Bakit kailangan nating ngumiti at tumawa?

1 856
Avatar for rosienne
3 years ago

Lahat naman tayo ay nakakaranas ng problema at kahirapan sa buhay ngunit huwag natin itong gawing hadlang upang maging masaya. Maraming benepisyo ang pagiging masayahin at palangiti na hindi natin namamalayan.

Ang pagngiti at pagtawa ay isang paraan ng komunikasyon ng tao sa isa’t isa. Nakakagaan sa pakiramdam ang pangiti saiyo ng iyong kapwa. Ang pagtawa sa mga nakakatawang bagay at biro ay naghahatid sa atin ng kakaibang ligaya. Parang ang gaan sa pakiramdam at wala tayong problema.

Ang pagngiti at pagtawa ay kadalasang nangyayari kapag masaya tayo sa ating mga kasama. Nagiging mas close ang tayo sa ating mga kaibigan at kapamilya kapag sama-sama tayong tumatawa. Maaari din tayong ngumiti at tumawa mag-isa kapag tayo ay may naalalang mga pangyayaring magpapangiti sa atin at kapag tayo ay nanonood ng nakakatawang movie o series mag-isa.

Ngunit hindi pa klaro sa mga eksperto kung bakit tayo tumatawa? May nagsasabi na para bang nagugulat o nakikiliti ang ating utak sa ating nakita o narinig na pangyayari. May mga bahagi ng utak na responsable sa pagtawa. Nag-uumpisa ito sa Left Cortex ng utak kung saan pinag-iisipan ang biro (joke). Kasama ang Frontal Lobe ng utak na nangangasiwa sa ating emosyon. Pagkatapos ay pinag-aaralan ng Right Cortex para “makuha” ang joke. Kapag natawa ka sa biro, gagana na ang Motor System o nerves. Gagalaw ang masel para tayo ay ngumiti, tumawa, huminga ng malalim at minsan ay naluluha pa.

Ang pagtawa ay nag-uumpisa habang sanggol pa. Bago pa tayo natuto magsalita, tumatawa na tayo. May mga mga hayop din tulad ng unggoy ang nguminguti at tumatawa.

MGA BENEPISYO NG PAGNGITI AT PAGTAWA

Sabi nga nila:

“Laughter is the best medicine.”

Malaki ang naitutulong nito sa ating katawan at isipan. Marami itong benepisyo na hindi natin namamalayan. Tunghayan ang mga sumusunod.

  • Sa pamamagitan ng pagtawa ay nawawala ang mga cells na nagdudulot ng mga sakit katulad ng cancer.

  • Tumataas ang lebel ng endorphins sa katawan, isang kemikal na nagpapalakas sa immune system.

  • Ito ay makatutulong sa pagpababa ng blood pressure, pagganda ng daloy ng dugo sa puso at utak, at pagbawas ng sakit sa katawan.

  • Ito ay makakatulong sa ating pakiramdam at pananaw upang mas maging epektibo at positibo ang lahat ng ating gagawin sa buhay.

  • Mas maaliwalas at kaibig-ibig ang ating mukha at reclection kapag tayo ay nakangiti at marunong tumawa.

  • Magaan sa pakiramdam at pansamantalang nakakalimutan ang mga problema.

  • Nakakabawas ng stress at lungkot kapag may ngumiti saiyo.

  • Nakakapagpahaba din ng buhay ang pagiging masayahin.

Ang pagngiti ay mas magandang tingnan kaysa sa mga kolorete(make-up) sa mukha. Mas maganda ang natural. Ang mga taong palangiti at masayahin ay mas maraming oportunidad na nakikita kumpara sa mga taong masyadong seryoso sa buhay.

Ngunit hindi lahat ng klase ng pagngiti at pagtawa ay maganda. Mayroong pagngiti na peke at nagmumula sa masamang hangarin at epekto ng pangungutya o pambubully sa kapwa. May mga taong natutuwa kapag ang kapwa nila ay bumababa o bumabagsak ang kalagayan sa buhay. Ito ay dulot ng inggit. Bagamat hindi na natin maiiwasan pa ang pagkakaroon ng mga problema sa buhay ay huwag na natin seryosohin ang lahat ng bagay. Matutong tawanan ang sarili at ang iyong problema. Isang beses lang tayo maaaring mabuhay dito sa mundong ibabaw kaya mamuhay tayo ng may galak sa ating mga puso at isipan. Makisama tayo sa mga taong masiyahin at may positibong pananaw sa buhay. Manood tayo ng masasaya at nakakatawang palabas upang panandaliang makalimot sa mga problema.

4
$ 8.31
$ 8.31 from @TheRandomRewarder
Avatar for rosienne
3 years ago

Comments

Salamat sa impormasyon mo sis. Nakatulong din ito at nkapag isip din ng maayos..

$ 0.00
3 years ago