Bullying
Ang pambubully ay isang pang-aabuso o pangmamaltrato sa isang mahinang indibidwal o walang kakayahang ipaglaban ang sarili. Ito ay nakaka-apekto sa mental, pisikal at emosyonal na damdamin ng isang taong inaabuso. Malaki rin ang epekto nito sa araw-araw na buhay ng biktima.
Madalas itong mangyari sa mga kabataan at estudyante kung saan may isang grupong nagkakasundo na abusuhin ang kanilang target o biktima. Maaring gawin nila ito sa pamamagitan ng pamamahiya, pamimintas at pagbibitiw ng mga di kaaya-ayang salita. Marami na rin ang nasasaktan ng pisikal dahil sa pambubully ng ilan.
Sa aking opinion ang mga taong nangbu-bully, ito yung mga taong may pinagdadaanan sa buhay or nakakaranas din ng karahasan. Siguro wala silang mapagbuntungan ng kanilang galit o hindi sila makaganti sa taong nananakit din sa kanila dahil ito'y mas malakas sa kanila kayat binubuhos nila ang kanilang galit sa iba. Pupwede ding talagang mapanakit lang silang tao, mga walang magawa sa buhay kaya ang ginagawa nalang nila ay manakit o mambully ng iba.
Ang pinsan ng aking asawa ay nabully din sa kaniyang pinapasukang eskwelahan at ito'y hindi alam ng kaniyang mga magulang, napansin na lang daw ng kaniyang ina na nag-iiba na ito ng kilos nagsasalita na minsan ng mag-isa parang nawala sa kaniyang sarili. Napag alaman ng tita ng aking asawa na ito pala ay binubully sa school.
Minsan nga hindi ko lubos maunawaan ang pag-iisip ng mga taong nambu-bully kung bakit nila ginagawa yun? Hindi ba nila naiisip na dahil sa ginagawa nilang pambu-bully ay nakakasira sila ng buhay ng ibang tao? Nagiging miserable ang buhay ng kanilang biktima. Minsan humahantong sa di pagpasok sa school o paglabas ng bahay, laging takot, kinakabahan, gusto lang mapag-isa or worst ay nagpapakamatay. 😪
Sa mga biktima ng bullying huwag niyo hayaan na aapihin kayo ng ibang tao matutong lumaban sa tamang paraan. Maging open sa magulang, isumbong sa mga guro at sa mga pulis kung kinakailangan. At pinakamahagala pray for them to make them good. Ipagdasal mo sila sa Dios upang magbago ang kanilang ginagawa. Malay mo balang araw maging kaibigan mo pa sila. Hindi madali magpatawad at makalimot sa mga ganitong sitwasyo ngunit mas piliin natin ang magpakumbaba dahil ang Dios ang magtataas sa atin. Huwag gumanti kung maaari dahil baka mauwi lang ito mas malalang sitwasyon.