Ang diarrhea ay isa sa pangkaraniwang sakit na kadalasang biktima ay mga bata. Ito ay maaaring mula sa viral o bacterial infections na nagiging sanhi ng paglambot at matubig na dumi ng tao. Kadalasan sa mga may diarrhea ay nakakaranas ng mas madalas na pagdumi sa loob ng isang araw. Maaring magdulot ito ng panganib sa lalo na sa mga bata dahil maaring mauwi ito sa dehydration kapag hindi agad naagapan.
Mga sintomas ng diarrhea
Pagpulikat ng tiyan (stomach cramps)
Paglambot o mala-likidong dumi
Madalas na pagdudumi
Pagkahilo
Pagsusuka
Lagnat
Panghihina ng katawan
Mga sanhi ng diarrhea
Bakterya at parasitiko- may mga bakterya at parasitiko na matatagpuan sa mga pagkain katulad ng karne at kontaminadong tubig na makakaapekto sa ating panunaw at tiyan.
Mikrobyo- ito ay kadalasang nagdudulot ng pagtatae at pagsusuka dahil sa mga hindi malinis na kagamitan sa paghanda ng pagkain at inumin.
Lactose intolerance- may mga taong hindi kaya ng kanilang panunaw ang mga dairy products na nagiging sanhi ng iba't-ibang reaksyon ng tiyan kabilang na ang pagtatae.
Fructose intolerance- ang fructose ay isang uri ng asukal na makikita sa mga prutas. Kadalasan ay hindi kaya ng kanilang panunaw ang fructose na nagiging sanhi upang makaramdam ng pagka-irita ang tiyan.
Gamot- maari ding side effects ng pag-inom ng gamot ang pagtatae.
Iba pang uri ng sakit- maaaring ang dahilan ng pagtatae ay iba pang uri ng sakit sa tiyan o senyales ng iba pang uri ng sakit katulad ng cancer.
Sa madaling salita ang diarrhea ay nakukuha sa maduming kapaligiran. Ang mga bata na mahilig magsubo ng kahit anong bagay katulad ng mga laruan ay prone sa sakit na ito.
Lunas:
Siguraduhing nakakainom ng sapat na tubig upang makaiwas sa dehydration. Mahalaga na maibalik ang nawalang tubig at electrolytes sa tiyan. Makakatulong din ang pag-inom ng mga sabaw, sports drinks at ORS at electrolytes drinks upang masiguro na hindi mauuwi sa dehydration ang pagsusuka at pagtatae.
BRAT DIET
>Banana, Rice, Apple sauce at Toast- makakatulong ito upang palitan ang nawalang bitamina at lakas ng iyong katawan na dulot ng diarrhea.
Kumain ng mga pagkain o inumin na may probiotics. Ang probiotics ay good bacteria na makakatulong sa pagpapagaling at pagpapakalma ng sikmura at ng digestive system.
Mga pagkain na may probiotics:
Yogurt
Pickles
Green olives
Soft Cheese
Dark Chocolate
Kimchi
Miso
Minsan mahirap pakainin ang mga bata at painumin ng mga gamot kung kaya nagiging dahilan ito upang manghina agad ang katawan nito at madehydrate. Kapa nagpakita ng sintomas ng dehydration ang bata agad itong dalhin sa malapit na ospital.
Mga pagkain at inumin na dapat iwasan ng taong may sakit na diarrhea:
Kape at gatas
Softdrinks
Mataba at mamantikang pagkain
Maanghang na pagkain
Alcoholic Drinks
Mga dapat gawin upang makaiwas sa sakit na diarrhea
Panatilihin ang kalinisan sa loob at labas ng bahay lalong-lalo na sa banyo at kusina. Ang pagpatay sa mga bacteria at mikrobyo sa paligid ay makakatulong upang makaiwas sa ganitong uri ng karamdaman.
Ugaliing maghugas palagi ng kamay lalo na kapag hahawak sa pagkain. Ang paghugas ng mga kamay sa pamamagitan ng malinis na tubig at sabon ay makakatulong upang masigurado na walang mikrobyo ang nakakapit sa mga kamay bago humawak ng mga kagamitan sa pagluluto at pagkain.
Siguraduhin na malinis ang inuming tubig at mga inihandang pagkain upang maiwasan ang food poisoning na magdudulot ng pagtatae.
Iwasan ang pagkain ng mga pagkaing hilaw o half-cooked lamang. Lutuin at pakuluang mabuti ang mga pagkain upang mamatay din ang mga parasites kung mayroon man.
Umiwas sa mga taong mayroong diarrhea at iwasang gamitin sng kanyang mga gamit katulad ng baso at kutsara.
Isa sa mga dahilan ng pagkamatay ng mga bata ay dehydration dulot ng pagsusuka at pagtatae. Napakahalaga na maagapan at magamot kaagad ang diarrhea lalo na sa mga bata. May mga senyales na malubha na ang karamdaman katulad ng madalang na pag-ihi at pagkakaroon ng dugo sa dumi. Agad na dalhin sa malapit na ospital ang pasyente kapag nakita ang mga senyales na ito upang malapatan ng karampatang lunas at gamot. At higit sa lahat, magdasal upang gumaling agad sa sakit na nararamdaman.
Salamat sa iyong impormasyon ito malaking tulong upang maging pamilyar