Forgiveness

0 34
Avatar for rosienne
2 years ago

Pagpapatawad mahirap na salita lalo sa mga taong may galit o poot na kinikimkim sa kanilang puso,salitang mahirap sabihin. Bakit nga ba minsan mahirap masabi ang salitang patawad? At kung tayo'y magpapatawad ano ang mabuting maidudulot nito sa atin at sa ating kalusugan? Isa sa dahilan kung bakit mahirap magpatawad ay dahil sa naaalala natin ang kasalanan ng taong nagkasala sa atin. Paulit-ulit itong sumasagi sa ating isipan. Hindi natin ,,,,,,, maisip na kaya nila itong gawin sa atin. Mahirap magpatawad lalo na kapag labis mong pinagkatiwalaan ang isang tao na akala mo ay kakampi mo sa lahat ng oras.

Sa aking karanasan, may tao din na nagkasala sakin, inaamin ko na mahirap talaga ang magpatawad lalo na kapag naaalala ko ang mga bagay na ginawa nya sakin. Wala naman ako kasalanan sa kanya, kaya labis kong pinagtataka kung bakit nya ginawa sakin ang mga bagay na yun. Tuwing naaalala ko, kinamumunghian ko sya dahil hindi lamang isang beses sya nagkasala kundi maraming beses. Ilang taon kong kinimkim ang galit na yun minsan dumadating ako sa point na pati narin sa aking sarili ay galit ako hindi ko mapatawad ang aking sarili.

Ngunit dumating sa punto na kinakailangan nating magpatawad hindi lang sa taong nagkasala sa atin kundi maging sa sarili nadin natin. Dahil sa puntong yun magiging masaya tayo at wala ng bigat na dala-dala sa ating dibdib nakakagaan ito ng kalooban. Ito ay nakakasama din sa ating kalusugan pwede tayo magka-anxiety, magkaron ng sakit sa puso depression at ibat-ibang sakit dahil sa galit na hindi natin mapakawalan.

Sabi nga sa kantang

"Past"

To forgive is to forget. Mas masaya at magaan ang buhay kung wala tayong galit sa ating puso, given na wala kang kasalanan pero mas maganda na ikaw ang magpapatawad at magpakumbaba. Sabi sa Bible magpatawad ka sa taong nagkasala sayo kung gusto mo ding patawarin ka ng Dios sa mga kasalanan mo. Kaya kung gusto mong patawarin ka ng Dios sa mga kasalanan mo ay matututo ka ring magpatawad.

Tandaan na "Nobody is Perfect."

Hindi man natin makalimutan ang nagawa ng mga taong nagkasala sa atin ay maghihilom naman ang sugat na idinulot nila. Mag-iwan man ng bakas ang isang kasalanan, mamumulat naman tayo sa katotohanan at mag-iiwan ito ng aral sa ating buhay. Aral na magiging gabay sa atin upang hindi na maulit ang nakaraan. Kapag nagpapatawad tayo magiging maluwag ang ating kalooban. Masarap sa pakiramdam kapag napatawad ka at nagpatawad ka lalo na sa iyong mga mahal sa buhay. May mga oras man na hindi tayo magkakasundo ang mahalaga ay nagpapatawaran tayo sa bandang dulo. Maliban sa Dios, wala tayong ibang malalapitan kundi ang ating mga mahal sa buhay, pamilya at kaibigan.

2
$ 4.90
$ 4.90 from @TheRandomRewarder
Avatar for rosienne
2 years ago

Comments