Breastfeeding Mom be like

0 10
Avatar for rosienne
2 years ago

Ang hirap maging nanay no? Imagine 9 months mong dinala sa sinapupunan mo yung baby. Dahil sa bigat ng iyong tiyan hirap kang kumilos at kailangan sobrang maingat ka lalo na kapag pupunta ka ng c.r. upang huwag kang madulas o madapa. Ang hirap din mag-labor dahil sobrang sakit lalo na kapag malapit na talagang lumabas si baby at 50/50 pa ang buhay mo. Kapag naipanganak mo na sya akala mo nakaraos ka na pero simula pa lang yun ng pagiging nanay mo dahil ang totoo madami ka pang pagdadaanan araw-araw. Sa unang buwan diyan mo mararanasan na halos wala kang tulog dahil gising si baby sa gabi at kailangan mong palitan sya ng diaper dahil madalas syang dumumi.

Kapag pinili mong magpasuso(breastfeeding) dapat ay handa ka sa puyatan. Kailangan mong kumain ng madami, bawal muna ang diet para maka-produce ka ng maraming gatas. Kailangan ninyo pareho ni baby ng sapat na sustansya at lahat ng iyon ay manggagaling saiyo kaya dapat huwag kang magpapalipas ng gutom at kumain ka ng mga green leafy vegetables, prutas, karne at sabaw. Damihan mo rin ang pag-inom ng tubig dahil makakatulong ito para mas marami kang ma-produce na gatas.

Wala naman pinagbabawal na kainin or inumin sa nagpapasuso pero kailangan ay mag-ingat pa din sa mga kinakain at iniinom dahil maaaring makaapekto ito saiyo at mahirapan kang alagaan ang iyong baby. Mas mainam na umiwas din sa kape at soft drinks. Uminom na lamang ng gatas at maraming tubig na mas higit na kailangan ninyo ni baby.

Walang araw na hindi ka mapupuyat kapag may pinapasuso ka lalo na kung below 6 months old pa lamang dahil wala silang ibang kinakain kundi gatas. Kapag 6 months ay maaari mo ng pakainin ng solid foods si baby kung kayat mababawasan na ang oras mo sa pagpapasuso sa kanya. Mas marami ka ng magagawang gawaing bahay at magkakaroon ka ng oras para sa iba mong anak. Sa sitwasyon ko ay sobrang nakakapagod dahil tandem breastfeeding ang newborn ko at ang 1 year and 8 months old kong baby girl. Ang hirap lalo na noong una naiisip ko na para akong hayop tulad ng aso, pusa at baboy na kapag nagpapasuso sa kanilang mga anak ay sabay-sabay. Ayaw ng baby girl ko na uminom ng gatas sa baso o feeding bottle. Ayaw nya sa lasa ng formula milk na nabibili namin, hindi naman namin afford ang mga mamahaling gatas kaya hindi namin masubukan. Kaya hinayaan ko na lamang na pareho silang i-breastfeed. Malaking tulong ang breastmilk sa kanilang dalawa lalo na sa baby girl ko dahil hindi sya sakitin.

Minsan nakakainip lang magpasuso lalo na kapag may nais kang gawing gawaing bahay hindi mo talaga magagawa agad lalo na kapag hindi natutulog si baby sa umaga. Nakaka-stress pero kapag iisipin mo ang benefits na makukuha mo sa pagpapasuso dun mo marerealize na tama lang ang ginagawa mo. Dahil bukod sa nakakatipid ka na mas masustansya pa ang breastmilk kumpara sa formula milk.

Halos mawawalan ka na rin ng time para sa sarili mo. Minsan di mo na magagawang magsuklay ng buhok man lang dahil uunahin mo ang iyong anak at mga gawaing bahay. Hindi kana makakapag-ayos katulad noong dalaga ka pa lalo na kapag marami ka ng anak. Kapag nagkaroon ka man ng oras ay mas pipiliin mo na lang magpahinga kaysa sa mag-ayos ng katawan o ng iyong itsura.

Kailangan mo ng mahabang pang-unawa at pasensya sa lahat ng bagay lalo na kapag may anak ka na. Minsan hindi mo maiiwasang mainis o magalit dahil dala iyon ng pagbabago sa iyong katawan at pagbabago sa buhay mo lalo na kung hindi ka sanay na nasa bahay lang. Kapag nagka-baby ka na kasi expected na ikaw ang mag-aalaga at igigive-up mo ang iyong trabaho para sa iyong anak kaya mananatili ka na sa bahay hanggang sa lumaki ang iyong mga anak.

Sa mga nanay na katulad ko na nasa bahay lang dahil mas pinili na makasama ang kanilang mga anak humahanga ako sa inyo. Ipagpatuloy lang natin ang ating nasimulan at huwag susuko sa laban. Kaya natin ito mga momshie. Laban lang!

1
$ 1.30
$ 1.30 from @TheRandomRewarder
Avatar for rosienne
2 years ago

Comments