Doing Good Works
Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay likas na sa mga tao. Minsan nga kahit wala namang kakayahan sa buhay kahit sa pinakamaliit na paraan lang upang makatulong sa kapwa ay gagawin niya. Maraming mga paraan upang tayo ay makatulong at makagawa ng mabuti dahil hindi lang naman sa pagbibigay ng pera o sa pagkain maipapakita ang pagtulong sa ating kapwa.
Makakita ka lang ng isang matandang may mabigat na dalahin o akayin mo lang siya sa kaniyang pagtawid ay nagpapakita na ito ng pagtulong.
Magbigay ng limos sa mga taong namamalimos tulad ng pagbigay ng sobra mong pagkain damit o anumang bagay na iyong maitutulong ay huwag mong ipagkait. Gayon din ang pagbibigay natin ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo at nasunugan.
Kapag nakakita ka ng tao na nakahubad mapa-bata man o matanda ay iyong bihisan.
Bigyan ng tubig ang mga taong nauuhaw.
Pakainin ang mga nagugutom.
Pagpapahiram at pagpapa-utang sa nangangailangan.
Lalo na sa panahon ng pandemya marami sa ating kababayan ang nagugutom nawalan ng trabaho o ng pagkakakitaan, mas magandang tayo ay magtulungan para ang bawat isa sa atin ay makabangon at gumaan ang pakiramdam at isipan.
Sobrang na-inspired nga ako sa aking napanuod na vlog, ang vlogger ay nagpapanggap na mahirap o taong grasa na gutom na gutom at siya ay nanghingi ng tubig na maiinom sa isang taong mahirap din na nagbubungkal lamang ng lupa upang makakain sa araw araw. Tubig lang ang kaniyang hiningi ngunit pagbalik nito ay tubig na may kasamang kanin at tuyo ang kaniyang dala-dala. Sobrang nakakatuwa ang mga ganitong tao dahil sa kabila ng kahirapan niya sa buhay ay hindi siya nag-alinlangan upang tumulong. Dito ko napatunayang walang pinipiling estado sa buhay ang pagtulong mahirap man o mayaman ay pwedeng tumulong sa kaniyang kapwa basta ito ay bukal sa kaniyang kalooban.
Sa ating pagtulong ay huwag tayong maghintay ng anumang kapalit sa taong ginawan natin ng kabutihan dahil ang Dios ang bahalang gumanti sa atin. Dahil ang pagtulong ay hindi kailanman naghihintay ng kapalit kundi ito dapat bukal sa ating puso. Masarap sa pakiramdam na nakakatulong tayo sa ating kapwa kahit sa pinakamaliit lang na magagawa natin sobrang fullfilling. Makita mo lang na naging masaya ang taong natulungan mo kahit hindi pa sila nagsasabi ng salamat ay sobrang gaan na sa pakiramdam.
Sabi nga ng isang pinuno ng isang Iglesia:
"ANG PAGGAWA NG MABUTI AY HINDI MAGBUBUNGA NG MASAMA."
Huwag nating kasawaan na tayo ay tumulong sa ating mga kapwa dahil ito ay gawang mabuti. Sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti ay nauudyukan natin ang ibang tao na gumawa din ng kabutihan. Kumbaga ang pagtulong natin ay nagmu-multiply dahil naniniwala ako na kahit gaano pa kasama ang panahon natin ngayon ay marami pa din ang mga taong may busilak na kalooban na patuloy na gumagawa ng kabutihan sa kanilang kapwa ng walang hinihintay na kapalit.