Away Pulitika
Isa ka rin ba sa nakikipag-away ngayon sa iyong social media account mapa-twitter, facebook, instagram o tiktok man dahil lang sa pulitika? Tapos na ang halalan ngunit mainit at maingay pa rin ang bangayan ng mga tao sa iba't-ibang social media platform dito sa Pilipinas. Nakakalungkot isipin na dahil lamang sa pulitika ay maraming nag-away-away. Mayroong mag-asawang di magkasundo, mag-kaibigan na nablocked at unfriend sa facebook, mga magkamag-anak na may sigalot dahil lang kanilang mga pinaglalabang pulitiko. Noong hindi pa ako botante ay madalas ko ng marinig ang katagang "Dirty Politics" ito ay dahil sa marami ang negatibong naidudulot ng pulitika sa buhay ng isang tao. Isa na rito ang pagiging "greedy" sa pera at kapangyarihan. Mayroon ding nagpapatayan na magkatunggali sa isang posisyon. Ang mga botante ay masyadong ina-idolized ang kanilang mga pambatong pulitiko at nakakalimutan ang salitang respeto. Hidwaan dito, hidwaan doon. Talamak din ang "vote buying". Hindi ko inaasahan na aabot sa puntong matutuklasan ng aking mga mata ang pangyayaring ito. Hindi ko lubos maisip na ang active sa pagra-rally ay mga kabataan na pinipilit at pinaglalaban ang kanilang gusto. Nasan na ang kasabihang "Ang kabataan ang Pag-asa ng Bayan"? Salungat na ito sa nakikita ko ngayon na kung saan ang mga kabataan ay agresibo at palaban sa gobyerno.
Marami akong nababasa sa facebook na hindi nila matanggap ang pagkatalo ng kanilang binotong presidente at sinasabing may naganap daw na dayaan. Hindi ako sang-ayon dito dahil sa survey pa lang noon bago ang halalan ay lagi ng nangunguna ang kabilang koponan. Hindi maitatago ang suporta ng mga Pilipino sa nanalong Presidente ngayon ng Pilipinas. Mahigit 16M votes ang lamang ng nangungunang Presidente kumpara sa pumapangalawang kandidato na mayroon lamang mahigit na 14M votes. Kung sinasabi nila na mayroong dayaang naganap ay maaari naman nilang idaan sa maayos na proseso at huwag idaan sa pag-rarally na halos mga kabataan ang aktibo at dumalo na pinipilit na pinaglalaban daw ang kajilang karapatan.
Kung ang mga ibang natalong kandidato ay natanggap ang kanilang pagtalo at ngayon ay humihingi ng pagkakaisa at suporta para sa uupong Presidente sana ay gayun din tayong mamamayan ng Pilipinas. Hindi natin ikaka-angat ang pagtatalo-talo at hidwaan sa social media. Magkaisa tayo upang harapin ang panibagong pagsubok sa ating buhay at ipanalangin ang pagkakaroon ng maunlad, masagana at maayos na pamumuno ng bagong uupong Presidente ng ating bansa. Huwag tayong maghilahan pababa dahil lang sa magkaiba tayo ng paniniwala at binoto. Tandaan na karapatan ng bawat isa ang pumili ng kanyang ninanais na kandidato at walang sinuman ang may karapatan na diktahan tayo dahil pantay-pantay ang ating karapatan sa pagboto.
Huwag magmura at mang-degrade ng kapwa dahil lang sa magkaiba kayo ng ibinoto. Kahit kailan at kahit saan mo bandang tingnan hindi tama ang sabihin mong bobo ang iyong kapwa dahil sa pinili nyang kandidato. Hindi iyon kabobohan kundi yun ay karapatan. Tanggapin ang pagkatalo at mag-move on katulad ng pag-move on mo noong ikaw ay niloko ng iyon kasintahan.😂 Masakit pero kailangan natin tanggapin ng katotohanan. Bigyan nating daan ang pagkakaisa at pagtutulungan tungo sa kaunlaran ng ating bansa. Tandaan natin na demokrasya ang bansa natin at hindi komunista at diktatoryal.