Feb.14: Araw ng pighati

0 23
Avatar for rosienne
2 years ago

Ang inyong mababasa ngayon ay hango sa totoong pangyayari na inilathala ng aking kamag-anak. Ito ay isa sa mapait na ala-ala na hindi nya makakalimutan.

" Hayaang niyo po akong maibahagi sainyo ang aking malungkot na karanasan sa pagkawala ng aking ina at makapag bigay aral na din sa mas nakakaraming mga anak sa kanilang magulang o Ina.

Araw ng mga puso sa kanila o sa karamihan ito yung araw na maraming nananabik, nagde-date, nagbibigayan ng flowers, chocolate o teddy bear, pero ang Feb.14 samin ay araw ng sakit, pinaka masakit na araw hinagpis at kalungkutan.

Pinaka ayokong buwan at petsa ang araw na ito dahil ito yung araw na biglang kinuha sa amin ang aming nanay😪

Naalaala ko lang bago ako tawagan ng step father ko na sinugod daw ang aking ina sa ospital Feb.14@3:00am

Nanaginip ako nasa isang kwarto ako na madaming nakahigang tao, na para bang may sakit,pero yung kwarto napakadumi naglalakad ako sa gitna may hinahanap hanggang sa nagising ako ng mag ring ang telepono at nasabi sakin ang masamang balita. Ang nanay namin sinugod sa ospital, comatose ang nanay ng madatnan namin maraming ginawang test sa kanya hanggang sa sinabihan kami ng doctor kinagabihan na kailangan tubuhan ang nanay. Sobrang hirap sa pakiramdam na makita ko siyang tinutubuhan kasi kahit na comatose sya nakita ko kung paano nag-cross ang mga paa nya.

Mag 11 pm ng tawagin kami, pina-pump na pala ang aming ina una ay narevive pa sya pero sa pangatlong pagkakataon ay bumigay na. Feb.14 11:00 pm bukod tangi ako lang nakakaya na makita si nanay ko na pina pump akala ko sa t.v lang yun nangyayari pero hindi pala. Kapag mahal mo pala sa buhay di ka matatakot yakapin ang isang patay na. Sobrang lungkot sobrang hirap ang biglaang pagkawala sobrang lakas pa niya ng magkita kami bago siya madala kinabukasan sa ospital.

Nang mailibing ang nanay doon ko naalala yung panaginip ko before ko malaman ang nakakalungkot na balita.Sa E.R kasi sya namatay.

Yung kwarto pala na maraming tao na nakahiga maruming kwarto, sa wari ko yun yung E.R noong araw kasi noon madami ang pasyente sa e.r ang dumi din crowded din kasi.

Dito ko nasabi na ang Dios na makapangyarihan sa lahat talaga ang may hawak ng buhay ng isang tao,kanina o kahapon lang sobrang lakas nya pa ni wala nga siyang sakit pero bigla bigla nalang siya naputukan ng ugat na naging sanhi ng biglaan nyang pagkawala.

Nanay sobrang miss na kita kung pwede lang maibalik ang oras na kasama kita bago ka nawala gagawin ko,4th year anniversary na niya ang bilis ng panahon parang kahapon lang. Ito talaga yung araw na pinaka mabigat na nangyari sa aking buhay ang mawala ang taong nagpalaki, nagmahal sa aming magkakapatid.

Ang hirap mawalan ng nanay na laging nandiyan naka-alalay sayo lalo na kapag nadadapa ka. Kaya yung may mga nanay pa dyan mas ipakita nyo sa kanila na pinapahalagahan nyo sila minamahal, yakapin habang mayayakap nyo pa sila dahil laging nasa huli ang pagsisisi. Sobrang laki ng naging sakripisyo ng ating mga ina sa atin simula ng tayo'y isilang. Walang sinuman ang pwedeng pumalit sa pagmamahal ng isang ina.

Mahal na mahal kita nanay."

Mahirap mawalan ng mahal sa buhay lalo na kung nanay mo pa dahil walang kayang pumantay sa pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga anak. Sa totoo lang ngayong buwan din ang anibersaryo ng pagkamatay ng aking kapatid na babae. Noong una sobrang hirap sa pakiramdam dahil sobrang bata nya pa para mawala dito sa mundong ibabaw. Halos hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko noon. Hindi ko lubusang maisip na mangyayari iyon sa amin. Hanggang sa lumipas na lang ang mga araw, buwan at taon na unti-unti na naming natanggap ang pangyayari. Kaya habang nandiyan pa sila sa tabi natin iparamdam natin kung gaano sila kahalaga.

1
$ 1.53
$ 1.53 from @TheRandomRewarder
Avatar for rosienne
2 years ago

Comments