Araw ng Pasalamat

0 30
Avatar for rosienne
2 years ago

Tuwing kailan ba tayo dapat magpasalamat sa Dios? Isang beses lang ba sa isang taon? Tuwing birthday? Anniversary? Kapag tumama sa jueteng o nanalo sa sugal? Tuwing sinagot ng nililigawan? O tuwing masaya lang? Sa totoo lang kahit araw-araw tayong magpasalamat sa Dios ay walang katumbas ang lahat ng bagay na kanyang kaloob sa atin ngunit sya ay masaya kapag tayo ay nakaka-alala sa kanya.

Araw-araw dapat tayong magpasalamat sa Dios sa lahat ng mga bagay na ibinibigay nya. Walang kahit sino man ang makakapantay sa mga bagay na kaya nyang gawin sa sanlibutan. Dapat tayong magpasalamat sa oras na ipinapahiram nya sa atin dito sa mundong ibabaw. Sa pagkakataon na ibinibigay nya sa atin upang makasama natin ang ating mga mahal sa buhay at upang magawa natin ang ating mga kagustuhan at mga kailangan. Magpasalamat tayo sa mga talento at kakayahan na ipinagkaloob nya sa atin upang mapakinabangan natin sa ating araw-araw na buhay. Sa mga oportunidad na ibinigay nya upang guminhawa ang ating buhay. Kaya dapat magpasalamat tayo sa kanya tuwing may pagkakataon kang sambitin ang salitang "Salamat sa Dios."

Ngunit bakit may mga taong nakaka-alala lamang sa Dios kapag may kailangan at tuwing espesyal lang na araw nila. Nagsisimba lang kapag birthday o anniversary. Nagdadasal lang kapag may kailangan. Nakakalungkot isipin na ganito ang nangyayari kadalasan. Maaari naman tayong lumapit sa Dios kahit wala tayong kailangan. Magpasalamat tayo sa kanya araw-araw sa mga bagay at tao na ibinibigay nya para maging makabuluhan ang pag-iral natin dito sa mundong ibabaw. Humingi tayo ng kapatawaran sa kanya sa ating mga pagkukulang at mga kasalanan. Humingi tayo ng pagkakataon upang baguhin natin ang ating mga sarili. Lahat ng ito ay papakinggan nya ngunit hindi nya ibibigay ang alam nyang ikakasama mo lang. Hindi lahat ng hinihingi mo ay ipagkakaloob nya dahil katulad ng ating magulang sa laman, hindi nila tayo pinagbibigyan lalo na kapag alam nila na ikakapahamak natin ito. Ganyan tayo kamahal ng Dios higit pa sa pagmamahal na kayang ibigay ng ating mga magulang.

May kanya-kanya tayong paniniwala tungkol sa Dios at mayroon ding hindi naniniwala. Gawin na lang natin kung ano ang utos ng Dios, maging mabuti tayo sa ating kapwa. Ibigin natin ang ating mga kaaway ng sa ganun ay maramdaman nila ang kabutihan kahit sila ay nakakaramdam ng pagkamunghi sa iba. Ang pang-unawa at pag-ibig ay mga bagay na ipinagkaloob sa atin upang maging isang mabuting nilalang. Isa ito sa mga dapat nating ipagpasalamat araw-araw. Sabay sabay nating bigkasin ang salitang "Thanks be to God."

Hindi natin kailangan ng isang malaking handaan para magpasalamat. Ang pagpapasalamat ng bukal sa kalooban at walang halong pagpapanggap ay sapat na para tanggapin ng Dios ang ating pasasalamat sa kanya sa lahat ng bagay.

1
$ 0.67
$ 0.67 from @TheRandomRewarder
Avatar for rosienne
2 years ago

Comments