANG NA LOOB

Mahalagang aspeto ng pamumuhay ang pagtanaw ng utang na loob kaya dapat natin ituro ito sa kanila upang lumaki sila na marunong magpasalamat at magpahalaga sa kahit maliit na bagay.

  • TAPAT

Lahat naman tayo ay nagkakamali ngunit mahalagang maipaliwanag natin ang kahalagahan ng pagiging tapat at pagsasabi ng totoo upang lumaki silang bukas sa satin at hindi nagtatago ng lihim. Maiiwasan nilang magsinungaling kapag napalaki natin silang tapat sa atin.

  • MASIPAG

Maraming gawaing bahay na pwedeng ituro sa kanila habang bata pa upang hindi sila lumaking tamad. Mahalagang makasanayan na nila ito upang hindi sila mahirapan sa paggawa ng mga simpleng gawain mapaloob o labas man ng bahay. Mas maraming oportunidad ang naghihintay sa mga batang masipag kaysa sa mga batang walang alam pagdating sa gawain. Dapat ay natuturuan na natin silang magligpit ng kani-kanilang gamit upang maging batayan nila ito na lumaki silang responsableng individwal at hindi asa sa magulang.

  • MAPAGMAHAL AT MAAWAIN

Ang mga batang lumalaking may malambot na puso ay hindi mahirap pakisamahan at unawain. Mahalagang maturuan natin sila kung paano magmahal at kumalinga sa kapwa. Sa simpleng pag-abot ng pagkain o barya sa mga nalilimos sa kalsada at pag-donate sa mga nangangailangan dito nila mararamdaman kung gaano sila kapalad kaya matututunan nilang kaawaan ang mga ito imbes na kanilang pandirihan.

Lahat tayo ay may kanya kanyang pamamaraan ng pagpapalaki at pagtutuwid sa anak. Mahalagang mapakinggan ang kanilang hinaing sa isang bagay upang mapanatili ang magandang komunikasyon at upang maipaabot mo sa kanya ang mga bagay na pwedeng mangyari kapag hindi sya sumunod saiyong payo at gabay. Hindi tayo perpektong magulang pero lahat ng bagay ay susubukin natin alang alang sa kanilang kapakanan. Mahalagang huwag natin silang imungkahi sa galit upang hindi sila lumaking rebelde at palasagot sa atin. Maraming bagay ang makakaapekto sa iyong anak habang siya ay lumalaki kung kayat kailangan mo ng matibay na pundasyon upang mapanatili ang inyong magandang relasyon.

Sa kasalukuyan nating panahon maraming bata ang napapariwara dahil sa kawalan ng disiplina o maling pamamaraan ng pagdidisiplina ng kanilang magulang. Dala na rin ng impluwensya ng mga tao sa ating paligid at ng modernisayon. Kung kaya't labis na mahalaga ang patnubay at gabay ng isang magulang upang hindi maligaw ng landas ang kanyang anak.

Huwag natin silang hayaan na masunod ang kanilang gusto. Hindi masama na maghigpit tayo ng sinturon upang lumaki din silang may takot sa atin at huwag abusuhin ang ating kaluwagan.

Ang pagdidisiplina sa anak ay hindi madaling gawain ng isang magulang. Kailangan natin ng mahabang pasensya at pang-unawa.

3
$ 0.50
$ 0.50 from @gerl
Avatar for rosienne
4 years ago

Comments

Ito na ang pinakamahirap na naranasan ko sa buong buhay ko ang magpalaki ng mga mga anak. Naniniwala na ako na kapag lumabas na ang bata sa sinapupunan ng isang ina, magsisimula na yugto ng buhay mo, chars haha!

$ 0.00
4 years ago

Thank you...😊 Nagsisimula pa lang ako pero sobrang hirap na talaga.Minsan nakakadepress pero laban lang.

$ 0.00
4 years ago

Minsan bawasan din ang pagiging advance mag isip, haha.

$ 0.00
4 years ago