Dagdag kaalaman tungkol sa rabies ng aso at pusa

1 2783
Avatar for rosienne
3 years ago

Marami ang nakakagat ng aso o pusa lalo na kapag mainit ang panahon. Ayon sa isang doctor tuwing tag-init ay dumarami ang nakakagat ng mga aso at pusa dahil nagiging temperamental ang mga ito kapag mainit ang panahon. Minsan hindi natin maiiwasan na makalmot o makagat tayo ng ating mga alagang aso at pusa ngunit delikado ito dahil maaari itong magdulot ng rabies.

Ano ang Rabies?

 Ang rabies ay isa mga pinakamalubhang viral disease na nakakaapekto sa central nervous system ng isang tao. Sa pamamagitan ng laway, kalmot at kagat kumakalat ito sa tao katawan ng tao at nagdudulot mg impeksyon. Ito ay sakit na mula sa hayop patungo sa tao. Kapag nakagat ng aso ang isang tao, ang rabies na nasa laway nito ay papasok sa katawan at iba pang parte ng katawan.

Sintomas ng rabies

  • Lagnat at pananakit ng ulo

  • Pananakit o pamamanhid sa lugar ng sugat

  • Pagwawala

  • Paglalaway

  • Paninigas ng mukha

  • Takot sa hangin at tubig

Ang sintomas ng rabies ay hindi agad nakikita o lumalabas kadalasang makikita ito pagkatapos ng 3 hanggang 8 linggo pagkatapos makagat. Ngunit dapat nating tandaan na kapag nagkaroon na ng sintomas ng rabies ay mahirap na itong gamutin. Dahil dito, kailangan nating maagapan ang lahat ng kagat ng aso at pusa.

Mga Dapat Gawin Kapag Nakagat Ng Aso At Pusa

1) Hugasan ang sugat gamit ang sabon at tubig sa loob ng 10 minuto upang maiwasan ang pagkakaroon ng impeksiyon.

2) Lagyan ng povidone iodine ang sugat. Huwag lagyan ng kahit anong klase ng ointment ang sugat.

3) Huwag takpan o lagyan ng band-aid o gasa ang sugat.

4) Huwag lagyan o kuskusin ng bawang ang sugat. Hindi ito nakagagamot at baka magdulot pa ng tetanus.

5) Dalhin kaagad ang pasyente sa malapit na ospital o Animal Bite Center.

6) Hanggat maaari ay hulihin ang aso at obserbahan ito ng ilang araw. Kapag ang aso ay nagpakita ng senyales ng rabies katulad ng paglalaway at pagwawala dalhin ito sa nakatakdang ospital para ma-eksamen ang utak ng hayop at para hindi na muli pang makakagat.

7) Huwag katayin at kainin ang karne ng aso. May mga taong kumakain ng aso, ginagawang pang-ulam o pulutan ang karne nito.

Kailan Nagbibigay Ng Bakuna?

Hindi ibig sabihin na kapag nakalmot o nakagat ka ng hayop ay may rabies na kaagad. Kung alaga mo ang asong nakakagat ay alam mo ang history nito. Kung napabakunahan mo ng regular ay wala ka dapat ikabahala.

  • Kapag nakalmot o nakagat ng hayop at may sugat kailangan ng bakuna laban sa impeksyon ng sugat o ang tinatawag na anti-tetanus vaccine.

    Kailangan obserbahan ang aso ng ilang araw. Kapag walang nangyari sa hayop, ang ibig sabihin ay wala itong rabies at ligtas ang pasyente.

  • Kung magpupumilit naman ang pasyente na magpabakuna ng first shot ng vaccine laban sa rabies ay wala din naman itong problema.

    Kailangan lang obserbahan ang aso ng ilang araw. Kapag hindi ito namatay ibig sabihin ay ligtas ito at walang rabies. Hindi na kailangan na ituloy ang vaccine para sa rabies. Kung namatay naman ang aso ibig sabihin ay may rabies ito at dapat na ipagpatuloy at kumpletuhin ang bakuna.

Mga Paraan Para Makaiwas Sa Rabies

1) Para makaiwas na makakagat ang iyong alagang aso huwang itong hayaang makawala at lagyan ito ng tali.

2)Kung ikaw ay mag-aalaga ng hayop ay siguraduhing maging isang responsableng may-ari nito. Siguraduhing napapabakunahan ang iyong alagang aso upang makaiwas sa sakit na rabies.

3) Kapag may nakitang nakawalang aso ay agad itong ipagbigay-alam sa awtoridad na nangangasiwa sa ganitong mga bagay.

4) Huwag hayaang makipaglaro mag-isa ang bata sa mga hayop lalong-lalo na kung hindi niyo ito alaga.

5) Huwag guguluhin ang mga hayop habang sila ay kumakain, natutulog o nagpapasuso ng kanilang anak dahil baka sila ay magalit at dahilan para ikaw ay makagat.

6) Kapag may sugat sa katawan, huwag hayaang dilaan ng aso ang iyong sugat.

7) Mas mainam na huwag na lang mag-alaga ng hayop lalo na kung hindi ito mapapabakunahan laban sa rabies dahil baka magdulot lamang ito ng kapahamakan saiyo at sa ibang tao.

MGA KARAGDAGANG KAALAMAN TUNGKOL SA HAYOP AT RABIES

  • Ang rabies ay hindi inborn. Hindi lahat ng aso ay may rabies. Marami kasi ang nag-aakala na ang mga tuta ay malakas ang rabies.

  • Ang rabies ay hindi nakukuha sa mga basurang kinakalkal ng mga hayop o sa mga maduduming lugar. Ito ay nagmumula kapag ang hayop ay nakagat ng isang rabid na hayop.

  • Ang asong may rabies ay may taning na ang buhay na hindi lalagpas sa 2 linggo. Infected na siya ng virus at umaakyat ito sa utak kaya ang mga asong may rabies ay nauulol at namamatay. Isa ito sa mga dahilan kung bakit namamatay ang aso kahit na makakagat man siya o hindi.

Mahalagang malaman ng bawat indibidwal ang mga sanhi at bunga ng isang bagay. Iwasang maniwala sa mga pamahiin o mga maling paniniwala dahil maaari itong magdulot ng labis na perwisyo at problema sa hinaharap. Kapag mag-aalaga ng hayop siguraduhin na ikaw ay isang responsableng may-ari nito upang maiwasan na makaabala at makasakit ang iyong alagang hayop.

3
$ 0.06
$ 0.06 from @TheRandomRewarder
Avatar for rosienne
3 years ago

Comments

ganun nga may rabies nakagat na ako dati kaso ginamutan kaagad pero di ako nakapag pa.inject ng anti rabies may mangyayari bang masama sa akin?

$ 0.00
3 years ago