Bakit kailangan mong tanggapin ang iyong pagkakamali?

0 147
Avatar for rosienne
2 years ago

Lahat naman tayo ay nagkakamali pero hindi lahat ay tanggap ang pagkakamali nila. Karamihan ay naghahanap ng butas o masisisi sa nagawa nilang kasalanan. Ngunit gaano nga ba kahalaga na matanggap mo sa iyong sarili na ikaw ay nagkamali at nakagawa ng hindi maganda? Ang isang mapagpakumbabang nilalang ay bukal sa kanyang kalooban na tanggapin ang kanyang pagkakamali at handang humingi ng kapatawaran sa nagawan nya ng kasalanan. Ngunit ito ay kabaliktaran naman sa taong mapagmataas dahil kadalasan ay naghahanap lang sya ng masisisi sa kanyang nagawang kasalanan. Hindi nya tinatanggap na sya ay nagkakamali dahil sya ay mayabang at mataas ang tingin sa sarili.

Kailangan nating matanggap ang ating mga nagagawang pagkakamali at kasalanan para tayo ay magbago. Para mabago natin ang mga ugaling dapat baguhin at mas magkaroon ng magandang pananaw sa buhay. Mas magiging matuwid ang ating pag-iisip kapag alam natin sa sarili natin na tayo ay nagkamali. Ang pagkakamali at ang pagtanggap dito ang magbibigay daan upang tayo ay tuluyang lumayo sa mga bagay na hindi makakabuti sa atin. Maiiwasan natin na magawa ulit ang mga kasalanan at pagkakamali na nagawa natin noong mga nakaraan. Mas magkakaroon ng linaw ang mga tanong sa iyong isipan kung bakit nangyayari ang mga bagay. Kailangan nating magkamali upang matuto at kailangan nating tanggapin ang pagkakamaling ito upang magbago. Ito ang magbibigay sa ating ng panibagong pag-asa sa buhay. Makakaramdam tayo ng tunay na kaligayahan kapag tayo ay napatawad ng taong nagawan natin ng kasalanan. Kapag tayo ay mapagpakumbaba ay ang Dios ang nagtataas sa atin. Hiwag nating hayaan na madaya tayo ng tukso at mabihag sa kanyang kasakiman. Layuan natin ang mga bagay na alam nating mauuwi lang sa mabigat na kasalanan.

Magkamali man tayo ay huwag tayong mawalan ng pag-asa dahil lahat tayo ay binibigyan ng panahon upang magbago at umiwas sa mga kasalanan. Nasa atin ang kapangyarihan upang makagawa ng mga bagay na maganda at tayo din ang magdedesisyon kung mas pipiliin natin maging masama. Magkamali ka man ng paulit-ulit ay huwag kong hayaan na hindi ka makabangon huwag kang magpatalo sa kasamaan kundi lumaban ka hanggang sa ikaw ay matuto at magbago. Masisilayan mo ang panibagong bukas at magandang kapalaran kapag mas pinili mo na maging mabuting tao. Hindi mo man maibalik sa dati ang sitwasyon dahil sa iyong maling nagawa subukan mong gawing mas maganda ang resulta kapag nabago mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagtanggap ng iyong pagkakamali.

1
$ 1.16
$ 1.16 from @TheRandomRewarder
Avatar for rosienne
2 years ago

Comments